Chapter Two. 'Fresh from Amsterdam'

233 29 36
                                    

Habang papunta ako sa airport, inisip ko nang mabuti kung sino ung Josh.

Josh. Josh. Josh. Paulit ulit sa isip ko. Baka sakaling may maalala ako tungkol sa kanya.

Josh 1. Yung chemistry partner ko. Eh pano naman yun nakilala ni mommy? At bakit nasa airport sya eh tatlong bahay lang ang nasa pagitan ng bahay nila at bahay namin?

Josh 2. Yung naporma sakin dati? Yung jejemon? Ano namang gagawin ng isang jeproks sa airport?

Josh 3. Yung nakilala ko sa seminar na ubod ng snob pero pinagkaitan ng kagwapuhan? Nahh.

Josh 4--Josh na kilala ko pero hindi ko na tanda?

Kung hindi ako nagkakamali, may kababata akong Josh dati... Kaso hindi na kami nagkausap nung umalis kami sa dati naming bahay. Every summer kasi, binibisita namin yung farm namin. Anak siya ng isang tauhan ng tatay ko. Naging magkaibigan kami, when he taugh me how to ride a horse. Nung huli kaming nagkausap, 5 years old ata ako nun. And now, I’m already 16. And I had the vaguest memory of what Josh 4 looks like.

As expected kay mommy, laging ako ang nauuna sa mga tagpuan. Late na sila nang 25 minutes ughh.

May nakasabay ako mysterious-looking guy dun sa tindahan. Anak ng tokwa isang mogumogu nalang nanaman ang natira. Uggggh. Hindi ko na kayang tiisin to. Tumatagaktak na ung pawis sa noo at kilikili ko. AKIN ANG MOGUMOGUNG YAAAAAAAAN!

Bago pa man makuha ni ‘koya’ ung mogumogu, hinanggit ko na agad tas iniwan ung bayad tas sabay takbo “Keep the change”, last words ko dun sa tindera. Pero hindi parin nagpaawat si ‘koya’. Hindi parin pinagbigyan ung kaisa-isang mogumogung pinakamamahal ko :(((

Pinagtitinginan kami ng mga tao sa airport dahil sa bilis ng takbo namin at sa ingay ng bunganga ni ‘koya’. “Hoy gunggong! Ibalik mo sakin yan! T*ngineks mo!”

“Koya, binayaran ko to! Walang sayo! AKIN LANG ANG MOGUMOGU KO!” The Legal Wife lang ang peg hahahahaha. Dahil sa atensyong nakukuha namin, pati mga sekyu nakisali na sa habulan namin. Parehas naman kaming nacorner sa may escalator.

Pota. Maiipit pa ko dito. Gusto ko lang naman uminom ng mogumogu. T______T Kahit nagpupumiglas si ‘koya’ sa pagkakahawak sa kanya ng mga sekyu, hindi ko parin makita ung mukha nya. Ang laki kasi ng sombrero. Buong earth ata kasya dun eh -________-

Ini-contact na nung mga guards yung magulang namen. And it just happens na nasa ibang bansa yung mga magulang ni ‘koya’. Nang dumating si Mama, kinurot nya ko sa singit. Langya. Mangiyak-ngiyak na ko sa hapdi. “Ano ka ba namang babae ka?! Wala ka manlang delikadesa! Para sa isang inumin, tatakbuhin mo ang NAIA?!”

“Ma, uhaw na ko! Si ‘koya’ kasi eh! Kanina pang sinisigaw ng lalamunan ko ang ‘mogumogu’” parang involuntary movement, tinuro ko si koya. Sa sobrang highblood ni mama, piningut nya yung tenga ni koya. Hekhek buti nga bleeee, bulong ko sa sarili ko.

“At ikaw namang lalake ka! Hindi ka na makapagpalamang sa babae ha! Ayan ba ang tinuro sayo ng mga—“ napatigil si mama nung makita yung mukha ni ‘koya’. “Joshua?!”

Mated, but not Matched.Where stories live. Discover now