DYAMANTE 7

23 3 1
                                    

EMBARRASSMENT

Kaizee's POV

Busangot ang mukha kong pumasok sa classroom. Paano ba naman kasi? Simula nung nangyari sa auditorium OA kung makatitig yung mga babae kada maglalakad ako sa corridor. Tapos yung mga tsokolate at bulaklak dumadami na!

Idagdag mo pang late ako ngayon dahil kanina sa bahay

Flashback

Nagising ako dahil sa sigawan mula sa labas. Kinapa ko yung cellphone ko sa bedside table at laking gulat ko na alas Cuatro palang ng madaling araw.

Ganito kaaga tapos nagsisigawan na?! Inaantok pa ako.

Bwisit talaga kahit kailan.

Tinakpan ko ng unan yung tenga ko pero waepek. Kaya no choice ako kundi padabog na bumaba sa sala.

Sa hagdan pa lang rinig ko na yung sigaw ni Mama.

"Saan ka bang kagubatan nagpupunta Ezekiel ha?!  Ikaw na bata ka! Ke bata-bata mo pa para magpalingkis sa ahas!"

Natawa naman ako sa sinabi ni Mama.

"Hindi naman po ako nanchix ma, nag-inuman lang kami ng mga kaibigan ko" mahinang sabi ni Kiel.

"Nag-inuman?!  Aba't ilang truck ba ng alak ang linaklak niyo at alas tres ng madaling araw ka umuwi?! Hindi nanchix?!  Hindi ka nga nanchix nagpalingkis ka naman sa ahas!"

Alas tres?  Edi isang oras na palang minimisahan ni Mama si Kiel.

"Hindi nam--"

"Anong hindi?! Tingnan mo nga yang leeg mo! May lipstick pa! Gagawa ka lang ng krimen may ebidensya pa!"

Napatungo naman si Kiel.

Di ko naman sila pinansin. Mahirap na at baka ako pa yung mabuntungan ng galit.

Pumasok na lang ako sa kusina at naghanap ng makakain.

Ilang minuto na akong paikot-ikot dito sa kusina pero wala akong mahanap na pagkain.

Naghalungkat ako sa mga cabinet at drawer pero wala. Sa mga kaldero? Wala rin! Sa ref? Meron pero mga hilaw na karne

"Ma!" Sigaw ko kay Mama na nasa sala at nagbabasa ng dyaryo.

"Anong sinisigaw-sigaw mo dyan babae?! " sigaw niya pabalik sakin, naikinangiwi ko naman.

"Wala bang pagkain dito ma?"

"Wala! Inubos ng kapatid mong laag-laag!"

Aish!

Padabog  kong sinara ang ref at lumapit sa cabinet para kumuha ng bread and jam.

Pagkatapos nun ay chineck ko yung phone ko.

(⊙.⊙)?

5:26 am?!

"Damn it!"

Nabilaukan ako kaya kinapa-kapa ko yung baso ko kanina.

"Aray! Hoooo!" Hiyaw ko ng mapaso ang dila dahil kape pala ni mama yung nainom ko.

Kumaripas ako ng takbo papuntang kwarto habang ngumunguya parin ng tinapay.

Pagkatapos kong kunin ang uniform at tuwalya ay chinarge ko na rin yung cellphone ko at pumasok sa banyo.

CLASS DIAMOND'S TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon