Chapter 8

141 5 0
                                    

Third person's POV

"Ang tagal mo naman gumayak!" Pagrereklamo ni Mae kay Khate

"Sandali lang naman kasi hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na maghintay kapag kinakailangan?" sabi naman ni Khate kay Mae na hanggang ngayon nasa C.R pa ng kwarto nya

"Tumahimik ka na nga lang dyan at bilisan mo malapit ng dumating sila Shane dito" sabi ulit ni Mae na nakatingin sa cellphone nya na parang tinitignan ang oras

"Eto na nga eh diba" sabi ni Khate na kakalabas lang ng C.R habang kinukusot ang buhok gamit ang tuwalya nya

"Bilisan mo ngang mag-ayos kabagal mo" sambit ulit ni Mae na halatang halata na naiirita na talaga kay Khate na halos kalahating oras sa banyo.

"Eto na nga o, nagsusuklay na, nagpopolbo, isusuot na yung flat shoes ko, eto na talaga." Sabi ni Khate na bawat galaw ay sinasabi kay Mae na inis na inis na sa kabagalan ng kaibigan niya. Tinignan niya ito ng masama at parang sinasabi na makuha-ka-sa-tingin look.

"Hehehe eto na nga o, baba na tayo nandun na sila eh naghihintay na" sabi ni Khate habang binubuksan ang pinto at inaayos yung bag nya.

"Buti naman at naisipan niyong bumaba na." Sambit ni Kris habang nakatingin ng masam sa dalawa

"Wag mo kong idamay, etong babaeng ito ang sisihin niyo" saad ni Mae at lumabas na sa bahay nila Khate.

"Ah, sorry na. So let's go na?" Pagsingit na ni Khate na kinakamot ang likod ng ulo niya habang sinusukbit ang bagpack niya. Lumabas naman na silang lahat at pumunta sa labas ng gate kung saan nakaparada ang sasakyan ni Sarah.

Pupunta kasi sila sa favorite spot nila. Gusto kasi nila na marelax man lang kaya naisipan nila na gumala at pumunta sa secret place nila. Habang nasa daan sila naisipan nilang bumaba sa isang 7 eleven para bumili ng mga pagkain. Medyo malaki naman ng konti yung kotse ni Sarah kaya kasya sila dun katabi ni Sarah si Kris, si Shane naman ang nasa pagitan nila Khate at Mae.

Matapos nilang makabili ng mga pagkain nagsimula na ulig magmaneho si Sarah. Medyo malapit lang ang pupuntahan nila kaya matapos nilang magbiyahe, nakarating na sila sa private resort nila Shane.

"Hoy! Mga babaeng makakapal ang mukha! Tulungan nyo po kaya ako dito kesa unahin nyo yung hindi importanteng bagay dyan" pagrereklamo ni Kris habang bitbit ang mga pagkain na binili nila sa likod naman niya nakasukbit ang bagpack niya.

Pagkababang pagkababa kasi nung apal dumiretso na agad sila sa kubo habang naiwan si Kris para magasikaso ng mga gamit nila sa kotse. Naisipan nila na sa beach na lang nina Sarah, private beach to kaya mga exclusives na tao lang ang pwedeng makapasok dito since sila Sarah naman ang may ari nito kaya pwede sila dito.

KRIS's POV

"O! luto na tong barbecue" pagka abot na pag kaabot ko sa kanila nyan parang wala pang isang minuto naubos ang laman ng plato pano ba naman kumuha sila ng kumuha may hawak pa nga silang pagreserba kung sakaling maubos e, iba talaga tong mga to eh hindi na naawa sakin pinapagod ako eh sayang ganda ko kung sa ihawan lang maeexpose. Mga hayop na ito.

"Gusto niyo pa po ba?" sarkastikong tanong ko sa kanila.

"Yesh we want more barbecue" sabi ni Khate, letse tong mga to di man lang makahalata isupalpal ko kaya yung stick sa lalamunan nila.

Pumunta na ako sa ihawan medyo malapit lang naman to sa kubo.

"Hoy Kris!" Sigaw ni Mae

"ANO!" sigaw ko din. Kanina pa ako naiirita,konti na lang talaga sila ang itutuhog ko sa stick at i-iihaw

"Matagal pa ba yan?" Tanong ni Mae. Aba't hayop talaga tong mga babaeng to, andito ako para magrelax hindi para maging alila.

"Subukan niyo kayang kayo ang mag-ihaw." Mga letcheng ito.

"Andami pa kasing dada eh. Mag-ihaw ka na lang" sigaw ni Khate

Konti na lang talaga lulubayan ko na to. Mga letcheng to. Mga walang kwenta. Mga impakta. Walang hiya talaga itong mga halimaw na to. Sa totoo lang di naman talaga sila tunay na tao. Sinasamahan ko lang sila para naman magmukha silang tao. Nakakaawa naman kasi sila kung madiscriminate sila. Pasalamat sila may awa pa ako sa kanila.

"Bakit ang tagal naman niyan Kris?" Sigaw nanaman ni Khate.

*pak*

Wag masyadong mag-isip ng kung ano-ano simpleng pag bagsag lang yan ng pamaypay na hawak ko. Tinignan ko naman sila ng masama

"Hehehe" sabay sabay sila.

"Binibiro ka lang naman namin" sabi ni Shane

"Oo nga naman di naman namin intensyong magalit ka." Sabi naman ni Sarah

"Psh! Bahala kayo diyan. Kayo na mag-ihaw. Pagod na ko." Sambit ko at pumunta sa loob ng kubo at umupo sa gawing kaliwa sa dulo kung saan nakalagay ang mga chichirya. Kumuha ako ng isa at nginata ko.

"Alam mo ang arte mo! Mag-iihaw ka na nga lang ayaw mo pa. Bibigyan ka pa naman sana namin ng bagong design ng sling bag. Yung gustong gusto mo kaya lanh di mo mabili kasi masyadong mahal. Sayang talaga diba girls?" sabi ni Mae sakin.

Napatigil naman ako sa pagnguya ng marinig ko iyon. Yun yung bag na gustong gusto ko! Nakita ko iyon sa isang mall ang ganda kasi ng pagkakagawa kaya lang limited edition lang siya kaya ang mahal, 47,000. Kapag inisip mo parang baliw lang ang bibili ng bag na iyon pero ang ganda kasi talaga ng design at ng ginamit na pandesign. It's color Navy Blue with the touch of Dark violet and a little light violet. On its lock, it has a small diamond that has a gold ring around it. Sa loob naman may dalawang zipper. Color gold siya na may konting glitters na color black. Basta I can't define it by means of words only. Simple but elegant. Kaya siguro ganon kamahal.

"Talaga? E kung ganon ako na mag-iihaw hanggang mamaya" sambit ko at agad agad tumayo at pumwesto sa tapat ng ihawan.

"Hindi, wag na. Kami na lang, pagod ka na diba?" Sabi ni Shane at kinuha ang pamaypay sa kamay ko.

"Kayo naman, ako na." Pagoupumilit ko. Kung hindi lang talaga dahil sa bag na yon.

"Hindi! Wag na nga. Naawa naman kami sayo. Tsaka akala mo ba ibibili ka talaga namin ng ganon kamahal na bag? No way!" Natatawang sambit ni Mae.

Tangina! Bakit ba pinagtitripan nila ako? Lalo na si Mae. Kanina pa siya!

Padabog akong pumunta sa pwesto ko kanina at nginatngat ulit ang kinakain ko.

"Kesa gumanyan kayo bakit hindi na lang natin enjoyin yung pagstay natin dito para masulit naman natin" sambit naman ni Sarah

"Ay nag eexist ka pala akala ko taga lamon ka lang ng pagkain " sabi ni Mae

"Aray naman. Nakakahiya naman sayo ang hinhin mong lumamon" balik na sagot ni Sarah

"Kesa naman sayo wala pang isang oras sayo yung isang order ng palabok" sabi ni Mae

"Masarap kasi yung palabok. Eh ikaw nga wala pang kalahating oras yung isang container ng siomai eh at may kasama pang dalawang burger kayo ang taba taba mo na!" sabi ni Sarah

"Hoy! 57 lang kilo ko kahit malakas akong kumain" pagmamalaki ni Mae

"Hahahahahahahahahaha 57 ka?" Sabi ni Sarah na nakahawak pa sa tiyan niya.

"Bakit ikaw ba?" Tanong ni Mae

"Haha 56 lang ako" sagot ni Sarah. Akala ko naman kung gaano kagaan ito, 56 lang pala. Parang isa lang yung ibinaba kung makapagmalaki parang kung sinong magaan. Ako nga 58 lang eh. Atleast hindi ko pinagmamayabang na 58 lang ako.

"Tara na nga magsimula na tayong mag gala"

Sumama na lang ako sa kanila. Duh! Kahit naman pagtripan ako ng mga yan lalo na si Mae hindi naman ako ganon kababaw para magalit. Except lang kapag masyado na talaga.

Nagsimula na kaming maglibot libot sa lugar. Nasa tabi ng dagat yung kubo kung saan namin nilapag ang gamit kanina. Maganda yung view kasi sa tabi ng kubo may malaking tipak ng bato sa likod nito. White sand and a color blue water.

Almost 2 years na yata kaming hindi nakakapunta dito. Yung huling punta namin dito nung vacation pa. Pinayagan kami ng mga magulang namin kasi kasama naman sila Kuya Dave at Ate Dans.

What a wonderful long weekend. Ang sarap sa pakiramdam. I wish, we can always be like this.

The Unexpected (U N D E R R E V I S I O N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon