Chapter 9

5 1 0
                                    

|Chapter 9


"Let me introduce to you, our first group. Representatives from Frux International School!" tawag ng emcee sa school namin.

Pumasok kami ng auditorium at puwesto sa nakalaang upuan para samin ni Timothy.

Todo sigaw naman si Prof Gutierrez samin sa crowd. Ngumiti nalang ako at pinagsawalang bahala ang competition. Ayaw ko kasing mapressure at baka mas lalo akong walang maisagot.

"Please take your seats as I read the mechanics for this competition," sabi ng host.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang ibang participants. Mukhang mapapasabak kami sa totoong laban ah.

Nawala naman ang pag-iisip ko nang naharangan ang paningin ko ng mukha ni Timothy. Halos makalimutan ko na kasama ko pala siya.

"Nervous?" Tanong niya sakin.

"Ain't know the feeling of being nervous." I shrugged as he looked at me with an amused smile.

"Akalain mo nga naman, ang lamig palang ng auditorium nila at sobrang hangin. Grabe!" Niyakap pa niya ang sarili niya na tila'y nilalamig talaga.

Di ko na siya pinansin at nakinig sa sinasabi ng host, pinapakilala ang judges. Sinuot ko na ang glasses ko, pinagpahinga ko muna ang mata ko from contacts.

"Damn, you also look great with glasses on. Madalang kitang nakikita nang may salamin."

"Oh, tapos?" Pambabara ko sa kaniya.

Isang simpleng competition lang naman ito, nahahati sa tatlong levels. Easy, moderate, at hard. Di ko nga alam kung bakit may ganto pang mga competition sa college. Pero base sa paliwanag nung emcee, it involves questions na maaaring makatulong samin for the board. May general questions pa from high school kaya mas challenging.

Nagsimula na ang competition, and we smoothly manage to gain points higher than all of them. Minsan pa kaming nag-aaway ni Timothy dahil magkaiba kami ng nasosolve sa huli.

"9.68 nga kasi." Pagpupumilit ko.

"Eh sa 9.63 ang final answer ko pag nacompute eh." Pangungulit niya pa.

"So sige bato-bato pick pag sino nanalo yun yung sagot."

"I can't believe that we are depending our answer with this kind of childish game, Sandoval."

Nagkibit balikat nalang ako at pinilit siya dahil mauubusan na kami ng oras kung magtatalo lang kami.

In the end, nanalo ako. At yun ang sinulat namin sa board.

"The correct answer is... 3.67"

Nagkatinginan pa kami at natawa dahil parehong mali ang pagkakasolve namin. Mabuti nalang at pare-pareho kaming mali ng sagot kaya hindi na rin ako nanghinayang.

Nagpatuloy ang contest nang hilutin ko ang sentido ko dahil sa sakit ng ulo kaya't itinaas ko muna ang glasses ko sa ulo. Siguro dahil na rin sa pag-iisip.

"You okay?" Tanong ni Timothy.

"Yes of course. What's taking this too long ba?" Reklamo ko naman.

Nagtatally na ng scores at hindi pa nila nirereveal ang results. Ang hindi nila alam, pasimple kaming nagsoscoring sa scratch paper dito at alam naming kami ang Champion. Gusto ba nila ako na magcompute? Nagugutom na ko ah.

In the end, kami nga ang nanalo. Nagbunyi nang sobra si Prof. Gutierrez kaya eto kami ngayon at kumakain sa isang restaurant para itreat niya.

"Grabe nakakatuwa kayong dalawa!" Sabay tawa ng malakas at nababakas ang tuwa sa kaniyang mukha.

"It's not a big deal Prof. We just answered their questions like how we recite during your class discussions." Pambobola naman ni Timothy.

"Nako! Alam ko naman yun, mas bumibilib tuloy ako sa kakayahan ko!" At tumawa nanaman siya nang malakas na may kasama pang palakpak.

Natawa nalang din ako. Tinignan ko si Timothy at natatawa na rin siya. Jusko Prof. Gutierrez taught us really seldom, lamang ang self-study kaysa mga araw na pumapasok siya!

Alam kong yun rin ang nasa isip ni Timothy. At hinayaan nalang na bumilib sa sarili si Prof. Gutierrez. Well at least he is a supportive adviser.

Bumalik na kami ng school to attend our afternoon classes. Pinasalubungan ko naman ng medal si Cass at sinuot pa sa kaniya ito.

"Grabe iba ka talaga, Penny! I'm proud of you best friend!" Puri ni Cass sakin.

Nginitian ko pa siya at naupo na sa desk ko. Nilingon naman ako ni Mavy at nginitian ako.

"I thought you were absent, nasa compet ka pala at nakikipagbuno ng utak." Biro niya sakin.

"You can just congratulate me, Mavy." Inirapan ko naman siya.

Dismissal.

Tumayo na kami ni Cass nang tumunog ang bell at nag-ayos ng gamit. Uuwi ngayon si Kuya Rob and he promised to cook for me!

Robin John Sandoval calling...

"Hello?"
"Hi bunso! Kuya's home! I'm preparing our dinner now! Come home quick okay?"
"Omg yes, I will! See you in a while! Love yah!"

Pinaba ko na ang linya at nilingon naman ako ni Mavy.

"You seem excited." Sabi ni Mavy.

"Oh yes I am! Una na ko ah, see you tomorrow! Cass let's go!"

"Teka naman, Penny!" Nagmadali na si Cass.

"KUYA!"

"In the kitchen, Pen!" Sigaw ni Kuya.

"Kuya, what are you cooki---" naputol ang sasabihin ko nang makita kung sino ang kasama niyang nasa kusina.

"Mommy." My voice cracked as I saw my mom cooking in our kitchen.

Halos takbuhin ko ang distansiya sa pagitan namin dalawa and hugged her as tight as I can.

"Mommy, I missed you so much!"

"Aww my baby is a young lady now. Look at you, Penny. You are so tall and grew up as a fine lady now."

Tinignan ko siya sa mata and I caught a glimpse of tears in her eyes.

"It was like 6? 7 years? Since I last saw you?" Sabi ni Mommy habang hinahaplos ang buhok ko.

"Yes, Mom. I can't imagine that you are now in front of me. Buti naman naisipan mong bumisita, akala ko forever ko nang kaagaw yung mga pasyente mo." Sabi ko habang nakasimangot, nagtatampo.

"I'm sorry Penny. Mommy came quite late to see you grow." Malungkot niyang sinabi.

"No Mom. You are never too late." Naiiyak kong sinabi sa kaniya. Sobrang soft ko kapag si Mommy ang kausap ko at hindi na inisip yung mga panahon na naiwan akong mag-isa.

Ngumiti naman siya sakin at tumalikod upang maipagpatuloy ang niluluto. Nagulat ako nang bigla siyang mapahawak sa kitchen counter tila nawalan ng balanse.

"MOM! KUYA SI MOMMY!" tawag ko sa kapatid ko habang inaalalayan si Mommy na makaupo sa silya.

"I'm okay, anak. Napagod lang sa byahe. Sige na magpahinga ka na muna---"

"Mommy?!"

Dumating naman si Kuya Rob sa kusina at nagmamadaling lumapit kay mommy upang tanungin kung okay lang siya.

"Robin, I'm fine. Pagpahingahin mo muna tong kapatid mo habang tinatapos ko ang pagluluto."

"But mom?--"

"Robin John. I said I'm fine." Pagputol ni mommy sa sasabihin ni Kuya.

He sighed. "Okay, mom."

Umakyat na muna ako sa taas at nagpalit ng damit. Sinubukan kong wag mag-alala masyado kay mommy since she said that she's just tired. They didn't seem to know that I notice how Mom looks so weak. She must have been too exhausted with her patients abroad that she forgot to take care of herself.

I hope everything's fine. I can't afford to have another heartache...

When She FallsWhere stories live. Discover now