Chapter 11

7 1 0
                                    

|Chapter 11


Nakauwi naman ako nang safe nung gabing yon. Luckily, without having a car accident.

Weeks passed and naging busy nanaman sa school since graduating na kami. But I still make sure to live my life! Party pa rin pag may time of course!

Right now, we are in the gymnasium, preparing for the Interschool Sports Competition. Syempre puspusan naman ang pagtetrain namin lalo na dahil marami samin ang graduating na. May maiwan man lang kami natatanging legacy sa mga juniors namin.

"Okay guys! 5 more laps! One two, one two!" Sigaw ni Bea na naglilead sa pag-ikot namin sa buong gym.

"Let's go FIS! Let's go!" Pagchicheer naman namin.

Tagaktak naman ang pawis namin pagkatapos. Sabay-sabay kaming naupo sa bleachers at halos humilata sa sobrang pagod.

"10-minute break, guys! Then, we'll do a practice game!"

"Sinong ka-team ko?" Tanong ko sa kanila.

Agad nagtaasan ng kamay ang mga juniors at ilang seniors. Natawa naman ako sa kanila.

"Oh Bea, group mo na!" Utos ko nanaman dito.

"Nako kayo guys! Lahat tayo gustong makateam si Ate Pen kaya dahil diyan, naghanda ako ng bunutan dito." Sabay angat niya sa isang maliit na box.

Natapos ang pagugroup. Halos magdiwang naman ang mga naging kagrupo ko.

"Oh game! Let's do a bet! Kung sinong matalo, sagot yung dinner ng team!" Ani Jade, best player ng juniors na ka-team ko.

"G!"

Nagsimula na ang game at natatambakan na ang kalaban namin. Nang biglang may dumating sa gym, mga basketball player baka magdidrills din.

"Oh sakto! Nood muna tayo bago magsimula!" Sigaw ng isa sa kanila.

Mas ginanahan tuloy kaming lahat at napatagal ang rally. Isang hampas ko sa bola, in!

"Yes!" Sigaw ng mga ka-team ko.

Hinihingal naman ako habang nakayuko sa aking tuhod. Napapangiti dahil sa pagiging competitive lalo ng players.

"Ang galing mo, Sandoval!"

Napalingon naman ako kay Monteverde. Nakangisi siya ngayon habang nakaupo sa bleachers. Inaasar naman siya ng mga kapwa basketball player niya kaya mas lalo siyang napangisi.

"Fuck off. Bea, are we done here?" Baling ko naman kay Bea. Siya kasi ang "Captain Ball of the day", I'm training all of them to be good leaders kasi. Alternate ang CBD, juniors and seniors, depende sa mabubunot sa mahiwaga naming fishbowl.

"Yes, guys! Pack up na, let's have dinner. And hayy, our treat!" Napangisi naman ako, sila yung kalaban naming team.

"Drinks are on me." Sabi ko naman.

Naghiyawan naman silang lahat at nagmadaling maligo at makapagpalit. Dumiretso naman ako sa bag ko at uminom ng tubig.

"I didn't know that drinking water could make someone look sexy." Pambobola ni Timothy.

"I didn't know that practicing basketball starts with watching volleyball." Sagot ko naman.

"Well, why I am I not suprised na may sagot ka sa kahit anong sabihin ko?"

"Cause it's not surprising?" Pambabara ko sa kaniya.

"Boom men basag nanaman si Tim!" Pang-aasar naman sa kaniya ni Tristan na ginatungan pa ni Brad. "Tiklop ang itlog pre!" At tumawa pa nang malakas.

When She FallsWhere stories live. Discover now