Chapter 9 - Her Past
SHE SAYS
Napansin kong walang lumalapit sa akin after ng vacant. But I prefer this, wala ako sa mood na makipag interact sa iba ngayon.
Nang nakalabas na ako sa gate ay may bigla nalang nanghila sa akin. Na naman?! Nagpahila nalang ako hanggang sa ipinasok ako sa isang sasakyan. Tss! Pinabayaan ko nalang, wala ako sa mood. Bubugbugin ko nalang mamaya.
"Hoy babae! Saang planeta ka na ba napunta ha?!" huh?
Bigla akong natauhan at napatingin sa nasa driver seat. Ooh~ ang maarteng lalaki pala ang nanghatak sa akin?
Teka-- Akala ko ba ay bawal ako dito sa Bugatti niya? Oh well, nevermind nalang. Ang ganda talaga ng kotse niya! Omo!
"Takte! Hoy bipolar anong nginingiti ngiti mo diyan? Nakadrugs ka ba?! O sadyang may sayad lang talaga ang utak mo?!" singhal niya.
Grabe, nanenermon ba siya o nang iinsulto na naman?! Daig pa ang babae kung dumakdak. Pinabayaan ko na nga lang siya, bahala siya diyan mamaos.
"Tss! Bipolar na baliw." he muttered at nagmaneho na.
May naalala pala ako.
"Ay. Teka nga pala master, nakakain ka na ba?" nakalimutan ko kasi kaninang bumili ng pagkain niya.
Bigla niya namang itinigil ang sasakyan saka tumingin sa akin ng matalim. Oh no! Nakacold mode and monster mode na naman siya.
"Anong klaseng tanong 'yan ha?! Gamitin mo nga yang utak mo! Malamang hindi pa!" muli na naman niyang singhal.
Ooh~ Grabe siya kung makasigaw ah.
"Ahh. Okay, sabi ko nga. Edi kumain na muna tayo." saad ko at nginitian siya.
"Iyan talaga ang gagawin ko, ayaw ko pang mamatay ng dahil lang sa gutom. Tsk!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay inirapan niya ako at pinaandar na ang sasakyan niya.
Edi siya na ang mataray. Matapos ang ilang minutong pagdadrive niya ay tumigil kami sa isang korean restaurant.
Mahilig siya sa korean food? Siguro kaya hindi niya kinain ang ginawa ko dahil mas prefer niya ang pagkain ng mga koreano. Hmmm~ makaluto nga minsan. Anyway, sumunod nalang ako sa kanya. Haha! Magpapalibre ako.
Pagkaupo namin doon sa unan-- hindi ko alam ang tawag dito. Mababa kasi ang mesa kaya nakasquat kami sa isang unan? Leche.
As I was saying pagkaupo namin ay may lumapit agad na babae na nakasuot ng pangkorean at may hawak na menu. Ano nga tawag diyan? Hanbok ba? Ahh ewan! Tsk! Ako lang siguro ang half korean na walang kaalam alam sa mga ganyan. Hindi naman kasi ako nakikinig pag tinuturuan kami nila mom. I'm not interested.
Itong kasama ko naman ay panay lang ang turo sa menu. Omo! Kaya niya iyang ubusin lahat?! Ganoon na ba siya kagutom?!
"Is that all sir?"
"Yes."
"Okay sir. Your order will be served within 10 minutes." sabi ng babae at nginitian niya si Jaeve. Actually kanina pa siya nagpapacute sa kasama ko pero walang pakealam ang loko.
Maalala ko pala. Omo! Hindi pa ako nag-oorder!
"Miss wait!"
"Yes ma'am?" is it just me o talagang mataray ang pagkakasabi niya ng salitang binitawan niya?
"Tss!" Jaeve hissed at tinarayan pa ako. Leche talaga!
Ibig bang sabihin nito ay wala talaga siyang balak na pakainin ako? I frowned at hinarap ulit ang babae.