Chapter 1: Offer

25 1 0
                                    

Vernice's POV

"Doc. Vernice, may patient pong naaksidente, nabangga po s'ya ng truck. Base po sa kwento ng mga pulis, sinadya po ang nangyari. May galit po ang may gawa sa lalaking naaksidente. Sabi din po nila, nabaril po ang lalaki. Nasa E.R. po s'ya ngayon kasama 'yung ibang nasugatan." Sabi ni Nurse Palma.

"Sige. Pupunta na ako do'n." At s'ya namang alis nung nurse.

Dali-dali akong pumunta ng E.R. halos 'di ko namalayan na nandito na pala ako.

"Doc! Dito po!" sigaw nung nurse na pumunta rin sa'kin sa office ko kanina.

"Anong nangyare? Saang part ang masakit? Nurse Palma, pakuha ng mga gamit!" Tumango naman agad ito at tumakbo sa pinagkukuhanan ng mga gamit.

"Doc, masakit po buong katawan ko. At may bumaril po sa'kin kanina." sagot nung pasyente kong lalaki.

"Marami ng dugo ang nawawala sa'yo. Ano po ba ang blood type mo, Sir? Kailangan na po kayong masalinan dugo as soon as possible."

"Type O po ako, Doc."

Matapos ang pag gagamot ko dun sa lalake. Pinasalinan ko na s'ya ng dugo. Habang ako, ginagamot ko 'yung iba pang nasugatan sa accident.

"Vernice, nandito ako para offer-an ka ng isang trabaho. 200,000 pesos ang salary mo per month. Depende pa kung magugustuhan ka ng mga magiging patients mo. Kung magugustuhan ka nila, your salary will be doubled. Kung hindi naman, normal pa rin ang salary mo, two hundred thousand din  'yon." Sabi naman nitong si Harry habang nagpapahinga ako dito sa office ko.

"Anong trabaho ba 'yan? Mamaya illegal 'yan, kotong ka sa'king bakla ka."

"Gaga. Legal 'to. Since doctor ka, magiging doctor ka ng pitong lalaki."

"Ano?! Pito? Tapos puro lalake pa? Papatayin mo ata ako eh. Bakit di nalang ikaw ang tumanggap n'yan, doctor ka rin naman. Alam mo namang hindi ako magaling makisama kapag sa lalaki. Naging close lang tayo gawa ng bading ka." nakangusong sabi ko.

"Sorry na agad. Ikaw lang kase 'yung kilala kong doctor na mapagpasensya. Sige na, tanggapin mo na 'yung offer. Tsaka di ko kakayanin kapag ako yung tumanggap."

"Sigurado ka bang legal 'toh?!" Tumango-tango naman siya

"No need to worry, Vernice."

"Wait, bago ako tuluyang pumayag, saan ba ako magta-trabaho? Kailan ako magsisimula? Wala man lang bang kontrata?"

"Bukas. May pupunta sa bahay mo. S'ya 'yung magpapa-sign sa'yo sa contract mo."

"Bakit kase ako pa? Dagdag iisipin ko pa 'yan eh. May ibang doctor naman na mas mapag pasensya sa'kin."

"I'll tell you why." Tumango naman ako. "Remember last year nawala ako ng 4 and a half months?"

"Yeah, I remember. Like, duhh! Iyon lang naman ang panahong mahigit tatlong linggo kang walang paramdam sa aki--"

"Ako ang naging doctor ng aalagaan mo ngayon. Mababait naman sila, kaso, 'di ko kinayang pagpasensyahan 'yung pagiging makulit nila. Pag time na iinom sila ng vitamins, tinutulugan nila. Pag time na paiinumin ko sila ng gamot kase may sakit sila, 'di nila iniinom. Ginagawa nilang biro lahat. Makulit sila pero ramdam kong mababait sila."

"Ay nako! 'Di ko na tatanggapin 'yang offer mo kung gan'yan naman pala ang pag uugali nila. Mas mabuti na dito nalang ako sa hospital."

"Wala ng bawian, sabi mo tatanggapin mo na."

"May magagawa pa ba ko? Ano kayang magiging buhay ko 'pag kasama ko sila? Baka himatayin ako lagi."

"'Di 'yan. Kaya mo silang pagpasensyahan. Ikaw pa."

"Salamat, Harry."

"Oh! S'ya. Mauuna na 'ko. Hinahanap na ako sa office." tapos nakipag-beso s'ya sa'kin at umalis na.

Hay!  Sana naman 'di ako gano'n ma-stress sa PITONG LALAKE na aalagaan ko.

"Miss Vernice Mapua?" sabi ng isang lalake sa labas ng office ko at kumatok.

"Come in!"

Niluwa naman ng pinto ang isang lalake. My gas! Parang nalalaglag yung panty ko. Charot! Bakit kase ang pogi?

"I'm here for you to sign the contract for being the doctor of the boys."

"I thought bukas ka pa dadating? 'Yun kase yung sinabi sa'kin ng kaibigan ko eh."

"Sorry but I don't understand what you just said."

"I said, where's the contract."

"Here." Sabay abot ng  kontrata. "It's 25 pages contract. You need to sign every single page of it."

Habang binabasa ko yung nakalagay sa kontrata, nakatingin sa'kin 'yung lalake. Para akong tinutunaw ng tingin n'ya. Para rin akong hinuhubaran. Assuming!

Omo! Sa isang araw na 'yung start ng pagta-trabaho ko sa pitong lalake. Wala man lang pa one week after signing the contract si mayor? Kaloka! Parang ngayon palang naloloka na ko eh. Just thinking about it already made me stressed!

Pagkatapos kong basahin at pirmahan 'yong kontrata. Binigay ko na 'yon agad kay Mr. Macho. Hehehe.

"Okay, thanks! I'll go ahead, Doc. Vernice. Oh! And by the way, later at exactly 6pm, your things should be fixed and packed. The driver will bring you to the airport. You're going to Korea. Your work was there. Here's your  ticket. Bye!" Tapos layas agad.

'Di ko man lang natanong yung pangalan n'ya kung saan s'ya nakatira at kung ilang taon na s'ya. Hay Mr. Mach---

Ano daw? Nasa Korea 'yung trabaho ko?May ghad!!! Magta-trabaho ako para sa pitong lalake at sa Korea pa?

Naloloka na talaga ako! Jusko Lord! Mahal mo naman ako, 'di ba? Bakit mo ako niloloka? Huhu.

Sa dami ng kaganapan ngayong araw, wala akong ibang maramdamn kundi excitement at kaba.

Totoo ba lahat ng 'to?

"Kuyang driver? Kilala n'yo po ba kung sino 'yung mga aalagaan kong pitong lalaki?"

"Naku Miss! Kilala ko sila pero 'di ko pwedeng sabihin sa iyo dahil baka matanggal ako sa trabaho."

"Okay lang po, salamat."

"Pero, there's one thing I can tell you about them. They were Koreans."

"Hala! Naloloka na 'ko."

Bumaba na agad ako ng kotse pagdating ko dito sa airport.

"Ms. Mapua, dito po kayo sasakay." Sabi sa'kin ng isang staff.

"A-ano? P-private plane to eh."

"Pero 'yan daw po ang sasakyan n'yo papuntang Korea." Tapos walang paa-paalam, nilagay n'ya na lahat ng gamit ko sa loob ng private plane.

Habang nasa biyahe ako, nababagot na agad ako. Huhuhu, ba-bye Philippines!

Sa pagkabagot ko, tinulog ko nalang habang nakikinig ng songs na nakakalungkot para makatulog ako tu da maks.

Ang araw na 'to ay sobrang nakakaloka. Parang kanina lang kausap ko si Harry and then ngayon, nakasakay na ako sa plane papuntang Korea.

Umagas!

_______________

AlleliGweyneth

Bangtan Boys And MeWhere stories live. Discover now