Chapter Three: Gnomeo and Gnuliet

200 28 29
                                    

*YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAWWN

Hindi ko na maintindihan yung mga binubunganga ng Literary teacher namin.

Kasi naman. May makakatulog ba nang maayos kung may katabi kang kalabaw?! Yang tataa?! Hindi rin ako nakakain nang maayos. Naiwan kasi kami ni Joshua sa bahay kanina. May emergency daw sa trabaho si Mama -_- Eh ang pakla nya magluto! 

“Ms. Bustamante,” uulitin ko, wala akong pakealam sa sinasabi ng Literary teacher namin.

“MS. BUSTAMANTE!” nagising ang buong diwa ko nang narealize ko na ako pala ung tinatawag. Aist. Ba’t ba naman kasi lutang ako ngayon?!

M-Ma’am?” pabulong kong sagot. Inihanda ko na ung sarili ko—pati tenga—sa isang malaking explosion. Pero mali sa inaakala ko, mahinahon syang ngumiti sa’kin.

“Ikaw ang magp-play bilang si Gnuliet!” medyo malayo man sa realidad, bulol si Ma’am sa sound ng ‘j’. Pag nagppronunce sya nito, nagiging tunog ngongo. Moommaneth haha. Wait, what?! Gnuliet?! Juliet? As in Gnomeo and Gnuliet?! Romeo and Juliet? Fahk.

Lahat nagpalakpakan. Umupo nalang ako at nagkunwaring alam ko ung sinasabi ni Ma’am tungkol kay Gnuliet. “Tagpuin mo nalang si Mr. Gonzales ng Seniors. Sya ang magiging partner mo. So that’s the work assigned for the collaboration of the Seniors and Juniors. Cheer up guys! Gawin naman nating memorable ang English Fest!”—lahat nag-‘yeaaaaaaah’—“Okay. I’ll dismiss you early this time. Do some extra jobs and help for the props in the play!”

Collab work? Mr. Gonzales? Sino nga ba yun? Nasa dulo na ng dila ko eh tssss.

Habang papunta ng cafeteria para sa lunch, napansin ko ung magiging bagong uniform namin na nakapost sa bulletin board. Proposal palang naman. Mistulang nanluwa ung mga mata ko dun sa palda namin. Yung totoo, ano to?! Pekpek skirt?! Hayth. Iba na talaga ang mga bading na fashion designer ngayon #abamatinde. Nakita ko pa ang ibang announcements ng mga clubs. Nang masagi ng paningin ko ang pangalang, Cedric. OMFGIZZLE.

“Mr. Cedric Gonzales. Ms. Jaimee Cabral. Representatives for Math team…” pagbabasa ko sa isip ko. Buti pa ung crush ko hindi dinudugo sa Math…

 t-teka. Tama ba ung nabasa ko?

“Cedric Gonzales.” Binasa ko ulit sa isip ko.

Gonzales.

 

Gonzales.

 

Gonzales.

 

Go-go-go-go-go-. Gonzales?!

 

WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH ASDFGHJKLZXCVBNMQWERTYUIOP-KAMEHAMEWAVE

Pumunta ako sa CR kasi pakiramdam ko, humihiwalay ung kaluluwa ko sa katawan ko. For Real?! Mr. Gonzales?! As my… Gnomeo?! Pati ako nango-ngongo na sa sobrang kilig! >_< Moommaneth talaga!

Mated, but not Matched.Where stories live. Discover now