Chapter 7: Argument

16 0 0
                                    

Jungkook's POV

Ngayon lang ako natakot ng gan'to kay Noona. 'Yung mukha n'ya nakakatakot. Para s'yang langgam na naging scorpion.

Hanggang ngayon, wala kaming imikan. Kinakabahan ako 'pag nagtatama 'yung tingin ni Noona at Taehyung, pati na din kapag nagtatama 'yung tingin naming dalawa.

Feeling ko 'pag nagtatama 'yung mga mata nila, magsisimula ang gerang walang katapusan.

Bigla kaming napatingin ni Noona sa isa't isa. Sinenyasan n'ya ako na sumunod sa kan'ya sa kusina. Gano'n din si Jimin-hyung.

Nakaharap kaming dalawa ni Hyung kay Noona na nakatingin lang din sa'min.

"Jimin, sorry kung nadamay ka pa sa away namin."

"It's okay. Mali naman n'ya 'yon eh. Mas'yado s'yang mapaghinala."

"Sorry pa din. Pasens'ya ka na. Iniinis n'ya talaga ako eh. Konting inis n'ya pa sa'kin, binggo na talaga s'ya."

"Relax lang, Noona."

"Oy! Ikaw! Sumama ka sa'kin mamaya, ikaw din Jimin. May pupuntahan tayong tatlo."

"Saan?" Sabay naming tanong.

"Basta! May girlfriend ka ba, Baby boy?"

"Wala, Noona." Sagot ko.

"Perfect! Maghanda na kayo. May ime-meet kang girlalu, she's my cousin. Habang magkasama kayo, ide-date ko naman 'tong si Jimin."

"Nakanangs! Payag naman ako basta libre." Sabi naman ni Hyung.

"Oo, ako bahala. Sige na, mag-prepare na kayo. Aalis na tayo pag okay na kayo."

"Salamat, Noona."

Bumalik kami sa dinning area ng nakangiti.

"What's with that smile?" Tanong ni Yoongi-hyung.

"None of your business, Hyung." Nakangiti na sabi ni Jimin-hyung.

"Nakakabaliw 'yang ngiti n'yo. There's something with it. I can feel it." Si Taehyung.

Napatingin naman kaming lahat kay Noona. Biglang nawala 'yung ngiti n'ya no'ng nagsalita si Hyung.

"Bilis na, Kookie! Excited na ako." Si Jimin.

Tumakbo kaming tatlo papuntang kwarto namin at naghanda para sa lakad namin.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako. Nagpantalon ako tapos polo, nagsuot din ako ng sapatos.

Bakit parang excited ako makita 'yung ipapa-date sa'kin ni Noona.

Lumabas agad ako ng kwarto at dumeretso sa kwarto ni Jiminnie.

Naka polo s'ya tapos slocks tapos black na coat tapos leather shoes.

"Okay na ba 'to?" Tanong n'ya.

"Oo, lahat naman okay sa'yo."

Lumabas kami ng kwarto n'ya ng nakangiti. Dumeretso kami sa kwarto ni Noona.

Habang nag-hihintay kami sa lalas ng kwarto n'ya, hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko. Excited na kinakabahan na natutuwa.

"Halika na." Sabi ni Noona paglabas n'ya ng kwarto n'ya. Kahit ang simple lang n'ya, ang ganda n'ya pa din.

Naka blouse s'ya na light pink tapos white ripped jeans tapos black na shoes then coat din na black. Wala s'yang make-up pero parang meron.

Bumaba kami sa sala. Wala dito sila hyung. Umupo kami at do'n n'ya kami nilagyan ng make-up ni Hyung.

Bangtan Boys And MeWhere stories live. Discover now