DYAMANTE 4

21 3 1
                                    

WELCOME

Kaizee's POV

Dalawang araw na ang nakalipas ng maospital ako, today is Tuesday.

Bored parin akong naka-upo habang kumakain ng oishi prawn crackers na maanghang habang nakatanaw sa bintana.

Walang pumapansin sakin kahit isa sa mga ugok. Matapos akong pagmakaawaan sa ospital na patawarin ganito igaganti nila sakin? Tsk, how rude.

Napatawad ko na sila kaya ano pang rason para di nila ako pansinin.

Tsaka, sampu lang ba talaga sila dito? Imposible naman yata yun. Ano to? Pa royalty?

May dumaang lalaki sa gilid ko habang sumisipsip ng fresh milk.

"Hoy ikaw!" Tawag ko sa kanya.

Lumingon naman siya magkabilaan niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Tanga naman neto.

"Hoy ikaw sabi!" Mas malakas na sigaw ko.

Lumingon ulit siya sa magkabilaan

"Multo ba yun? Tsk, ang creepy naman. Pero wala namang multo dito. Shit! Baka Titan yun! Pero ang liit ng boses. baka naman alien yun! Pero di rin. Iba magsalita yung alien eh, tsk. Oh baka naman--" pinutol ko na yung kawirdohan niya.

"Oh baka naman ako yun?" Sarcastic na sabi ko.

Lumingon naman siya sakin. Abnormal tong isang to.

"Oh ikaw pala?" Inosenteng tanong niya.

"Hindi ako yun, baka nga alien yun." Pabalang na sagot ko sa kanya

"Imposible namang alien yun!" Sabi niya.

"Alam mo naman palang imposible pero napagkamalan mo akong multo, titan at alien! Sa ganda kong to?" Sarcastic na sagot ko sa kanya.

"Ah hehe.." Napatingin naman ako sa pagkain ko na tinitingnan niya.

"Gusto mo?" Alok ko sa kanya.

"Oo naman!" Bibong sagot at umupo sa silyang nasa harap ko.

Kumuha naman siya.

"Bakit sampu lang kayo dito? Wala ba kayong kaklaseng babae?" Tanong ko habang kumakain.

"Ah... Hindi naman kami sampu dito, tsaka may kaklase kaya kaming babae."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha? Ilan ba kayo dito? Akala ko ako lang babae dito?" Tanong ko.

"Hmmm..." Hum niya bago nagbilang gamit ang daliri.

"Eleven kaya tayo dito, tsaka babae ka diba? Kaya ikaw yung babaeng kaklase na--."

"Hindi natin siya kaklase. Lilipat din siya ng section." Putol ng lalaking may band aid sa lalaking weirdo.

"Pano mo naman nasabing lilipat ako?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Kasi mahihirapan ka lang pag nandito ka." Diretsong tugon naman niya.

I smirked.

"Sanay na ako sa hirap. Ano na naman bang gagawin niyo? Tandaan niyo, hindi ko pa kayo lubos na napapatawad sa pang-insulto niyo kay papa. Baka gusto niyong magkagulo pa tayo dito?" Maangas na tanong ko sa kanya.

"Hindi kami ang magpapahirap sayo. Yung mga fangirls namin ang makakalaban mo." Maangas namang ganti niya.

Fangirls? Pfft.. Meron pala sila nun?

CLASS DIAMOND'S TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon