Chapter 12

5 1 0
                                    

|Chapter 12


"Are you having a good time?" Tanong ni Timothy at biglang lumapit sa gilid ng lamesa namin.

"Of course, we are." Sagot naman ni Mavy.

"Di ikaw ang kausap ko." Lingon niya kay Mavy. "Sandoval, nag-eenjoy ka ba?"

"Why do you care, Monteverde? Can't you just let us have a peaceful breakfast?" Gigil na sagot ko naman sa kaniya.

Naglabanan naman kami ng tingin ni Timothy. Nag-iwas din siya ng tingin kalaunan at nagpabuntong hininga.

"Okay. Enjoy your breakfast." At bigla nalang siyang lumabas ng cafe.

"Hayup naman! Gusto ko lang naman ng kape!" Reklamo ni Tristan.

"Omsim ka diyan dre!" Sang-ayon naman sa kaniya ni Brad. At sumunod na palabas ng cafe.

"Sorry about that." Paumanhin ko kay Mavy.

"No problem. But, why are you two always fighting?"

"I don't know. Di ko lang gusto yung pananalita at kilos non. Nakakairita. I don't know why."

Natawa naman siya. "Akala ko LQ kayo."

"The heck? LQ? No way." Iling kong sagot sa kaniya.

"Nothing special then." Bulong niya habang nangingiti.

"What?"

"We should hurry, we might be late."

Pumunta na kami ng klase namin. Nagpatuloy ang araw na yon na parang wala namang masyadong espesyal na nangyari kaya't nang nagdismiss na ang last class, masayang nagstretching si Cass sa tabi ko.

"Ah! I need some break from all this!"

"Party tayo, Cass?" Yaya ko sa kaniya.

Bigla namang nagliwanag ang mata niya at sunod sunod na tumango.

"Hell yeah!"

"Party? San yan ha?" Biglang singit naman ni Mavy.

"Baby, gusto mo sumama?" Malanding aya naman ni Cass habang hinahaplos pa ang braso nito. Buti tinatawanan lang siya ni Mavy.

"Baka sa The Rift nalang kami para mas malapit. Wanna come?" Yaya ko na rin sa kaniya.

"Sure! I can pick you both up!" Offer niya naman.

"Talaga? Thank you, Baby Ric! Para naman malasing ko na si Penny, siya kasi laging nagdadrive sakin pauwi kaya di umiinom nang sobrang dami. Pero... matagal din siyang tamaan kaya okay na din." Bulong niya kay Mavy habang humahagikhik.

"I can still hear you, Cass. But yeah thanks Mavy, I'll just text you the exact location and time."

Umalis na kami at dumaan muna ng canteen dahil biglang nagutom si Cassandra.

Naghihintay naman kami ni Mavy sa lamesa na matapos sa pag-order si Cass. Nang biglang nagtilian nanaman ang mga kababaihan.

"Andiyan na sila Timothy!"
"Omg! Maglalakad siya sa harapan natin!"
"Bes! Hawakan mo ko baka mahimatay ako."

Napairap nalang ako. Nagtataka tuloy ako kung bakit ang dami pa ring tao ganung dismissal naman na. Habang naglalakad sila, napansin kong inaabangan na sila ni Kirsten na parang siya ang pupuntahan ni Timothy.

"Hi Timoth---what the!" hindi na natuloy ang sinasabi ni Kirsten dahil nilagpasan na siya ni Timothy at dumiretso sa lamesa namin.

"Magkasama nanaman kayong dalawa?" Bungad niya samin ni Mavy.

When She FallsWhere stories live. Discover now