Chapter 6 - Takteng babae ka

1.2K 58 24
                                    

Chapter 6 - Takteng babae ka

SHE SAYS 

Urgh--! I really hate it!

Saturday na ngayon at nandito na ako sa condo ko. Oh my gosh talaga! Super ganda dito! Para kang nasa paraiso, may pool pa sa center ng building tapos may garden pa! Parang ayaw ko na atang umalis dito, ang ganda kasi sobra!

"Uyy parang natatae ka diyan." sita ni Lime sa akin habang kumakain ng lime. That's his favorite, kapangalan niya!

"Ano bang ginagawa niyo dito? Diba sabi ko bawal kayo dito?" asik ko naman sa kanya pabalik at pinandilatan ko sila ng mata.

"Daya naman! Minsan na nga lang kita makikita eh." reklamo ni Melon at inginuso pa ang labi.

"Nagpa accelerate ka kasi dapat!" komento ko sa kanya habang tumatawa.

"Tss! Kung alam ko lang sana na ganito na pagcollege edi noon pa ako nagpaaccelerate." pagdadabog naman nito.

"Sus Melon! makikita mo naman si beb every sunday eh, tsaka pare-pareho lang tayo since bawal din kami dito." saad ni Berry habang pinapapak ang blue berry jam.

"You're right!" nabuhayang sabi ni Melon sabay sip ng melon shake niya.

"Bakit niyo ba kasi ako binabantayan? Kaya ko naman ang sarili ko eh!" reklamo ko sa kanila. Naiirita ako sa pagdikit dikit nila sa akin hanggang dito.

"Ha! Dapat ka lang naming bantayan baka maulit pa ang nangyari noon." walang prenong imik ni Lime dahilan para mablangko ang itsura ko.

"Takte ka Lime! Itikom mo nga yang bibig mo!" agad namang sigaw ni Berry at binatukan pa si Lime.

"Aray! Tss! Sorry na." napipilitan pang pahayag ng ugok kong kapatid.

"Get out the three of you." mahinahon kong utos habang nakaturo sa pintuan.

Natunugan na nilang hindi na talaga maayos ang mood ko kaya kumaripas na sila ng takbo palabas bitbit ang mga kinakain nila. Mga walanghiya. Bakit pa nila kailangang banggitin ang nakaraan?

At buti naman at alam nilang malapit na akong sumabog. My attitude is very difficult to predict, hindi ako katulad ng iba na madaling basahin dahil ang nararamdaman ko sa loob ay kabaliktaran ng ipinapakita ko sa labas.

Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago nagbihis panglakad dahil kailangan kong pumunta sa mall ngayon. May mga dapat akong bilhin na materyales para sa eskwela.

Napili kong suotin ang 2 inches below the knee na bestida, plain peach ang kulay at pinaresan ko ng doll shoes na  flesh naman ang kulay. Inilugay ko lang din ang buhok ko and I'm off to mall.

*******

"Cassandra alam ko na kung saan nag enroll ang prince mo."

"Really? That's good! Ayusin mo na ang pagtransfer ko."

"Sure!"

Nasa isang coffee shop ako at di ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan ng dalawang nasa katabing table ko lang.

Hindi ko maiwasan na mapangiwi. Grabe naman iyon para sa isang lalaki ay magpapatransfer na siya para masundan lang ito? Stalker much?

"Hey you! Are you listening to us?" mataray na tanong sa akin ng babaeng may kulot na buhok.

Pinakitaan ko lang sila ng blangkong ekspresyon. Walang pakundangan din siya kung magtanong sa isang estranghero.

"Pardon?" mataray kong tanong sa kanya pabalik.

Bipolar and ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon