Chapter 3 - Just Deal with It
SHE SAYS
"Beb tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka ha?" saad ng kakambal ko pagkababa namin sa kanyang sasakyan.
Ngayong Martes ay siya ang nakaschedule na maghahatid sa akin. Samantalang sa Miyerkules ay si Melon naman ang maghahatid sa akin. Kapag Huwebes naman ay si Lime at si Apple naman sa Biyernes. Ang mga magulang namin ang nakaisip na magkaroon nalang ng schedule sa paghahatid sa akin upang maiwasan ang araw araw na pagtatalo ng tatlo kong kapatid na lalaki.
Masyadong OA ang tatlong ugok para pag awayan pa ang simpleng bagay na iyon.
"You're spoiling me, Berry." Nakangisi kong komento sa sinabi niya.
"Beb, we made an oath to take good care of you. Habang nandito kami ay hinding hindi ka namin papabayaan." Nakangisi niyang sambit saka ako inakbayan.
Napailing naman ako at inalis ang pagkakaakbay niya. "See you later!" paalam ko na tinanguan naman nito.
Kung may nakarinig sa sinabi ni Berry ay masasabi nilang natural lang iyon sa mga magkakapatid ngunit hindi naman tungkol sa pagiging magkapatid namin ang tinutukoy nito at isang malalim na dahilan ang pinanggalingan ng mga salitang sinabi niyang iyon. Because everything in our family isn't just a normal thing, it's been always deep and something more.
Pagtapak ko palang sa department namin ay ramdam ko na agad ang kakaibang tingin na nakamasid sa akin. At napangiwi nalang ako nang makita ko kung kanino galing ang matalim at malamig na tinging iyon.
"Andito na sila girls!" malakas na tilian ang biglang umagaw sa atensyon ko. Kumpol kumpol ng kababaihan ang nagsilabasan sa mga room nila at tumingin sa grupong paparating.
Mas lalo lang akong napangiwi nang mapansin ko ang pare-parehong kulay na suot ng mga lalaking naglalakad ngayon sa corridor sa pangunguna ng lalaking masama ang tingin sa akin. Agaw pansin din ang bandage sa mukha ng masungit na lalaki at mas nakadagdag pa iyon para maging mas kahindik hindik ang kanyang aura. Napalunok ako ng wala sa oras. Mga barkada niya ba yan at balak na ba nila akong resbakan?
Umugong din ang samo't saring bulungan patungkol sa nangyari sa mukha ng lalaking nangunguna sa paglalakad. I can feel their hatred towards the person who caused that to his face. I didn't know na madami palang fans ang lalaking yan at nakakatakot ang mga ibinubuka ng bibig ng mga taga hanga niya.
Sa tagal ng pagkakatigil ko dito sa may hagdan ay hindi ko na napansin na nakalapit na pala sa akin ang grupo ng masungit na lalaki pero mas nangingibabaw ang nagyeyelo nitong aura ngayon. Tingin palang niya ay parang nilalamig na ako. Grabe ata ang galit nito sa mundo para maging ganyan kalamig ang ekspresyon sa mukha niya. At tumigil pa talaga ang mga ito sa tapat ko. Napansin ko din kung paano ako pasadahan ng tingin ng mga kasamahan niya mula paa hanggang ulo.
Ayaw ko ng gulo at gusto ko lang ng tahimik na buhay dito kaya't inirapan ko nalang sila at nagpatuloy na sa pag akyat sa hagdan. Narinig ko pa ang pagsinghap ng ilan sa kasamahan niya pero hindi ako interesadong lingunin sila.
Pagkarating sa room ay saglit akong natigilan pagkakita sa punong silid. Napakadaming estudyante ngayon at wala na akong makitang bakanteng drawing table.
"Lemon! Pasensya ka na girl, ang nareserve kasi naming upuan sayo eh inagaw ng isa nating kaklase! Nakakainis talaga ang bakulaw na iyon!" turan ni Jude na agad lumapit sa akin at nagreklamo sa nangyari.
Napatango naman ako sa kanya. Naintindihan ko naman, mas nauna ang kaklase namin sa akin at hindi naman ako espesyal para paglaanan ng upuan. Kasalanan ko din dahil tumunganga pa ako sa labas kanina imbes na magmadali papunta dito sa room.