Chapter 7

36 6 0
                                    

Napaka peaceful ng araw ko ngayon pano ba naman kasi hindi na nagpapakita sa akin si Montejo mag tatalong araw na ata? Hahaha ang saya ko ngayon.

Any way sobrang busy ko ngayon malapit na kasi ang exam namin kaya tudo aral mona ako. Kahit na top 2 lang ako mag-aaral parin ako ayokong mag pabaya dahil lang sa walang kwentang rason.

"Oh ayan na ang strawberry milk mo"padabog na inilapag ni Jess an strawberry milk na pinapabili ko sa kanya.

Baka kasi pag ako pa ang bumili aabotan ako ng gabi so sobrang dami ng estudyante sa Canteen baka rin pah tripan pa ako 'don kaya siya nalang ang pinabili ko.

"Thank you,Jess"sabi ko at nag papacute sa kanya.

Umopo siya sa tabi ko bitbit ang softdrinks niya. Itinuon ko nalang ang atensyon sa libro ko.

"Ay oo nga pala!"napaigtad ako ng biga bigla nalang sumigaw ang babaeng katabi ko.
Tumingin siya sa akin at idinuro ako.

"Oh? Bakit?"

"Alam mo ba ang chismis?"tanong nito. Ano kayang chismis------ahh baka yung kina Kai at Rose.

"Yung kay Kai at Rose?"

"Hindi. Yung cheer leader ng Cheer dance team nakipag sabunotan sa isa niyang ka myembro. Grabe na guidance tuloy ang basak nila" paki ko sa kanila hindi ko nalang nagsalita at ibinalik ang tuon sa libro ko.

Sa totoo lang wala talaga akong alam kung ano ang nangyayari sa loob ng Capus. Malalaman ko nalang kay Jess pag sinabi niya ito sa akin.

"At alam mo ba kung sino ang dahilan ng awayan nila?"curiosity kills me kaya nagtanong na ako.

"Hindi. Sino ba?"

"Hahaha... seriously? hindi mo talaga alam?"napa buntong hininga nalang ako.

"Tatanungin ko ba kung alam ko?"masungit sagot.

"Edi yung si Mr Kisser mo"

"Anong Mr Kisser pinagsasabi mo? Wala akong pag mamayari na Mr Kisser"sabi ko sa hindi ko alam na dahil bigla nalang akong nakaramdam ng hiya.

"Ano si Mr Kisser mo si Ranselle"nang marinig ko ang pangalan na 'yon ay hindi ako mapakali.

Gusto kong umalis na parang ayaw kong marinig nag tungkol sa kanya. Mr Kisser ko si Ranselle? Sinong may sabi.

"Sinong nag sabi sa'yo? Pwede ba Jess tapos na acquintance wag mo ng ibalik ang oras alam mo naman na ayaw na ayaw ko sa pangyayaring iyon at ayoko na rin iyong maalala" pero kahit anong gawin ko ay pomoproseso nalang ito bigla sa utak ko. Pati sa panaginip ay lumalabas ito.

"Wether you like it or not, nangyari na ang ayaw mong mangyari. People dreaming to kiss by Ranselle, says you're so lucky to have a lips to lips contact with him,with Ranselle Montejo,the hot Ranselle Montejo so be thankful!" Para itong mababaliw habang nag sasalita. Napapatingin pa ito sa langit na para bang may kayaman doon dahil sa kumikislap nitong mata.

"Bakit naman ako magpapasalamat hindi ko naman pinangarap na makahalik sa manyak na'yon"

Grade 3 palang ako ginugulo na ako ng Montejo na 'yon. Minsan nga umaabot ang pangaasar niya sa away.

"Apat ang mata! Apat ang mata!"paulit ulit na sigaw ni Ranselle sa akin. Kahit na umaagos na ang mga luha ko sa aking pesngi ay hindi parin ito tumitigil sa pang-aasar.

"Bakit ka umiiyak hah batang may apat na mata?"tumatawa pa siya kasama ang dalawa niyang kaibigan na lalaki. Hindi ko sila kilala tanging si Ranran lang ang kilala ko.

"Tama na ranran"sabi ko sa kanya kasi nag titimpi na talaga ako. Gusto ko na talaga siyang suntukin kaso sabi ni papa bad daw ang manununtok kaya pinapatigil ko siya baka kasi masuntok ko siya dahil sa inis.

Ranselle Montejo's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon