Chapter 4

6 1 0
                                    

|Chapter 4


Mabilis lumipas ang mga araw. My life is like a cycle. Bahay. School. Bar. and so on.

Malapit na ang prelims namin kaya heto ako ngayon sa library, nagbababad sa kaka-aral.

"Huy Penny-girl! Alam mo kahit hindi ka mag-aral, papasa ka naman eh! Nako kung ganyan lang ang brain ko like you, I'll just party my ass out." Cassy said.

"Alam mo din ba Cass, kung nag-aaral ka kasi edi sana mataas din ang grades mo, hindi yung kumakapit ka lang sa pasado." Pangaral ko naman sa kanya.

"Oo na! Panalo ka na naman! Turuan mo nga ako dito sa problem na 'to, feeling ko mabibiyak na yung utak ko kakatingin sa kaniya eh."

Hayun nga at tinuruan ko na siya. Dun lang umikot ang buong linggo ko. Pag natapos talaga to, magpaparty ako magdamag!

~

"Sandoval!"

Lumingon ako at nakita ko nanaman ang mukha ng bakulaw na 'to.

"Monteverde."

"Naiwan mo sa may canteen. Ang daming markings ah, baka maperfect mo na yung exams?" Biro niya.

Di ko siya pinansin at kinuha nalang ang libro ko.

"Wala man lang bang "Thank you sa super pogi at hot na Timothy Tevan Monteverde" diyan?"

Nilingon ko siya. Ngumisi naman siya bigla. "Eh kaso di ka super pogi at hot eh. Pero thanks." Nawala naman ang kaniyang ngisi, ako naman ang ngumiti nang pagkatamis tamis. Hahahaha buti nga sa kaniya.

Pumasok na ako sa classroom. Sakto naman at papasok na ang professor namin para sa aming exam. Nilingon naman ako ni Timothy.

"Good luck, Sandoval!" Sabi nito bago inabot sa akin ang test paper.

Nagsimula na akong magsagot, piniga lahat ng inaral ko magmula noong isang linggo.

Pagkatapos ng ilang oras, sabay pa kaming tumayo ni Timothy na nagpapahiwatig na pareho na kaming tapos. Dumiretso na ako sa aming professor at pinasa ang aking papel. Nilingon ko naman si Cassy at halos matawa ako sa itsura niya na halos mabaliw na sa kakatitig sa papel niya.

"Miss Sandoval."

Bumalik naman ang tingin ko kay Professor Gutierrez.

"Po?"

"Kakasabi ko lang dito kay Mr. Monteverde na pareho ko kayong napili na maging representative for the upcoming academic competition since both of you are the most outstanding student in my class."

"Prof? Academic competition? Uso pa ho ba yon, eh college na po kami. Graduating pa nga eh." Tanong ko sa kaniya.

"Well, Miss Sandoval, we have the same sentiments nga eh, pero according to the organizers, we can use this as a way of refreshing the lessons na natackle from the past years. Kumbaga, free trial daw sa boards." Biro pa nito.

"Okay naman po pala ang objectives." Sabad naman ni Monteverde.

"Kailan po ba yan?" Tanong ko.

"Wala pang specific date eh pero don't worry, you'll review individually naman kaya hindi na hassle, knowing na after exams ay may club fair pa. I pressume you are both officers, right?"

"Yes, Prof." Sabay naming sambit.

"Lalo ka na pala, Penelope. May training na ba kayo for volleyball? I heard seniors ang naghahandle ng tryouts ah."

"Wala pa naman po and I can manage my time naman po so no worries." I smiled para maassure na totoo yung sinasabi ko.

"Good then. Ikaw, Timothy?"

"Try-outs palang naman po ang ginagawa namin for basketball at prepared na po kami sa sports club." Kalmado niyang tugon.

"Mabuti kung ganon. O siya sige. Ang swerte ko naman talagang ako pa ang naging adviser ng dalawa sa pinakatanyag at matatalinong estudyante dito sa eskwelahan." Masaya niyang tugon, may kasabay ang pilantik ng kamay.

Napangiti naman ako.

"Sige po, Prof. Una na po ako, balitaan niyo nalang po ako about sa competition."

Nagsilabasan na rin ang ibang nag-eexam. Sakto naman na papalabas ako nang lumabas na din si Cassy. Di ko na napigilan na matawa sa itsura niya.

"Sige tawanan mo lang ako! Bwiset! Ano bang klaseng mga tanong yun? Wala naman tayong sasagutan na test pag naging engineer tayo ah bat pa kailangan ng mga ganto?!"

"Hahahaha alam mo Cass, ikain mo nalang 'yan! At by the way, may meeting ako later sa club ko ah so mauna ka nalang umuwi."

"Mauuna ako? So, you mean di ka sasama later?" Malungkot niyang sinabi tinutukoy ang usapan naming magparty.

"Silly! No! Pupunta ako, nagpromise ako sa sarili ko na after ng examinations, magpaparty ako nang bongga noh!"

"Yey! Sige sige! Tara let's eat na! My brain is starving!" Natawa nalang ako sa kaibigan kong 'to.

~
"Okay officers. Thank you for the time. Be ready, okay? You may now go."

Nagsimula na akong magligpit ng gamit at nagsi-uwian na rin ang iba.

"Uhh, Pen?"

"Oh Chris, why?"

"You want me... uhh.. to drive you... home?" Nakayuko pa itong nagkamot ng batok.

Napakunot naman ang noo ko. Another victim? Hayys.

"Ah, sorry. I brought my car eh, and I'm going somewhere. Maybe next time?"

"Ay ganon ba? Sure, sure sige next time nalang. Sabay nalang tayong lumabas?" Hirit pa nito.

"Sure. C'mon."

"Let me bring this." Sabay abot niya sa bag ko. Hinayaan ko na siya at lumabas nalang. Nang makarating sa parking lot, inabot niya na sa akin ang aking bag.

"Thanks."

"Ah sige. Ano. Uhh.. ingat ka." Lumapit naman siya sa akin at nagtangkang hahalikan ang aking pisngi na agad ko namang iniwas na siyang nagpapula sa pisngi niya, tila'y nahiya. "Good night, Penny."

Di na ako nagulat sa ginawa ni Chris. Dati pa man natutunugan ko na 'to eh. Himala ngayon lang nagpahiwatig. "Sige, ingat din sa pagdadrive." Nginitian ko siya at nagmaneho na papunta sa kung nasaan sina Cass.

My phone beeped with a text message. Di ko ito pinansin pero nang nakatatlong sunod-sunod na ang message, inihinto ko muna ang aking sasakyan sa tabi at inabot ang aking phone sa dashboard.

Robin John Sandoval sent 3 messages
"Pen, where are you?"
"Bunso, you need to go home asap."
"Damn it! Daddy's here! Come home now!"

Halos mabitawan ko ang aking cellphone nang tumawag si Kuya Rob.

"Hello?"
"Penny! Go home now!"
"Yes Kuya. I'm on my way."

Ibinaba ko na ito. Walang emosyon ang mukha ko, tila napupuno nanaman ng halo-halong pakiramdam. Huminga ako ng malalim at nagmaneho na pauwi sa bahay.

What is it this time? Last time na umuwi si Daddy ng bahay, it was such a disaster...

When She FallsWhere stories live. Discover now