PROLOGUE

42 3 1
                                    

Nakangiti kong binuksan ang kulay puting pinto na may vandal na kulay red sa salamin na "diamond"

Ang Section DIAMOND ay may 10 estudyante lamang noon, kadalasan ang tawag sa kanila ay D HOTTIES or DIAMOND HOTTIES. Nagtataka siguro kayo kung bakit DIAMOND ang pangalan ng section nila? Simple lang kasi ang ulo nila ay matitigas (yung sa itaas ha! Yung may utak bhess! Hindi yung nasa gitna ng legs *^▁^* wag kayong munggo), matigas daw yung ABS nila, maganda silang pagmasdan (more like titigan), at syempre kumikinang yung mga kagwapuhan at kakisigan nila. (I can't believe Im saying this)

Sa sampung estudyanteng sa seksyong iyan ay may iba't-ibang klase.

Pumasok ako at may bumati sakin.

"Good Morning Baby Girl! May bagong sasakyan ako! Hatid kita mamaya ah!"

1. THE MAYABANG

siya si LEIMMANUEL YAHN  kadalasang nagyayabang ng kung ano-ano. Tulad ng mansion, kotse, kayamanan, babae at kung ano-ano pang anek anek niya! Kulang na lang pati dandruff, kulangot at muta niya ipagyabang niya eh. Pero may mga bagay din siyang di kayang ipagyabang tulad ng masayang pamilya, at lovelife. Aww so sad ~T_T~. May pagkasuplado nga pala ang lalaking to.

Di pa man ako nakakarating sa upuan ko ay may bumati na naman sakin.

"Uyy baby girl! Bilhan mo ko ng tubig sa canteen! Ililibre kita!"

2. THE RICH KID(suho)

Siya si YAEL RYCHEL DIAZ. Siya yung taong palaging nanlilibre bansag sa kanya "YAYAMANIN" kung anong sipag niyang manlibre yun din yung tamad niya kaya lahat idinadaan sa pera. Kala mo naman pera niya eh lahat naman yun pera ng kompanya nila tsk tsk tsk. Tulad ni Yahn wala siyang lovelife. Pero masaya naman pamilya nila.

Nakangiti namang tumango sakin ang lalaking may katawagan sa cellphone. Isang cellphone sa kanan na may tinetext at isa sa kaliwa naman may katawagan.

"Oo bhabe, sure! Kahit araw-araw pa eh!" Isa na naman sa mga babae niya.

Sinilip ko yung tinetext niya at eto lang naman ang nakita ko.

To baby no. 5: di ako makakapunta diyan baby eh sorry...

Napailing nalang ako sa kalandian ng lalaking to.

3. THE PLAYBOY

siya si JOBET XYRON BUSTAMANTE tulad nga nung titulo niya playboy siya. Maraming babae, akbay dito, halik doon, holding hands here, hugs there? Ok so that's what you call "LANDIAN EVERYWHERE". Walang babaeng sineryoso, walang tatay na sinasanto. Siya ang lalaking may kasabihang "hindi lang I want tv ang may anytime anywhere, kundi landian na rin. Jobet Xyron Bustamante nagsasabing, landian anytime anywhere? I'll make sure that I'll make it everywhere." (winks,lip bite sabay taas ng shirt*). #IlaganapAngKalandian ang hashtag niya mga tsong.

Kakalampas ko lang kay Jobet at inirapan naman ako ng isang 'to kaya no choice kundi irapan siya pabalik.

4. THE BADBOY

siya si JEIRON KENJIE SY ang Badboy ng D Hotties. Kilala sa tawag na "JK". Para sa kanya walang saysay ang pagmamahal na sinasabi nila. Iniwan sila ng papa niya at nagpakasasa sa ibang babae na dating sabi niya ay hindi sila iiwan dahil sa mahal niya ang mama nito. Pero ang ending iniwan din naman sila kaya ayun nagbago. Ika nga niya alergic siya sa mga makakati at mga malalanding babae. Kaya ang ending din walang lovelife.

"Tsk, bakit kaya may sintas pa tong sapatos? Yow Baby Girl!"

Tatakbo sana siya papunta sakin kaso nadapa naman, natapakan yata yung sintas.. Tsk tsk tsk.

5. THE WEIRDO

siya si YOLO YVONNE SALUDO siya ang kadalasang tatanga-tanga o mas maiging sabihing tanga sa D Hotties at babakla-bakla. Madalas siyang pinagtitripan at tinutukso ng grupo, Pero mayaman naman kaya wala siyang pinoproblema. Katulad ng iba ay single siya.

"Uy Baby Girl! Tapos ka na sa assignment?" Tanong ng lalaking busy sa pagsusulat.

"Di pa eh." Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

6. THE SMARTY PANTS

siya si JOSEREY FANILLA. Siya yung tipikal na lalaki, walang mansyon, walang mamanahing kumpanya. Normal lang na buhay ang meron siya, masaya ang pamilya. Ang tatay niya ay isang baranggay captain ang nanay niya naman ay isang guro sa isang public school at may isang nakakatanda at nakababatang kapatid na babae. Nakapasok siya sa EA dahil sa angking talino. Tulad ng iba ay hindi siya taken dahil priority ang pag-aaral.

"Yolo! May bagong collection ako ng paw patrol! Gusto mong maki--- hi baby girl!" Nginitian ko nalang siya.

7. THE ISIP BATA

siya si EVVIE DAVE ASUNCION. Makulit siya at palaging kakulitan ni Yolo, Walang ibang iniisip kundi ang maglaro ng ipad, video games, xbox at manghingi ng pagkain. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil chinito at cute kung ngumiti. May mamanahing mall at hotel. Wala sa isip niya ang pag-aaral at lovelife.

"Uy pareng baby girl! Ganda mo ngayon ah! Ang Ganda siguro ng umaga mo dahil nakita mo yung gwapong mukha ko!" Napaismid nalang ako.

"Mag-almusal  ka muna, gutom lang yan." Tinapik ko ang balikat niya.

8. THE FEELING GWAPO

siya si JULES ZAINIE ZAPANTE. Siya ang pinakamaingay at pinaka makulit sa boung seksyon. Kadalasan siyang nagjojoke at palaging nakikisakay sa trip. Approachable daw pero mukhang mandurugas. Charot! Moreno, gwapo, mayaman. Minalas sa lovelife kaya naging tambay sa mall para manghunting ng sisiw.

"Baby girl! Tulungan na kita diyan sa dala mo." Sabi naman ng isang lalaki at kinuha ang libro at bag ko.

"Thank you!"

9. THE MR. NICE GUY

Siya si LEE HI HWANG May lahing Korean. Mabait siya at maginoo, may workaholic na tatay at malditang nakakatandang kapatid. Di tulad ng kapatid niya, iniintindi niya yung mga magulang niya. Pinapahalagahan niya yung mga bagay at tao sa buhay niya. Walang lovelife kasi mas inuuna yung kapatid at pamilya kesa sa sarili.

"Lee Hi napaka pakitang tao mo! Katulad ka rin ng mga paasa diyan sa tabi-tabi! Akala mo, MU kayo... Yun pala MA ka lang! Maling akala!"

"Ano ka ba naman! Pati yung pagiging matulungin ng tao ginagawan mo ng hugot!" Bulyaw ko sa kanya.

10. THE DANCER BANATERO

siya si KYRIE SYX DELOS REYES. Madalas bumabanat.Kahit utot mo gagawan ng hugot. He's hiding his true feelings from hugots. Madami siyang problema tulad ng papalubog na kumpanya nila, yung nacoma niyang kapatid at may sakit na ina dahil sa pagkamatay ng daddy niya. Dahil silang dalawa na lang ng kuya niya ang nakatayo at lumalaban para sa pamilya nila nakukuha niya paring ngumiti at magpasaya. Dahil na rin sa mga problemang kaharap niya, di na niya kailangan ng lovelife dahil tingin niya dadagdag lang naman ito sa isipin niya.

Hay salamat, nakarating ako sa upuan ko! Kinuha ko na yung gamit ko kay Lee Hi at nagpasalamat.

Umupo na ako at dumating na si sir kaya nagsi-ayusan na rin ang mga ugok.

"Ok class Diamond, let us begin with our new topic."

Napangiti nalang ako.

New day with the D Hotties...
New day with my best of friends...

Don't forget to
→_→VOTE←_←

→_→COMMENT←_←

~Ni_Hi_Ka ❤

CLASS DIAMOND'S TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon