Chapter 4 - Five Rules Each

724 48 8
                                    

Chapter 4 - Five Rules Each

SHE SAYS

Wednesday! Another day to go to school and to interact with ordinary people. And also to see an arrogant face!

Leche talaga ang manhid na lalaking iyon! Gawin daw ba akong personal maid? Eh kung iyong pusa nalang kaya ang hanapin niya at gawing katulong?! Ni hindi nga ako gumagawa ng gawaing bahay tapos gagawin niya akong alila? In his dreams! Asa pa siya na susundin ko ang mga ipag-uutos niya!

"Hi Miss Lemon!"

Natigilan ako sa paglalakad at napatingin sa mga lalaking humarang sa dinaraanan ko. At sino naman ang mga ito?

"Do I know you?" tanong ko naman sa kanila.

"Nope! You don't know us but you know our friend." sabi ng lalaking may highlight na ash sa buhok.

"Is that so?" mataray kong turan.

"Yep! In fact, pinapasundo ka niya sa amin." sabi naman ng lalaking pula ang buhok sabay hila sa akin.

Hindi ako nagprotesta dahil napakagaan lang ng pagkakahawak nito sa braso ko na parang inaalalayan lang ako sa paglalakad. Pero saan ba nila ako dadalhin? Ang creepy kaya nila tapos lahat pa sila ay nakaitim.

Baka naman kasapi sa kulto ang mga to? Sayang dahil lahat pa naman sila gwapo.

"Anong gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong nang tumigil kami sa lugar na pinagdalhan sa akin kahapon ng masungit na lalaki, andito na naman kami sa abandonadong gusali.

Pasalamat sila at 10am pa ang pasok ko at 8am palang ngayon kaya hindi pa nila ako naaabala. Pero hindi ko itinago sa kanila ang pagkadisgusto sa aking mukha.

"Miss Lemon wag ka namang ganyan. Ito kasi ang hideout namin, tsaka maganda naman yan sa loob." saad ng lalaking kulay asul ang buhok. Yeah right, talagang iba iba ang kulay ng buhok ng tatlong sumundo sa akin. Hindi ba sila nasisita dahil sa mga makukulay nilang buhok?

"Don't judge the book by its cover." imik naman ng lalaking may highlight na ash ang buhok.

"Go on Miss Lemon, open the door." mwestra ng lalaking pula naman ang buhok.

Napangiwi ako sa sinabi niya at pinandilatan siya ng mata. Ayoko nga baka may gorilla sa loob niyan! Nagtayuan bigla ang balahibo ko dahil sa ideyang pumasok sa isip ko.

"Bakit ako ang magbubukas? Kayo nalang kaya?" I snapped at them.

Nagulat nalang ako ng sabay sabay silang nagtawanan. Ang mga ugok na 'to!

"What the hell?! Diba sabi ko sa inyo dalhi-- o buti nandito ka na." sigaw ng lalaking bigla nalang nagbukas ng pinto mula sa loob kaya natigil din sa pagtawa ang tatlong ugok.

Napahakbang ako paatras pagkakita sa panget niyang pagmumukha. Ayaw ko talaga sa tabas ng mukha at dila niya!

"Hoy! Bipolar, get inside at may pag uusapan tayo!" singhal nito matapos akong titigan ng sobrang talim.

Wow! Kung makautos siya ay parang siya ang nagpalamon sa akin! At ano ang tawag niya sa akin? Bipolar? At hinohoy niya lang ako?

"Miss Lemon pumasok ka na bago pa mag-evolve yan into something na di natin gustong makita." bulong sa akin ng lalaking may asul na buhok.

Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Nagiging halimaw ba yan? Ang ganda naman niyang halimaw." bulong ko din pabalik. Aminin ko man sa hindi talagang daig pa ng lalaking iyon ang mukha ng isang babae, kahit pa tinawag ko siyang panget kanina.

Tumawa naman bigla ng pagkalakas lakas ang lalaking ito dahil sa sinabi ko sa kanya. Aba't nakakainsulto ang lalaking 'to ah! Nagtatanong ako ng maayos tapos tatawanan lang niya ako? Bakit nagjojoke ba ako para tumawa siya?

Bipolar and ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon