Chapter 14

3 0 0
                                    

|Chapter 14


"Let's go, team! Faster!" Sigaw ko sa mga players.

"Fel! Keep pace! One, two! One Two!" Tawag ko naman sa atensyon ng isang junior.

Andito kami ngayon sa field, nagjajogging. Malapit na kasi ang Interschool Sports Competition ng mga sister schools ng FIS.

"Last lap na ba to, Ate Pen?" hinihingal na tanong ni Bea.

"Last two." Sagot ko naman dito. "After the last two laps, akyat na agad sa gym guys ah!" Sigaw ko naman para marinig ng mga players sa likod.

Hinipan ko ang pito ko nang matapos namin ang pagjojogging paikot ng field. "To the gym! Then 10-minute break!" Pumito ulit ako bilang senyales na umakyat na.

"Late na naman ba si Coach Gab?" Tanong ni Hani, isa ring varsity player habang nagpupunas ng pawis.

"Oo daw eh, pero hahabol naman daw siya mamaya. Di niya kasi maiwan yung klase niya ngayon kasi mga first years baka raw magrambulan." Sagot ko.

Half day ngayon ang seniors dahil na rin sa paghahanda para sa on-the-field training namin. Almost half na kasi ng school year kaya ididistribute kami sa iba't ibang firms na pwedeng maghandle samin as civil engineers. Yung ibang engineering programs naman ay sa ibang company itatalaga, minsan pa nga daw, hinahalo- halo para raw mas maging effective ang workmanship sa field training. Sana lang matitino yung mga makatrabaho ko.

Umakyat naman agad kami matapos mag-usap nang panandalian. 5 minutes nalang ang natitira sa 10-minute break na ibinigay ko sa kanila.

"Pen, how's the training?" Tanong ni Coach Gab habang naglalakad papasok ng gym, binaba muna niya ang bag sa bleachers bago pinasadahan ng tingin ang gym.

"Going smooth, Coach. After nito, magdidrills na kami." Sagot ko naman agad dito.

"Mukhang pinagod mo na naman sila, Pen ah. Tignan mo naman, halos humiga na sila sa bleachers." Natatawang puna niya sa mga players lalo na sa mga freshmen na sinasanay palang namin.

"Coach, alam mo namang masasanay rin sila. Lalo na halos kalahati ng volleyball team ay seniors, we're graduating na po, may I remind you." Pagpapaalala ko sa kaniya.

"Oo nga, mamimiss ko yung pagiging Coach mo sa team, anak." Ginulo pa ni Coach yung buhok ko na agad ko namang iniwas. "Pawis!" Sigaw ko.

Natawa naman siya at nagsimula na ang drills.

Lumipas pa ang sunod-sunod na linggo na puro trainings, submit ng requirements and performances. Sobrang busy na ng lahat lalo na kami.

"Okay, dismiss! Officers, I'm expecting everyone tomorrow 4 in the afternoon sharp. Dance away!" Pamamaalam ko sa kanila.

Tinawagan ko naman agad si Bea. "Beatrice, update." Tanong ko patungkol sa training ng volleyball. Nagkasabay kasi ang meeting para sa Dance Club kaya siya muna ang pinagsupervise ko.

"Oks lang, Ate Pen. Break namin. Andito naman si Coach kaya monitored ang drills. Paakyat ka na ba?"

"Yup. Magpapalit lang ako saglit. See you!" Paalam ko sa kaniya at pumasok na sa banyo para makapagpalit ng damit.

Mabilisan ang ginawa kong pagpalit ng damit kaya nakalabas naman ako agad. Lakad- takbo ako paakyat sa gym kaya di ko na napansin ang mga pababang estudyante.

"Shit!" Sigaw ko nang biglang may nakasanggi sa balikat ko at hindi ko nasuportahan yung bigat ng katawan ko.

Akala ko tuluyan na kong mahuhulog sa hagdan nang bigla akong may naramdamang matigas na bulto sa likuran ko.

When She FallsWhere stories live. Discover now