Vernice's POV
(4:00 A.M.)
Pagkagising ko, bumaba agad ako at pumunta sa kusina. Nagtimpla agad ako ng mainit na maiinom. Umupo ako sa dinning table at pinatong sa isang upuan ang aking mga paa.
Nag-cha-chat kami ni Harry. Kinu-kwento n'ya sa'kin kung anong lagay ng hospital do'n. May problema lang daw kasi yo'ng naging proxy ko ay nagkasakit kaya hindi pa nakakapasok ng ilang linggo.
"Bakit ang aga mo namang magising, Chandria?"
Sa pagtawag n'ya pa lang sa'kin ng Chandria, kilala ko na agad kung sino s'ya.
"Kaya nga eh. 'Di ko nga din alam kung bakit."
"Gusto mo mag-jogging?"
"Sige. Pero uminom ka muna ng choco drink. Para na din mainitan 'yang sikmura mo."
"Sabi mo eh."
Tinimplahan ko din s'ya ng iniinom ko.
"Hey! I have something to tell you." Biglaan n'yang sabi sa gitna ng katahimikan sa aming dalawa.
"Ano 'yun?"
"May nagugustuhang girl si Jin-hyung. Ang nakakatawa do'n, liligawan n'ya na sana tsaka lang nagsabi yo'ng girl na may asawa na s'ya at anak. She look so young kase pero she's already 39."
Napahagalpak naman ako ng tawa sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung bakit ako natawa ng sobra pero nakakatawa talaga s'ya. Napahawak ako sa t'yan kase ang sakit na n'ya na sa katawa ko.
"Poor Jin. Type n'ya pala ang mga young looking girls kahit may edad na." Natatawa kong sabi.
"Pangalawang beses na kayang nangyari 'to. Kaya nga hindi pa s'ya nag-aasawa kasi nadadala s'ya sa mga nangyayari."
"Ang sakit na ng t'yan ko. Halika na nga! Magbihis ka na ng pang-jogging mo!"
Nagtakbuhan kaming dalawa papuntang kwarto namin at nagmamadaling magbihis.
Dahan-dahan kaming lumabas ng gate para hindi kami mapansin ng mga guard. Kasi panigurado, 'pag nakita nila kami, hindi nila kami papayagan kasi 'yon 'yung utos ni Taehyung sa kanila.
Nakalabas naman kami ng matiwasay ni Jimin. Nag-jogging kami papunta sa kahit saan. Mga tatlong oras na kaming tumatakbo ng may tawanan. Minsan, nanghihina akong tumakbo kasi nagpapatawa s'ya using his little voice. Napapa-upo ako sa kalsada kakatawa.
"Chandria, pahinga muna tayo do'n sa bench. Masakit na katawan ko kakasuntok mo sa'kin kakatawa mo!" Reklamo naman n'ya tapos biglang nag-pout.
Hinila ko naman s'ya papuntang bench.
Naka-upo lang kami at hindi nagsasalita. Parehas kaming pagod. May lumapit naman sa'ming aso. Kamukha n'ya 'yung aso ko na nasa Pinas. Ang cute n'ya kasi ang balbon n'ya tapos ang amo ng mukha n'ya.
Dinilaan n'ya 'yong mukha ko pati na din kay Jimin. Niyakap ko naman s'ya inagaw naman s'ya sa'kin bigla ni Jimin.
"Uy! Kitang niyayakap ko pa eh!" Maktol ko habang nakasimangot.
Tinawanan n'ya lang ako tapos inaasar n'ya ako sa tingin at ngiti n'ya.
"Ms. Vernice!" Napatingin naman kami sa sumigaw. Nanlaki naman 'yung mata ko kasi isa sa mga body guard namin 'yon sa bahay. May kasama s'yang apat pa.
"Buti nalang nahanap namin kayo. Kung hindi, lagot kami kala Sir."
"Pauwi na din kami. Pahanap nalang ng may-ari nitong aso na 'to. Report n'yo nalang kung may nakakuha na." Utos ni Jimin.
YOU ARE READING
Bangtan Boys And Me
FanfictionLahat naman siguro tayo ay pinangarap na makaharap, makausap, at makasama kahit saglit ang ating iniidolo. Pero pa'no kung sa hindi inaasahang pagkakataon nagkita kayo? Anong gagawin mo?