Vernice's POV
Maaga akong gumising para ihanda ang Salmon Sashimi na pinangako ko sa kanila.
Pagkatapos ko ihanda ang Salmon Sashimi, nilagay ko 'to sa isang canister.
Naligo ako at nagbihis. Katulad kahapon, nag pantalon ako at nag long sleeves, baka kase mamaya nerbyosin ulit ako at 'di ko nanaman masuot ang coat ko. Tapos sapatos. Pagkatapos kong mag-prepare, umalis na agad ako ng bahay.
Magdo-door bell na sana ako kaso lumabas naman galing sa loob 'yung pitong lalaking nagagwag'wapuhan.
Napaatras naman agad ako kase nalapit nanaman sila sa'kin.
"Hello there, Noona." Si Jungkook sabay kaway.
"Hi, baby boy."
"Aish! I'm not baby anymore."
Tumawa naman kaming lahat sa pagmamaktol n'ya, Jinnie lang ang peg.
"Hi Saeng!" Si Jin sabay flying kiss. Kinilig ako bigla.
"Hi, Kiddie!"
"Pasok na tayo, para makain na namin 'yung Salmon Sashimi na ginawa mo." Si Namjoon.
Tinulungan nila akong dal'hin 'yung mga gamit na kailangan ko para sa pagche-check-up sa kanila.
"Bakit ang galing mo magluto, Noona? Mas magaling ka pa magluto kay Jin-hyung." Sabi ni Jungkook na kakatapos lang kumain tanghalian na hinanda ko.
Napatingin naman ng masama si Jin kay Jungkook.
"Psstt! Jungkook ah!" Sabi ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso.
"Jimin-ah! Paabot nga ng tubig! Nabubulunan na ang alien sa kakakain!" Sigaw ni Namjoon.
Napatingin naman agad kaming lahat kay Taehyung at nabubulunan na nga s'ya at punong-puno 'yung bibig n'ya.
Inabot naman ni Jimin 'yung tubig kay Namjoon at pinainom si Taehyung.
Kaso naubos n'ya na lahat ng tubig, 'di pa rin n'ya maayos 'yung paghinga n'ya.
Tumayo naman ako at napatingin silang kahat sa'kin. Pinuntahan ko si Taehyung at hinila papuntang lababo. Agad naman sumunod ang anim sa'min.
Tinapat ko s'ya sa lababo at hinapas 'yung batok n'ya using my fist.
Ubo naman s'ya ng ubo at pinainom ko ulit s'ya ng tubig at buti naman umayos na s'ya.
Lumabas agad ako ng kusina at niligpit ang pinagkainan nila at nilagay sa kusina. Pagkapasok ko, si Taehyung nalang ang nandito. Nakatingin lang s'ya sa'kin.
"Thank you." Cold n'yang sabi sabay binangga pa 'yung balikat ko nu'ng palabas na s'ya ng kusina na naging dahilan para malaglag ang tatlong basong babasagin sa sahig. Napahawak naman ako bigla sa balikat ko. Ang sakit din eh. 'Di pa naman siguro nababaliw 'yung bias ko para sanggain n'ya ako, 'di ba?
Dahan-dahan kong pinulot 'yung mga piraso ng nabasag na baso. Inaasahan ko ng mangyayari 'to, ang mabubog ako. Agad namang tumulo ang dugo mula sa daliri ko.
Tumayo agad ako at hinugasan sa lababo. Pero nu'ng nahugasan ko na, tuloy pa rin s'ya sa pagdudugo. So, kailangan kong pumunta sa kwarto ko dito sa bahay na 'to.
Habang naglalakad ako, basang basa na ng dugo 'yung tissue na nakabalot sa daliri ko.
Nadaanan ko ang sala at sa kamalasan ng lola n'yo, tumulo 'yung dugo ko sa isa tile dito sa sala. Kinabahan ako bigla kase 'yong mga tingin nila, nakakakaba. Aww! Lagot nanaman ang heart ko!
YOU ARE READING
Bangtan Boys And Me
FanfictionLahat naman siguro tayo ay pinangarap na makaharap, makausap, at makasama kahit saglit ang ating iniidolo. Pero pa'no kung sa hindi inaasahang pagkakataon nagkita kayo? Anong gagawin mo?