Chapter 2: Arrival

9 1 0
                                    

Vernice's POV

"Ms. Vernice? Nandito na po tayo. Ibaba ko na po ang mga gamit n'yo."

Ano daw? Nandito na kami? Nasaan ba kami?

Wait! Sa pagkakaalam nasa plane ako tapos papunta kaming Korea?

Ano? Nasa Korea na kami? Omo! 'Di pa ako ready, uy! Huhuhu!!!! No!!!

"Naghihintay na po ang sasakyan."

Tapos inalalayan n'ya akong bumaba ng plane. May nag-aantay namang isang SUV na black. Tapos black na black yung tint ng salamin ng kotse.

"Have a good day, Ma'm." Tapos sinakay na n'ya ako sa kotse. Pagkapasok ko naman ng kotse, may dalawang malaking lalaki ang nasa harapan.

"Hi Ms. Vernice! Welcome to Seoul Korea. I hope you'll have a good day." Sabi ng katabi ng driver.

Tinignan ko 'yung cellphone ko, 7:30 na pala. Pero dito naman sa Seoul, 8:30 na.

Bigla kaming huminto sa isang korean restaurant.

"Nasa table number 7 po ang naka reserve na table para sa inyo, Miss. May nag-iintay po sa inyo do'n."

Napanganga ako bigla kase ang nag-iintay sa'kin ay 'yung manager ng BTS.

Ano nanaman ba ang magaganap?

"Over here, Ms. Mapua!" Tawag n'ya sa'kin kaya nilapitan ko agad s'ya at umupo sa isang upuan na katabi n'ya.

"Babaguhin ko ang kontrata." Nagulat ako kase bigla s'yang nagtagalog. "I know your shocked when you suddenly heard me speaking 'Tagalog'. It's been more than a year since I've learn your language. Also the boys."

"Oh? I see. Mabalik po tayo, ano po 'yung babaguhin n'yo sa kontrata.?"

"Bukas ko nalang sasabihin sa'yo. Isa sa mga babaguhin ko ay ang  pagsisimula mo sa trabaho. You'll start tommorow."

Nanlaki naman 'yung mata ko sa sinabi n'ya. 'Di pa nga ako nakaka move on sa mga nangyari ngayong araw tapos papatungan n'ya pa ng fact na bukas ako magsisimula?

"Eat your dinner. For one week, 12 hours ka lang sa duty sa seven kids. Kase kinuha ka din ng manager ng EXO na maging doctor ng EXO boys. After that, full time ka na sa seven kids. And as far as I know, 10 hours ka lang sa EXO boys."

"May iba pa po ba kayong sasabihin na ikakagulat ko? Para isahang gulatan nalang po." Sabay kamot ng ulo.

"Bukas nalang 'yung iba. I'll go ahead. May tutuluyan kang bahay at may kotse akong ibibigay sa'yo. Here's the spare key and the house key."

"Wait! I have my own house here also here in Seoul but medyo malayo dito. I also have my own car, but if you really exists, I'll accept it. I'll accept but I prefer to use my own house but I promise, I'll visit the house you offered."

"Okay, It's really nice meeting you, Doc. Vernice. See you tommorow." Tapos nilapag n'ya n'ya sa mesa 'yung dalawang susi at umalis na.

Umagad! Mag-aalaga ako ng pitong batang lalaki. 'Kids' daw eh. Kinuha ako bilang doctor ng mga batang 'yon at ng EXO boys. Bukas ako magsisimula. Binigyan ako ng bahay at kotse. Two hundred thousand ako per month.

Then tommorow, there's more things that will make me shocked to the bones!

Hinanap ko agad 'yung kotse na binigay n'ya sa'kin. Halos malaglag 'yung buto-buto ko sa kotseng binigay n'ya. Isang black Lambourghini lang naman 'yung nasa harapan ko ngayon. Katulad kanina, black na black din 'yung tint ng bintana ng kotse. Nandito na din pala 'yung sandamakmak kong gamit? Kaloka! Sila na! Sila na ang laging nagagawa ang lahat ng bagay.

Bangtan Boys And MeWhere stories live. Discover now