DYAMANTE 5

21 3 1
                                    

BABY GIRL

Kaizee's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang room namin. Well wala namang bago, may mga babae paring masama ang titig sakin. Pero wala akong pake.

Ng makapasok ako, dumiretso ako sa upuan ko.

"What the hell?" Asik ko ng makita yung tambak na chocolate at bulaklak sa desk ko.

"Sinong naglagay neto dito?" Tanong ko sa mga ugok na busy kuno pero nahuli ko namang nakatingin din sa chocolate na nasa desk ko.

"Ewan? Pagbalik namin kanina galing canteen, nandyan na yan." Sabi ng lalaking may hawak na iPad na halatang tulala sa chocolates.

"Ahh..." Tatango-tango kong sabi tsaka tiningnan yung mga chocolate na nakalagay sa desk.

"Di  naman ako kumakain neto" Napakamot na lang ako sa aking sintido.

Tiningnan ko naman yung mga ugok na busy na naman kuno sa mga ginagawa.

Napairap ako sa ginagawa nila. Merong nagpipindot ng iPad pero halatang naka-off naman. May nagheheadset pero yung mata nasa chocolate. Ugok talaga.

"Oh!" Sigaw ko sa kanila at hinagis lahat ng chocolate sa kanila.

"YES!"

"YUN OH!"

"YEHEY!"

"HOY AKIN YAN!"

"HEAVEN!"

"THANK YOU!"

Samot saring reaksyon ng mga ugok. Napailing na lang ako sa kanila. Nagkakagulo na sila dahil sa chocolate.

"MAKIKITA NA NATIN ANG MGA SUMASAYAW NA ALIEN SA PAMAMAGITAN NG DAIRY MILK!"

Lahat kami napatigil at sa sigaw ng lalaking weirdo. Naka tungtong siya sa desk habang nakataas ang isang kamay na hawak ang isang dairy milk na chocolate.

Napalingon naman siya samin.

"Saang planeta ba sila?" Inosenteng tanong niya samin.  Napuno ang room ng tawanan

"Class Dismiss." Sabi ni Mr. Romero.

Niligpit ko na yung gamit ko at pumunta ng canteen, as usual umorder lang ako at umupo sa dati kong pwesto.

Matapos kumain ay hindi na muna ako bumalik sa room. Tutal vacant naman namin, tsaka di naman ako pinapansin ng mga ugok. Eh namamansin lang yun pag may kailangan

Umupo ako sa bermuda grass at linabas yung headphones at mac book ko at humiga. Ginamit kong unan yung bag ko at linagay ko sa hita ko yung jacket ko para matakpan yung legs ko. Mahirap na baka masilipan ako dito, plinay ko yung music at sinuot yung headphones at pumikit. Nasa ilalim naman ako ng puno kaya di masyadong mainit.

Napadilat ako ng may maramdamang humiga sa magkabilaan ko. Napabangon ako ng makita ang mga ugok na pinagitnaan ako.

"What the hell?!" Sigaw ko sa kanila at tinawanan naman nila ako.

"Ano bang ginagawa niyo dito?!" Sigaw ko ulit sa kanila.

"Humihiga!" Sabi naman nung lalaki 1

"Aish!" Inis na sabi ko.

Dali-dali kong inayos yung gamit ko at akmang aalis.

"Alam mo bang pagnalaman nilang ikaw yung nagligtas kay Yael at Kyrie, babalikan ka nila?" Tanong ni lalaki 2

Tiningnan ko naman siya.

"Hindi naman nila malalaman pag di niyo sasabihin." Ngiwing sabi ko.

CLASS DIAMOND'S TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon