Chapter 9

38 1 0
                                    

Ngayong araw gaganapin ang event sa school,actually mamayang hapon pa hanggang mag gabi. Kaya heto beauty rest muna kahit wala namang beauty.

Tinatamad kasi akong bumangon, mag uumaga narin kasi akong nakatulog kagabi.

Kasalanan talaga ito ng Montejo na 'yon eh. Hindi ako pinatulog kakaisip sa mga nangyari kahapon sa Mall.

Napabalikwas ako ng bangon nang maalalang may ibinigay pala siyang damit sa akin. Kinuha ko ito na nakalagay sa study table.

Inilabas ko ang isang simple but cute dress. Hmmm.. may taste rin pala 'tong si Montejo pagdating sa mga damit.

"Anak mag almusal ka na!" Sigaw ni mama. Ibinalik ko nalang ito sa paper bag saka lumabas ng kwarto.

"Ano ba yan hindi man lang nag hilamos"sabi ni mama. Oo nga pala hindi pa pala ako nakapag hilamos.

Tumongo ako sa lababo para don na mag hilamos. Pagkatapos ay kinuha ko ang towel na nakasabit sa ref. Tinatamad na kasi akong umakyat para kumuha ng towel.

"Kumain kana. Anong oras ka palang nakauwi kagabi?"umopo muna ako bago sumagot.

"9 p.m ata? Hindi ko na napansin"

"Uwian ba yan ng matinog babae. Pano nalang kung napahamak ka? Baka kung saan saan ka na lang pumupunta"paninermon ni mama. Sabi ko na nga ba eh. Talagang papagalitan ako nito.

"Mama na naman. Wag ka ng mag alala. Im okay buo pa naman ang katawan ko no need to worry" sabi ko sa kanya at isinubo ang isang hotdog.

"'San ka ba nag punta? At gabi ka na naka uwi?"

"Eh si ranran kasi nag pa sama sa Mall" ranran ang tawag ko kay Montejo pag si mama ang kausap ko. Pipingotin niya kasi tenga ko pag Montejo ang itatatawag ko 'don.

"Si ranran ba kamo?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Hindi na kayo aso't pusa?" Bakit ba lahat ng tao na nakakakilala sa amin ay yan ang tanong pag magkasama kami ng manyak na 'yon.

"Kagabi lang naman kami hindi naging aso't pusa"nakangiti kong sagot.

"Balita ko may event kayo mamaya"pag iiba niya ng usapan.

"Ah oo. Mamaya pa naman"

"May susuotin ka na ba? May mga damit ka pa naman diyan na hindi pa nasusuot 'diba? Suotin muna ang mga iyon baka sa susunod hindi na mag kasya sayo 'yon" hindi nama ako mahilig sa mga casual dress kaya yung mga damit na binili ni mama dati ay hindi ko pa nasusuot.

"Ay ma. Si ranran kasi may ibinigay na dapit gusto niya 'yon daw susuotin ko mamaya. Sa susunod ko nalang susuotin yang mga binili mo"sabi ko.

Napatingin naman siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Talaga binigyan ka niya!"

"Mama naman wag ka ngang sumigaw"irita kong sabi sa kanya.

"Umamin ka nga sa akin. Nanliligaw ba 'sayo si ranran?" Ngayon ako naman ang hindi maka paniwala sa tanong niya.

"Anong klaseng tanong yan ma. Hindi noh hindi nanliligaw 'yon!" Napasigaw na ako sa kanya. Kung ano ano nalang kasi lumalabas sa bibig niya.

"Aba'y naninigurado lang maging balae ko na ang kaibigan ko" mommy ni ranran ang sinasabi niyang kaibigan niya.

"Hindi mangyayari 'yan"sabi ko

"Why not. Gwapo si ranran,maayos na bata,magalang alam ko type mo 'yon at saka mabait"

Seriously? Si Montejo mabait? Magalang? Eh manyak nga 'yon. Saka type ko? Huh! It's a big N.O!.

"Hindi ko siya type ma"kalmado kong sabi. Teka bakit ganito ang tiyan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ranselle Montejo's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon