“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!” sigaw ko sa gulat ko habang mag-isang lumalakad sa hallway at biglang may sumulpot na parang kabuteng may ulo ng kalabaw.
“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!” Masculine ung pagsigaw nya.
“AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” Pasigaw ko pabalik dahil nagulat nanaman ako.
“AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” Mahabang pagsigaw nya ulit.
Nang mahimasmasan ang buong kaluluwa ko, tsaka ko lang narealize na si Cedric yun. WHATDAFACK?!
“C-Cedric, pasensya ka na p-po. Mag-isa lang ko lang po kasing ilalagay itong papers sa faculty. E-eh sabi po n-nila may multo daw po dito,” teka, ba’t ba ako super defensive? Tss. He just giggled. Oh what a sight to see!
“Haha, okay lang yon Anna. Tulungan na kita dyan,” and before I knew it, he already stretched out his hand at kinuha yung kalhati ng paperworks na dala ko. Our hands slightly touched and I felt my cheeks blush.
Fvk ang bilis ng tibok ng puso ko! Halikan mo na sya Anna! Wala naman dyan yung GF nya eh hahaha, bulong ng malandi ko subconscious mind. Arggh! Kung ano ano iniisip nagkadikit lang yung kamay for nanoseconds.
Ngayon kasi yung Tagisan ng Gilas sa school. Para lang syang intrams na pinaganda at pinatagalog ang name -_-
“Sali ka sa TNG?” tanong nya.
“Uhm, hindi po. Magfafacilitate po ako sa basketball eh,” sagot ko. Nanbilog naman ang mga mata nya.
“Talaga?!” parang naamaze sya. SHET. “Geez, napaka-rare ng mga babaeng kasama sa sports committee. I salute you for that though,” Anak ng putakte! Yung crush ko, saludo sakin?! Teka, crush ko pa ba sya?
“Ahh mehehe. Kayo po, may lalabanan kayo?” at least medyo may napapagusapan na kame!
“Oo. Basketball. I-cheer mo ‘ko ha.” Namula ako sa sinabi nya. I turned to look at him and his reaction. He was smiling sweetly, his eyes closed. DUGUDUNGDUNGDUNGDUNGDUNG. Lumabas na ata sa ribcage ko yung puso ko.
Pumunta na sa sikmura ko, sa pwet ko, sa bunganga ko, sa tenga ko, kung san san na. At wala na kong maisip na sabihin pa. Fortunately, nandito na kami sa faculty. SAVED BY THE BELL!
“T-thank you po.” Sabi ko habang nilalagay yung mga papel sa table.
“Kailangan may kapalit.” Namula nanaman ako. Mula sa pagkakatungo ko, tumingin ako sa mata nya. “Samahan mo ko sa mga booth ngayon. Kung wala ka pang ibang gagawin haha.”
Nagulat ako. Panaginip nanaman ba itu? Please nanay, wag mo muna akong gisingin! >_<
“Ah.. ehh.. Hindi naman po sa nagmamahabang hair ako.. Eh baka po kasi magalit yung girlfriend mo,” I said politely, and napatungo nanaman ako.
“Wala sya ngayon eh. May photoshoot sya. Model kasi sya ng kompanya nya”—no doubt, ang ganda nya kaya—“…and she told me that I could bring any friend,” he said and he flashed that smile again.
That smile that could end wars and cure cancers.
“O-Oh sige po,” nasa posisyon pa ba ako para tanggihan ang once in a lifetime opportunity? WALA. THIS IS RELI IS IT!
---
Ginala namin ang lahat ng sport booths. Ang saya nya kasama. Kahit na waley syang magjokes. Tulad ng:
“Ano daw tawag sa putong nangangarera?” tanong nya, wearing his mischievous smirk.
“Hmmm. Ano?”
“Edi… PUTO BROOM BROOM!” then he was like in bwahahahahahaha mode. Habang ako nagloloading pa. May nabuntis nang bakla’t lahat, tsaka ko lang nagets yung joke. Puto bumbum pala. Ginawa nyang Broom broom.
“Ahhhh. Ha-haha-ha.” Paputol putol at pilit kong tawa. Yung napapatawa ka nalang dahil sa sobrang ka-waleyan? Hahaha.
Patuloy pa kaming naggala hanggang sa marating namin yung Taekwondo club.
They’re doing that… what you call uhmm… Pomse? Ayon sa pagkakaalam ko, parang magtatatadyak lang sila or warm-up na parang sila lang ang tao sa mundo, and wala silang pakialam kung may matatamaan ba sila or what.
Hanggang sa may nakasipa kay Cedric ng biglaan. Napayapos sya sakin. Mula sa likod nya, nakita ko ang hari ng mga kalabaw—si Joshua. Erg! Nakakainis.
For a splitsecond, his lips twitched into a half smile. Napakasama talaga ng mokong na yun! I looked at him intently, at inalalayan nalang si Cedric papunta sa may bench.
“Pasensya ka na kay Joshua ha. Nako, kahit may ginagawa yung Taekwondo na ritwal, sinasadya nya talaga to,” sabi ko habang nilalagyan ng bandage—na nahingi ko sa isang member ng committee—yung may noo nya
“Haha hayaan mo na ganun talaga si Joshua,” kahit medyo tumawa sya, I can feel na may annoyance sa boses nya.
“Magkakilala kayo?” nakakacurious na kase.
“No. Not at all,” at inalis na nya ang tingin nya sakin, at tumingin pabalik kay Joshua. Geez. Napakaenigmatic nya ngayon.
“Anna.”
“Hmm?”
“Nasabi ko na ba sayong mahal kita?”
Huh?
YOU ARE READING
Mated, but not Matched.
Teen Fiction"Pag minsan, kung sino pa ung minamahal mo, un pa pala ung hindi nakatadhana para mapasa'yo. Pag minsan, akala natin forever na, pansamantala lang pala." Written in Taglish (If that's even a medium HAHA) Thankyou -LeLouch for the fantastic cover! ;)