Chapter 6: Truth

22 0 0
                                    

Taehyung's POV

(After one month)

"Taehyung? Vernice? Aalis muna kaming anim. Pupunta kami ng Daegu. Pupuntahan namin parents ni Yoongi." Pagpapaalam sa'min ni Namjoon.

"Bakit 'di n'yo kami isasama?" Tanong ni Vernice.

"Basta! Bawal kayong dalawa do'n. Madali lang naman kami do'n. Kaya kayong dalawa lang ang tao dito. Isasama namin lahat ng body guards na natira." Sabi naman ni Yoongi.

"Ngayon na ba kayo aalis?" Tanong ko.

"Oo. Sige na, bye!" Sabi ni Jimin.

Bigla namang lumapit si Jungkook kay Vernice at niyakap.

"Mami-miss kita, Noona. Ikaw muna bahala kay alien ah? Saranghaeyo, Noona."

"Saranghaeyo, Baby boy ko. Mami-miss ka din ni Noona. 'Wag magpapakulit do'n, okay? 'Wag pasaway kala hyung mo."

"Sure, Noona."

Nakatanaw lang kami ni Vernice sa sasakyan nila na kakaalis lang.

Naunang pumasok ng bahay si Vernice at sumunod naman ako.

Dumeretso s'ya sa kusina at sumunod nalang din ako.

Naghiwa s'ya ng beef at sa tingin ko, gagawa s'ya ng Samgyeopsal.

Niyakap ko s'ya habang nakatalikod s'ya. Hindi na s'ya nagulat kasi lagi namin 'tong ginagawa sa kan'ya. Lalo na si Jungkook.

(7 hours later)

"Anong gusto mong itawag ko sa'yo?"

"Ano?!"

"Mas'yado kasing mahaba ang Vernice."

"Bahala ka. Kung anong gusto mo."

"Pa'no kung gusto 'shaggss' ang call sign natin?"

"Bakit nam--"

"Hep! Sabi mo bahala ako."

"Shaggss?" Kinakabahan tuloy ako sa sasabihin ko.

"Shaggss, matagal ko na 'tomg gustong sabihin kaso lagi akong kinakabahan. Shaggss, gusto na ata kita. Mali! Mahal na ata kita eh."

Tinignan ko kung anong reaction n'ya pero nakatingin lang s'ya sa'kin. Parang nagtataka 'yung mukha n'ya. Aish!! Nakakahiya! Nagmukha akong tanga!

"Ha? Hindi kita narinig eh, may suot akong earphone eh. Ano pala 'yung sinasabi mo?"

"Wala! Sabi ko nagugutom na ako. Kain na tayo."

"'Yun lang naman pala eh. Halika na."

Tahimik kaming kumain. S'ya na ang naghugas habang ako, nanonood ng tv dito sa sala.

"Juice oh!" Yaya n'ya sa'kin. Kinuha ko naman agad at ininom.

"Ibang movie naman, Taehyung."

Hindi ko s'ya pinansin at nakatingin lang ako sa pinapanood ko.

"Taehyung! Ilipat mo na kasi!"

"Hindi ako si Taehyung. Ako si Shaggss."

"Aish! Fine! Shaggs?! Ilipat mo na 'yan sa ibang movie. Pleassseee?"

"Okay, Shaggs."

Nilipat ko 'yung movie sa horror. Bigla namang nag ring 'yung cellphone kaya lumabas s'ya ng sala.

Vernice's POV

Tumawag sa'kin 'yung manager nila kaya lumabas ako ng sala.

"Hello, Vernice?"

Bangtan Boys And MeWhere stories live. Discover now