Chapter 2

441 12 2
                                    


Troy's POV


PINAUNA KO NA SILA Drei sa gym sabi ko susunod na lang ako. Gusto kong magpalamig muna dito sa library, dalawa lang kasi ang aircon bawat room pero dito sa library nakacentralized kaya malamog talaga.




Pagkapasok ko pa lang ng library tinignan na kaagad ako ng librarian magmula ulo hanggang paa.




Ngumiti na lang ako sa kanya bago magpatuloy sa isa sa lamesa sa medyo bandang gilid. Inirapan naman niya ako kaya napagkibit balikat na lang ako.



Malaki itong library namin, halos kasing laki lang ng normal na gymnasium. Bago ka pa lang makapasok kailangan mo munang dumaan sa detector machine at dumeretso sa desktop na nasa gilid lang nito para makapagattendance. Pagkatapos non bubungad na kaagad sa iyo ang pwesto ng librarian, yung maliit niyang parang office ay yung parang sa mga token changer sa mga arcade zone. May dalawang pinto magkabila. Kanan ang entrance at kaliwa ang exit.




Para ka munang dadaan sa maliit na hall kapag balak mong pumasok dito sa library. Pagkapasok mo pa lang sa loob, bubungad na sa iyo ang mga shelves na punong puno ng mga libro. Nakahilera ito ng 3 columns na umookupa ng 5 rows na mga shelves. Bawat pagitan ng mga shelves ay ang mga lamesa. Mahahabang lamesa.




Sa bawat pagitan naman ng 5 rows per 3 columns na mga shelves ay ang mga compuuters then another comlumns and rows ulit at mga lamesa.




Pagkaupo ko palang sa upuan ko may narinig na kaagad akong sigaw.




"Aray!" Rinig kong sigaw mula sa kabila ng bookshelves sa bandang kanan sa likod. Andito lang kasi ako sa table sa may bandang kaliwa pagkapasok ng library.




Dahil mabait naman ako ngayon, pinuntahan ko yung lugar kung saan ko narinig yung sumigaw.




Nakita ko naman sya na nakaupo sa sahig at may mga books din na nahulog sa kanya. Nakasalampak naman siya sa sahig. Paanong nahulog yung mga libro na yan sa kanya? Ganon ba siya ka-clumsy?




I sighed, as if I do have any choice but to help her. Tsk! Weak.




Pinuntahan ko naman siya at umupo sa harap niya para magkapantay kami. Hindi ko masyadong makita yung mukha niya dahil nakayuko siya ng konti at inaalis yung mga libro sa kanya.




"Are you okay Miss?" Tanong ko sa kanya.




"Mukha ba kong okay?! Kita mo na ngang nabagsakan ako tapos tatanungin mo kung ayos lang ako?! Seriously? Are you blind?"




Wow! Hindi ba dapat ako ang magtanong kung siya ba ang bulag? Hindi ba niya kayang kunin ang librong kukuhanin niya ng hindi nahuhulog? Hindi ba niya nakikita kung mahuhulog ito o kung hindi? Ngayon, sino ang bulag saming dalawa?




"Ikaw na nga tong inaalala ikaw pa tong galit. Hindi ka pa pasalamat na tutulungan ka." Sabi ko sa kanya habang tumatayo at paalis na, nakakainis tulungan ang mga taong hindi naman din maaappreciate yung tulong na ibibigay mo. Useless kumbaga.





"Wow! Manong, wala kang pakialam kung kailan at saan ako dapat magpasalamat dahil una sa lahat hindi ko hinihingi ang tulong mo dahil kaya ko naman ang sarili ko, pangalawa, walang may sabi sayong tulungan mo ko at pangatlo, wag mo kong pakelaman!" Sabi nito na hindi ko namalayan na nakatayo na pala at naglakad palabas ng pagitan ng mga shelves, hindi ko man lang naramdaman na iniwan niya ako sa pwesto ko ng parang napadaan man lang siya at hindi ako napansin.




The Unexpected (U N D E R R E V I S I O N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon