Chapter 7 - Food Combinations

408 22 9
                                    

Chapter 7 - Food Combinations by Lemon

SHE SAYS

"Beb see you at school nalang." saad ni Berry habang naglalakad kami paalis ng condo. Andito lahat ng kapatid ko. Anong mga drama nila?

"Subukan mo Berry at makakatikim ka sa akin." banta ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. Nagtawanan lang ang iba habang siya naman ay ngumuso.

"Kambal naman! Di naman ako lalapit sayo."

"Tumahimik ka!"

"Ano ka ngayon Berry boy?!" pang aasar ni Lime.

"Maghintay ka nalang kasi every sunday." masungit na sabi ni Melon.

"Ang taray mo ata Melon?"

"Tumahimik ka diyan bubwit!"

"Enough of that crap, tara na." awat naman ni Apple.

"Ang aga pa kaya, 6am palang oh." pahayag naman ni Berry.

Habang nagbabangayan sila ay may bigla nalang akong naalala. Ay leche--! May gagawin pala ako.

"Guys! Una na ako! Bye!" mabilis kong paalam at tumakbo na paalis.

"Honey! Ihatid na kita!"

"Babe! Sama ako!"

"Beb! Saan ka pupunta?!"

"Sweetie! Ingat!"

"Bye Lemon!"

Kanya kanya nilang sabi. Para naman akong batang paslit kung tratuhin nila!

Hindi ko na sila nilingon. Occupied na ang utak ko sa kailangan kong gawin ngayong araw. Maalala ko palang ang bagay na iyon ay nag iinit na ang ulo ko! Pampabadtrip talaga ng umaga ang cold prince na iyon!

Sumakay na ako ng jeep. Leche! May t- square pala akong dala! Hassle masyado! Sanay din naman akong magcommute lalo na kapag nakikihalubilo ako sa mga ordinaryong mamamayan. Kahit may sariling sasakyan ang mga kapatid ko ay madalas kong piliin ang magcommute.

Bumaba ako sa may Rainville Subdivision at nilakad ko nalang papasok. Pagdating sa bukana ay ayaw pa akong papasukin ng guard! Leche lang!

"Manong papasukin mo na po ako! Baka maging magandang halimaw na ang naghihintay sa akin sa loob!"

"Eh miss, bawal po kayong pumasok dito. Hindi naman po kasi kayo tagarito tsaka sino po ba ang magiging magandang halimaw?"

"Manong guard naman eh! Iyong maarteng lalaki po o pwede ring cold prince nalang!"

"Maarteng lalaki? Cold prince?"

"Ay este si Jaeve Wakefield pala!" sabi ko. Natigilan naman si manong at nanlaki pa ang mga mata niya. Para saan naman kaya iyon?

"K-kayo po ba si Miss Lemon?" tanong nito, tumango lang ako.

"Naku naman dapat kanina mo pa sinabi! Sige pasok na kayo ma'am sorry po!"

"Tss!" pasaring ko at tinarayan ko siya, pinahirapan pa ako. Kainis lang!

"Ay ma'am bagay po kayo! Hehe, match na match kayo." narinig ko pang sabi ni manong guard. Sino bang kausap ni manong? Baliw na ata. Tsk tsk!

Hinanap ko na ang address na inemail sa akin ni Jaeve. Pagkakita sa bahay na tinutuluyan niya ay halos malaglag nalang ang panga ko. Leche! Ang laki laki naman pala ng bahay ng lalaking iyon! Parang mansion sa laki. Ilang pamilya kaya ang nakatira dito?!

Nagulat ako nang automatic na bumukas ang gate. Hanep! High tech pa! Dumiretso ako papasok dahil wala namang guard na sumalubong sa akin at nang nasa harap na ako ng napakalaking pinto ay kusa din itong bumukas. Wow! Siya na talaga ang mayaman. Ang laki laki ng mansion niya at napakaganda pa, lalo na dito sa loob.

Bipolar and ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon