Chapter 2 - Bad Cat
SHE SAYS
When it was my turn to introduce myself, hindi maipaliwanag na katahimikan ang namayani sa loob ng silid na ito. Wari bang isang napakainteresanteng bagay ang maririnig nila mula sa akin para tumutok sila ng ganyan sa direksyon ko. Napapangiwi nalang ako at pilit na pinigilan ang mga sarkastikong salita na gustong kumawala sa aking labi.
Nakahinga na ako ng maluwag matapos kong magpakilala ngunit muli lamang akong napangiwi nang biglang madaming nagsitaasan ng kamay. What's happening? Nagdiscuss ba ako ng lesson para magtanungan sila sa akin? Pilit na ngiti nalang ang pinakawalan ko nang tinapunan ko ng tingin ang aming propesor.
"Mukhang madaming gustong magtanong sayo Ms. Kim. Okay lang ba na paunlakan mo ang mga kaklase mo?" may tonong pabiro na saad ng aming guro.
Lihim akong napairap. Kung hindi ko iyon pauunlakan hindi na ako malalayo sa iniasta ng lalaking napakaarogante kanina. Ngayon nga'y nakatingin ako sa kanya at ang hudyo ay malamig na nakatingin lamang sa labas. Waring walang interes at pakialam sa nangyayari sa loob ng kwartong ito.
Tipid akong tumango na ikinagalak naman ng mga kaklase ko. Agad na nagsatinig ng katanungan ang isang babae na nakaupo sa gitnang bahagi.
"Lemon, may mga kapatid ka ba? Mga lalaking kapatid to be specific?" masiglang tanong nito na halata pa ang kakiligan sa buong mukha niya.
"Ask my mother or father cause I can never tell-- we can never tell." makahulugan kong sagot na nagpasinghap at nagpaawang sa mga labi nila.
Sa gitna ng namayaning panandaliang katahimikan ay may kaklase akong muling nagtanong. "Do you have a boyfriend?"
Matamis akong ngumiti bago nagsalita. "Why do you ask?" i questioned him sweetly dahilan para mamula ang buong mukha nito at mapaupo sa kahihiyan. Tsk!
Nagkaroon ng bulungan sa loob ng silid at lihim nalang akong napairap sa inaasta ng mga estudyanteng ito. Mabuti nalang at wala ng nagtanong pa kaya't maaga din kaming naidismiss nang matapos na ang lahat sa pagpapakilala.
Bakante na ako ngayon at balak kong makahanap ng pwedeng kaibiganin sa paaralang ito. I wanna try to have a normal school life at mukhang hindi naman ako mahihirapan dahil tatlong kaklase ko ang agad na humarang sa akin. Malawak ang pagkakangiti ng dalawa kong kaklase samantalang bakas naman ang pagkahiya ng isa nilang kasama.
"Hi Lemon! Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, we would like you to be our friend!" diretsong saad ng lalaking may kalambutan ang bawat galaw at pananalita.
Lihim akong napangisi.
"Sure thing! Friends?" nakangiti kong saad at inilahad sa kanila ang aking kamay.
Tumili naman ang lalaking may kalambutan sa paggalaw at agad na kinamayan ang aking palad. "I'm Jade Martinez--!"
"Don't listen to him, he's Jude not Jade." mabilis na pambabara ng babaeng nasa kanan ni Jude.
"I'm Annie and this is Dein." dagdag pa nito na mabilis ko ding ginantihan ng ngiti at pagtango.
"Nice to meet you guys!" saad ko habang kinakamayan sila.
Well, this feels good. Having a normal interactions with normal people.
Matapos ang pakikipagkilala ay sabay sabay na kaming nagtungo sa cafeteria at sama sama ding kumain. Pero habang masayang nagkukwento si Jude ay siya namang pagkaagaw ng atensyon ko sa tahimik at tila ba nahihiyang si Dein.
Nang hindi ko na matiis ay inilahad ko sa harap nito ang inumin kong inorder. Nagulat naman itong napatingin sa akin maging ang dalawa ko pang bagong kaibigan ay nagtaka din sa ginawa ko.