Chapter 3

41 8 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari kanina sa basketball court ay umalis na ako. Ewan ko ba sa lalaking yun minsa pinag ti-tripan ako tapos kanina----- Arrgghhh!! Nakakainis na siya.

Pagkarating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Wala pa kasi si mama siguro naglalako pa iyon ng mga make up product na binibenta niya.
Dahil 4:30pm ay naisipan ko munang matulog. Ilang oras lang kaya ang tulog ko kagabi dahil gabi narin na tapos ang acquintance.

Bigla nalang nag sink sa isip ko ang paghalik ni Ranselle sa akin. Nag indian sit ako sa kama at kinagat kagat ang koko ko. Nakasanayan ko na kasi na kagatin ang mga koko ko pag nag-iisip ko.

Iniisip ko yung mga halik na ginagawa ni Ranselle sa labi ko. Masasabi ko na mag kaiba ang halik na ginawa niya kagabi  at sa halik na ginawa niya kanina sa Janitor's room. Sabi nila may iba't ibang klase ng halik kaso hindi ko alam kung anong mga halik iyon.

Marahas at parang uhaw na uhaw  ang pagkaka halik niya sa akin kagabi kaya alam ko na torrid kiss iyon. Yung sa Janitor's room naman dahan dahan lang ang halik niya para bang nag iingat siya na hindi makagat ang mga labi ko. Ano kaya ang tawag sa halik na iyon?

Hhhaayyyss..... Ewan paki alam ko sa mga halik niya. Bumalik nalang ako sa pagkakahiga. Gumolong gulong ako na parang tanga nang hindi parin mawala sa isip ko ang mga halik na iyon para na akong mababaliw kakaisip. Idagdag mopa ang pagkaka rank 2 ko huhuhu.. hindi maka tao iyong ginawa ni Mr Kim.







NAALIMPUNGATAN ako nang may yumoyug-yug sa balikat ko.

"Shane anak gising na"si mama lang pala akala ko kong sino na.

Umongul ako na para bang inaantok pa. "Mama naman inaantok pa ako"sabi ko sa kanya at tinakpan ang mukha ko ng unan.

"Kaya nga bumangon kana diyan at kakain na at saka mag bihis ka mona na uniform kapa kaya" oo nga pala nakalimutan ko hindi papala ako nakabihis tinatamad kasi ako kanina.

"Oo na po tatayo na"sabi ko

Tumayo naman si mama mula sa pagkaka upo sa kama ko.

"Bilis na niluto ko ang paborito mong adobo" nabuhayan ako ng marinig ang sinabi ni mama. Paborito ko talaga kasi ang adobo lalo na pag si mama ang mag luluto.

Paglabas  niya ay naligo mona ako bago lumabas ng kwarto. Nasa hagdan palang ako ay langhap na langhap ko na ang adobong niluluto ni mama.

"Wow! Ang bango"para akong bata na naka upo at pumapalakpak.

"Tumigil ka na para kang bata"napa pout nalang ako sa  sinabi niya.

"Si mama naman. Bata pa po kaya ako 17 palang ako diba nga baby mo ako"may halong lambing na sabi ko.

"Oo nga baby kita pero noon yun 17 kana kaya umasta ka namang teenAger"

"Ano ba ang galaw ko pang teenager naman ah"

Inilapag niya sa mesa ang bagong lutong adobo. Kinuha ko ang tinidor ko at tumusok ng isang karne.

"Hindi naman ang galaw mo ang ibig kong sabihin. What I mean is yang pananamit mo lumang luma na at yang buhok at eye glasses mo. Kunin mo kaya yan para mag mukha ka namang dalaga" sabi na eh dati palang gustong gusto pa ni mama ang ayosan ako at alisin ang suot suot kong salamin kaso hindi ako pumayag.

"Ayan ka nanaman ma. Pag sinabi kong ayoko hindi mag babago ang iyon"sabi ko sa kanya napa buntong hininga nalang siya sa sinabi ko.

"Shane naman inaalala lang kita. Akala mo ba hindi ko alam ang pang bu-bully ng school mates mo sa 'yo"natigilan ako sa sinabi niya

"Nasasaktan ako pag naririnig ang balita mula sa kumare ko na binubully ka raw sa school sabi ng anak niya" dahan dahang may namumuong tubig sa magkabila kong mata dahil sa sinabi ni mama. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor nang marinig ang paghikbi niya.

"Ma"tawag ko sa kanya pero nakatingin lang ako sa plato ko.

"Ano"

"Okay lang naman ako. Oo binubully nila ako pero okay lang naman sa akin. At saka malapit na akong grumaduate aalis na rin ako sa paaralan na iyon kaya wag ka ng mabahala pa"

"Anak kita kaya hindi mawawala ang pag-aalala ko sa'yo"

Tumayo ako mula sa pagkaka upo. Lumapit ako kay mama at niyakap siya ng mahigpit.

"Wag kang mag-alala ma kayang kaya ko ang sarili ko kaya wag ka ng mag alala sa akin,okay?"pagkukumbinsi ko.

Kung nandito lang si papa alam kong magagalit iyon pag nalaman niya na binubully ako sa school. Namatay si papa dahil sa car accident dahil doon ay nabaon ang Companya namin sa utang kalaunan ay ibineta nalang iyon ni mama dahil imposible na kasing maka ahon pa ito mula sa pagkakalubog. Nawala na nga si papa sa amin nawala pa ang companya. Sobrang sakit kaso wala akong magagawa

"Kung nandito lang ang papa mo"sabi ni mama habang umiiyak.

"Ma wag mo ng isali si papa sa usapan natin"

Mama suffer a depression when Papa passed away. Hindi niya kinaya ang sobrang lungkot buti nalang at tinulongan kami ng mga kaibigan niya kaya nakawala rin siya sa sakit na iyon. Seeing my mama crying all day,all night parang gusto ko naring mawala para hindi na makita ang kalagayan niya. I realized na pag nawala ako baka hindi lang depression ang magiging sakit ni mama baka ma baliw pa siya kapag pati ako nawala. Kaya tinatagan ko ang loob ko at lumaban.

Pinahiran ko ang mga luha sa pisnge ko at bumalik na upoan ko para tapusin ang hapona  ko. Pagkatapos kong kumain umakyat na agad ako sa kwarto ko at ipinag patuloy ang pag iyak.

Ang lahat ng mga sinabi ko kay mama kasinungalingan iyong lahat. Yung kaya ko ang pang bubully nila hindi naman talaga 'yon totoo. Ang totoo niyan hindi ko na kaya pero titiisin ko dahil malapit na ako grumaduate.

Ang mga masasamang salita na binibitawan nila sa akin ay iniipon ko ang mga lahat ng iyon. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanila pag napuno na ako.

Unang una ko talaga sisingilin ay yang Ranselle Montejo na iyan. Nawala nalang ibang gawin kundi ang halikan ako ng paulit ulit.

Inabot ko ang bag ko at kinuha ang kulay pink kong diary..



                                   March 29,2018

Dear Diary,
                                       

  Alam mo Diary sa araw na ito naka dalawang halik sa akin si Ranselle. Una don sa Janitor's room pangalawa sa basketball court. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para tigilan na niya ang mga labi ko

Love Shane ❤...














Ranselle Montejo's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon