Chapter 15

7 0 0
                                    

|Chapter 15


I needed to rest my foot for the entire day kaya I did not get the chance to play for our second game na ginanap din the same day, afternoon.

Still, I was there para mapanuod yung laro. Good thing, I was blessed with such competent players and I believed na they can do their best.

"Okay lang ba na manuod ka ng game, Pen?" Coach Gab asked me that same question for the nth time. Landslide na naman ang scores namin, kaya hindi na ko nag-aalala sa kalalabasan ng laro.

"Yes nga po, Coach. Sabi ng nurse, wag ko lang daw itatapak, it's nothing serious. Nahila lang nang bahagya yung muscle." Ulit kong pagpapaliwanag sa kaniya.

"Mabuti nalang at yung binigay na sched satin bukas ay hapon pa. Isang game lang tayo bukas, sa tingin mo, makakalaro ka kaya?"

"Of course! Gusto mo ipasok mo pa ko sa laro ngayon eh." Biro ko at nagkibit balikat pa.

"Loko ka talagang bata ka! Ano bang nakain mo at sobra naman ata yung lakas ng katawan mo?"

"Stretching lang, Coach. Tapos, tamang pagiging coach din kapag late yung coach namin." Natawa naman ako sa naaasar na mukha ni Coach Gab.

"Joke lang! Baka bigla mo kong pagawin ng drills nang nakatali yung paa ko ah!" Tinawanan ko pa siya.

In the end, nanalo nga ang team namin. I congratulated everyone because they are all good!

"Kaya niyo na palang wala ako eh, di na ko maglalaro bukas ha?" Biro ko sa kanila.

"Hala, Ate Pen naman eh! Hinihingal na po kami, ikaw lang ata yung nagseserve na hirap nilang ireceive eh." Sabi naman ng isang junior player na si Dannie.

"Yan ang gamit ng mga training natin! Para di kayo mabilis mapagod, masasanay rin kayo."

"Makakalaro ka na ba bukas, Pen?" Tanong ng isang senior.

"Yup, afternoon game naman tayo tomorrow sabi ni Coach, I'm sure, I'm okay by then." Paniniguro ko sa kanila.

"Agad?" gulat na tanong ni Dannie.

"Oo jusko, ewan ko ba kung may healing power itong katawan ni Ate Pen eh. Ang bilis makarecover kapag may injuries!" sagot naman ni Bea.

"Oh siya! You can freely go around BSI na, but wear something blue okay? You can watch other games, also for tomorrow morning. Go on and freshen up, team! I'm so proud of you all!" Sabay sabay pa naming tinaas ang kamay matapos isigaw ang cheer ng FIS.

Unti-unti naman na nagsialisan ang ibang players. Nilapitan naman agad ko ni Mavy.

"Asan sila Cass?" Tanong ko sa kaniya nang napansing mag-isa lang siyang lumapit sakin.

"Nauna na sila sa basketball gym sa second floor. Sunod nalang daw tayo, laban na daw nila Topher versus FIS." Imporma niya sakin habang inaalalayan ako in using the crutch.

"Kaya mo bang maglibot nang nakasaklay? Baka naman mas lalong mabanat yung muscle mo, Penny." Alalang sabi niya.

"I'm okay ano ka ba! Tsaka I have to support my friends noh!"

"Kahit kalaban yung school natin?" Natatawang tanong nito sakin.

"Edi icheer silang pareho! Hahaha problem aba yun?" Naglakad na kami papuntang kabilang gym.

Kaming magkakaibigan kasi ay iba-iba ng schools, pero ito, sa tuwing may events, madalas kaming nagkikita-kita kasi sister schools naman mga pinapasukan namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When She FallsWhere stories live. Discover now