DYAMANTE 9

29 2 3
                                    

Freaking Pageant

Kaizee's POV

Pinapaalis na si Mama sa pwesto niya.

Napakuyom ang kamao ko habang naglalakad papuntang bahay ng impaktang yun.

Ginagamit ang kapangyarihan para makaganti? Tsk, what a total loser.

"Miss ano pong kailangan niyo?" Tanong nung guard.

"Kailangan kong makausap si Hera Rivas." Seryosong sabi ko.

"Wait lang miss." May tinawagan siya sa hearing device niya at tinanong ang pangalan ko. Sinabi ko naman at pinapasok niya din ako.

"Good Morning Bitch, I guess you're here to beg for your restaurant? Or say your greatest apologies to me?" Gagang impakta 'to. Nakakarindi yung tawa niya.

I smirked.

"Im sorry to disappoint you but, Im here to show you something."

"Oh, then what is it."

"See for your self." Sabi ko at inabot ang isang flashdrive.

Video yan ng mga pambubully ng impakta.

Ng matapos niyang mapanuod ito ay tiningnan niya ako ng nakakunot ang noo.

"Are you blackmailing me?" Nagtatakang tanong niya.

"May utak ka din pala noh?" Nakangising sagot ko.

"Once na mapost ko sa social media yang mga videos na yan, masisira ang reputasyon ng tatay mong governor."

"What do you want?" Seryosong tanong niya.

"You know exactly what I want bitch" Diretsong sabi ko.

"Ok then. It's settled. Wag kang magkakamali na ipost yan.bitch"

"Sure, bitch Have a good day." Nakangiting paalam ko sa kanya at lumabas na ng bahay niya.

Galing akong faculty room dahil pinatawag ako ni sir. Binigay niya lang yung susi ng room at pinaalis na niya ako.

Naglalakad ako sa corridor at hinilot ang batok ko dahil sa pagod. Naglinis kasi ako ng classroom namin dahil mukha na namang dump site.

Nalinis ko na kaya nagmukhang classroom kahit papaano.

Nakaheels ako ngayon dahil wala na akong oras para magtali ng sintas ng sneakers, kaya medyo masakit na yung paa ko.

Binuksan ko na yung pinto ng room.

"Whooooo! Ang gwapo ko  deym syet!" - Jules

"Tengene! Manahimik ka Jules! Kahit anong gawin mo, kahit lumunok ka pa ng gluta! Alam ng lahat na mas gwapo ako!" -Jobet

"Bakit kaya nasa labas ang brief ni superman?"- Yolo

"Tanga! Syempre para mahangin!" -Evvie

"Aray! Huta! Sinong tumulak sakin?! Nasubsob tuloy ako!" -Yael

"Mabuti ka nga, nasubsob lang eh! Eh ako?! Nahulog ako bro! Nahulog ako pero walang sumalo!"

"Ako bakit?!"- Leimmanuel

"Why the hell are you shouting jerk?! Sugurin niyo si Leimmanuel!" -Jk

"Bakit ak---- aaahhh!"- Leimmanuel

"Ano ba?! Nagbabasa ako dito eh!" -Joserey

"Stop! Yah! Anggulo ng room! Papagalitan tayo ni Baby Girl!" - Lee Hi

Nagtakbuhan sila sa loob ng room habang may hawak na walis, upuan, eraser, bag, flower vase, tabo, libro, basahan, sapatos at dustpan.

"Whoooo!"

CLASS DIAMOND'S TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon