Vernice's POV
"Salamat sa dinner, Noona. Same to you, Jin-hyung."
"Never kang nagluto ng hindi namin nagustuhan." Si Jimin habang nainom ng tubig.
"Bukas nalang siguro tayo mag movie marathon. Aalis na si Noona eh."
"Sa'n ka pupunta, Vernice?" Tanong ni Hoseok.
"Sa isa n'ya pang trabaho." Sagot ni Namjoon.
"Nakakaselos naman. May kahati kami sa oras mo." Si Suga.
"One week lang naman ako do'n. After that, kayo na ang priority ko."
"Okay! Tulog na. Saeng, 'wag kang maghuhugas ng pinagkainan, okay?"
"Okay, Namjoon."
Kanya-kanya silang akyat papuntang kwarto nila. Ako naman, nagtitimpla ng gatas nila.
Dahan-dahan akong umakyat ng hagdanan. Una akong pumunta sa kwarto ni Hoseok.
"Hoseok? Gatas mo oh! Ubusin ah?"
"Salamat, Ver'. Salamat sa lahat. Salamat kasi kahit nahihirapan ka na, nand'yan ka pa din para alagaan kami." Tapos niyakap n'ya ako. Ano bang nangyayari dito?
Pumasok naman ako sa kwarto ni Jin.
"Hi Saeng! Bakit na'ndito ka pa? May pasok ka pa, 'di ba?"
"Dinal'han ko kasi kayo ng gatas. Eto oh!"
"Salamat, Saeng."
Kumatok naman ako sa kwarto ni Namjoon.
"Bakit, Vernice? May problema ba?"
"Aniyo. Gatas mo oh. Ubusin mo ah, walang sugar 'yan."
"Pa'no mo nalaman na ayaw ko ng sugar sa gatas?"
"Sabi ng maid n'yo."
"Kaya naman pala eh. Sige na, ihatid mo na 'yan sa kanila. Salamat! Bye!"
Pagkapasok ko naman sa k'warto ni Jimin, halos manlambot 'yung katawan ko. Nakahubad lang naman s'ya habang nakahiga.
"Oh my! Mianhe, Chandria." sabi n'ya sabay tayo.
"Gatas mo oh! Uubusin ah." Sabay abot ng gatas ng hindi tumitingin sa kan'ya.
"Tsk! Masasanay ka din." Sabay gulo ng buhok ko.
Lumabas agad ako ng kwarto. Nakangiti tuloy ako habang papunta sa kwarto ni Yoongi. So? Ibig sabihin, lagi ko s'yang makikitang nakahubad? Hahahaha.
"Yoongi? Gising ka pa?"
"Uhhmm!" Sabay tango.
"Inumin mo muna 'tong gatas."
"Salamat!"
"Sige, una na ako."
"Bakit ang bait-bait mo? Kahit nasasaktan ka na, na'ndito ka pa din."
"Gusto mo na ba akong umalis?"
"Nah! Ang akin lang, bakit kahit nasasaktan ka na n'ya, na'nd'yan ka pa din para sa kan'ya. Bakit hanggang ngayon s'ya pa din?"
"Lilipas din naman 'to. Basta! 'Wag mo ng alalahanin."
"Sorry."
"Saan?"
"Sorry kasi hindi ako nakakagawa ng paraan para maging close kayong dalawa ni Taehyung. Sorry."
"Wala kang kasalanan. Nasa amin na kung gusto naming maging close. Kami mismo ang gagawa ng paraan. 'Wag mo ng problemahin 'yon. Labas ka na do'n, okay?"
YOU ARE READING
Bangtan Boys And Me
FanfictionLahat naman siguro tayo ay pinangarap na makaharap, makausap, at makasama kahit saglit ang ating iniidolo. Pero pa'no kung sa hindi inaasahang pagkakataon nagkita kayo? Anong gagawin mo?