Chapter eight. Pre-Valentine

107 11 10
                                    

Pagpasok ko ng classroom, there was this peculiar smell. Napakaalluring. Parang seductive.

Pag-lingalinga ko, nakita ko si Iza.

“Oyyy! Naaamoy mo ba yun? Yun parang masarap?” tanong ko sa kanya.

“Shungabeks! Chocolate yun! Baklang toh”, chocolate? Paglingon ko, andaming babaeng may hawak na chocolates. Anong meron?

“Hala. Pinagdala ba tayo ni Ma’am ng chocolate? Requirement ba yun? Aish anobayan?! Magtetext ako kay Dad. Papadala lg ako ng chocolate wait” hawak ko na yung cellphone ko, pero ibinaba ito ni Iza.

“Buwang ka ba talaga? VALENTINES NGAYON. V-A-L-E-N-T-I-N-E-S” sigaw naman sakin ni Iza na parang nagdidikta sa isang pre-schooler.  Ouch ha. Valentines? Pagtingin ko sa calendar ng phone ko, OCTOBER palang naman!

Ahhh gets ko na. Amidst early October, nagpauso ang school namin ng bago at imbang valentine’s day. Since un ang anniversary ng beloved (DAW) na principal namin, at ang mga teachers na mga sipsip ang nagpauso nito. Kasi (DAW) ung love story (DAW) nung principal namin ang greatest of ALL (DAW)!

Shit. Mas maganda syempre love story pag naging kami ni Joshua. Este ni Cedric. Este ni Joshua. E-este. SHIT! Wag na nga kalandian ang atupagin ko. Move on!

“No. A special girl whom I like crying in front of me because she fell for Cedric’s stupid façade definitely disgusts the crap off of me” I shook my head nang biglang nagrerewind lahat ng mga nangyari. This day should be special. Kahit na single NANAMAN ako, dat laging happy.

How bad can it be anyway?

Gaano ba naman ka-sama ang manood sa mga happy lovebirds na naghaharutan?

Pagkalingon ko, aba si Iza may bagong kalaplapan! EWWW lang!

Ok. Ngayon ko lang narealize na forever alone ako.

Pero, di ko na kailangan ng date. Nakapagbigay na sakin si Iza ng 5 pocky! Solved na to!

Habang ninanamnam ko ang mala-heaven sa sarap na pocky ni Iza, biglang may sumalpok sa pangit kong fess.

Hinimas-himas ko yung mukha ko. Aba’y medyo mahapdi! “Awww” ungol ko sa sarili ko. Pagewang gewang yung paningin ko. Sakit kasi. Pagtingin ko, yung bwisit na Joshua na yun ang naghagis sa mukha ko noong chocolate bar na nasa gift wrapper. Sabay dila naman sakin ng hinayupak na yun! -________-

Pagpulot ko dun sa chocolate bar na hinagis nya, may nakadikit na memo pad na may nakasulat na:

Ang babae, binabato ng pagmamahal, hindi ng bola. Nyahahaha. I still like you, Anna. Hindi ko palang talaga alam kung kailan ako manliligaw. Ikaw kasi, parang ipot ng ibon magpakipot. Happy Pre-Valentines.

                                                                                                                                -Joshua gwapo.

-_- Wow. How touching. Out of the blue, I felt some kilig effect. Ugggh. Anobayan. Pero sa tingin ko, it’s not a kilig na ibig sabihin ay I like Joshua too. Agad agad? Siguro natuwa lang talaga ako dahil first time may nagbigay sakin aside from Iza ng chocolate ngayong Valentines. Haha. Tas si Joshua pang mukhang kalabaw. :3 He quite made my day. Nakakagulat din naman kasi para sa isang narcissistic na lalaki na nageffort na mag-hagis ng matigas na chocolate bar sa mukha mo.

Haha. Hi Readers!

This is quite true to life. Lols.

Comment din kayo ng mga experience nyo nung  Pre-Valentines. <3 <3

Edi kayo na may lovelife. Awtsuu >w<v

Mated, but not Matched.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora