DYAMANTE 2

26 5 1
                                    

HEART

Kaizee's POV

Matapos ang pangayayaring yun ay naging ilag sila sa akin.

Nandito ako ngayon sa pinakadulong silya sa likod sa may side ng bintana. Nakatitig lang ako sa labas. Mag-iisang oras na yata akong ganito, haysss.. 

Yung mga tukmol? Ayun nagmemeeting ata kung anong gagawin sakin.

Kasalukuyan silang naka pabilog na form. Tinapunan ko sila ng tingin. Nakatingin din pala sila sakin. Ng nakita nilang nakatingin ako sa kanila ay nag-iwas sila ng tingin.

"Tss." At inirapan ko lang sila.

Ang boring pala talaga dito. Dalawang oras na kaming walang klase. Haysss

*krunk~ krunk~*

Nagugutom na ako. Tumayo ako at naglakad papuntang canteen. Tutal wala naman akong close dito binitbit ko na lang yung mga pinamili ko.

Pagpasok ko sa room, aba! Walang tao! Well whatever.

Nagkibit ako ng balikat at akmang uupo ng may mapansin ako sa upuan ko.

What's this? Hinawakan ko ang isang kulay puting bagay at akmang kukunin ito. Ano ba to malagkit, at mamasa-masa. Bubble gum?

Playing pranks huh?

( ̄﹏ ̄)

Jobet's POV

"Damn it!" nanggigigil na bulong ko.

"Di nag work guys pano na?" nag-aalalang tanong ni Joserey.

"May plan B pa." confident na sabi ni JK na may band aid sa noo.

Kasalukuyan kaming nagtatago dito sa bodega. Kung inaakala niyong magulo at madilim ang bodegang to nagkakamali kayo. Sinadya talaga naming itambak lahat ng gamit sa may pinto para matago yung totoong anyo ng bodegang to.

Nanonood kami sa flatscreen tv kung anong ginagawang babaeng yun dun. May nakakabit na camera sa bawat sulok ng room para mapanood namin kung successful ba yung ginawa naming prank.

Akala ko talaga sasampalin niya ako kasi yun yung karaniwang ginagawa ng mga babae pag nababastos sila pero mas malala pa sa sampal yung inabot ko!
Bwesit siya! Nilapastangan niya ang aking napakagwapong mukha at napakasmooth na paa. Nakasapatos ako pero masakit yung pagkadiin ng heels niya sa paa ko! Kainis! Nagkabukol pa tuloy ako sa noo! Ang tigas ng ulo niya huta!

Nakuha niya yung bubble gum prank namin. Di successful yung plan A, di bale may plan B kami.

Dahil alam naming maarte siya alam kong maghuhugas siya ng kamay kaya naman linagyan namin ng napakaraming ipis yung sink. Pinadakip pa namin sa mga batang pulubi yan dun sa kanto kapalit ng pera. Syempre si Yael yung bumayad ng 50K. Yayamanin naman kasi

Lumalapit nga siya sa sink...

Naeexcite ako! Panigurado titili yan!

In

3...

2...

1...

Huh? Bat ganun?

Napakunot ang noo namin dahil hindi manlang siya gumawa ng kahit anong ingay. Nakakunot lang yung noo niya at ngumiwi.

Maya-maya pa, yumuko siya.

"Ano kayang balak niya?" Tanong naman ni Dave na mukhang kinagat na apple sa logo ng iPhone.

Walang sumagot sa kanya. Lahat kami nakatutok sa gagawin niya.

CLASS DIAMOND'S TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon