Chapter 5 - Umuwi ka ng maaga
SHE SAYS
"Girl, ang tahimik mo ata ngayon?" tanong ni Jude nang hindi na nito matiis ang kakaibang katahimikan. He's been eyeing me since this morning.
"May problema ka ba Lemon?" nag aalalang tanong ni Annie. They are actually surrounding me right now.
I smiled at them, yung pangbaby na ngiti. May talent kasi akong iba ibahin ang ngiti ko. Oha! Rare yan na talent.
Tumawa muna ako ng mahina bago nagsalita. "Oo naman, iniisip ko lang kasi kung paano ko gagawin yung miniature ng chapel tsaka floor plan nito." pagsisinungaling ko.
Nabubwesit talaga ako sa aroganteng lalaki na iyon, magshift nalang kaya ako ng ibang course bukas?
Leche! Hindi ko pala pwedeng gawin iyon.
"Oo nga pala. Mahirap talaga iyon since wala man lang sinabi si prof kung paano natin gagawin ang ibinigay niyang first plate natin." komento ni Dein.
Naging laman ng usapan sa table namin ang tungkol sa proyektong pinapagawa ng propesor namin at hindi na namin namalayan ang oras hanggang sa napansin naming bigla nalang nanahimik ang kanina'y maingay na cafeteria.
"Ang black ice nandito sa cafeteria!" tili ni bakla malapit sa pwesto namin at para na itong kiti kiti sa sobrang likot. Di ko mapigilang hindi magtaas ng kilay dahil sa nakikita kong reaksyon ng mga kababaihan. And as if on cue ay sabay sabay na nagsigawan at nagtilian ang mga tao sa cafeteria.
Ouch! My ears!
Napatakip nalang ako ng aking tenga at napagala ng tingin sa may queue area dahil napansin kong doon halos ng mga mata nakatutok. Nang mapagtanto ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila ay siyang pagkulo naman ng dugo ko.
Yung lecheng lalaki pala! Hindi ko din inaasahan na mapapatingin siya sa pwesto namin at ang hudyo blangkong mukha lamang ang nakapaskil. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at bumalik na sa pagkain. Ayaw kong masira ang appetite ko dahil lang sa maarteng yan.
From my peripheral view ay nakita kong nagsimula na silang maglakad patungo sa direksyon ng pwesto namin saka sila umupo sa katabing table namin.
Saglit akong napatingin sa kanila na may iritasyon sa mukha at mas nadagdagan pa iyon nang makita kong nakatutok sa akin ang mata ng mga kasama niya, ang tatlong ugok!
"Staring won't full your stomach." narinig kong sabi nung lechugas.
Parang isang hari siya kung makapagsalita. At parang mga muntangang alipin naman ang mga kasama niya dahil mabilis na nagsipagkain ang tatlo matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.
"Gosh sistah! Katabi natin sila! I can smell their perfumes!" sabi ni Jude na halatang kilig na kilig.
Pagbakla talaga wala ka ng magagawa diyan.
"Tumahimik ka nga Jude." saway sa kanya ni Annie.
"Yah! Stop cursing sistah!" maarte namang tugon ng isa.
"Whatever." saad ni Annie sa walang ganang boses.
Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga estudyante dito sa cafeteria. Napansin ko din na may mga kumukuha na ng litrato sa apat na lalaki. Grabe, sikat pala ang mga to dito? Para silang mga artista kung pagkaguluhan.
Pero ano naman kaya ang nagustuhan nila sa mga yan? Ang weweirdo kaya nila tsaka napakamisteryoso din, kinikilabutan na nga ako sa presensya nila.
Para hindi na masayang ang mga emosyon ko ay binalingan ko nalang ng atensyon ang pagkain at habang umiinom ako ng lemon juice ay biglang natahimik na naman ang buong cafeteria including yung tatlo kong kasama sa table na kanina'y panay ang asaran. Lahat sila nakatingin sa pinto kaya napatingin na din ako.