DYAMANTE 8

28 4 1
                                    

THANKFUL

Yael's POV

"She started it! Wala akong ginagawang masama sa kanya ni hindi ko nga siya kilala tapos ipapahiya niya ako ng ganun? At hindi lang yun! Maraming estudyanteng naninira sakin! Ano bang ginawa ko?" Dinig kong Mahabang sabi ni Kaizee.

Para kaming mga tanga dito na nag-e-eavesdropping dito sa pinto ng guidance office.

"May sakit ba yung pinto?" Inosenteng tanong ni Yolo.

Tanga talaga to! May kinuha kasi si Jobet na stethoscope sa Science Lab. Kaya pinanggamit namin sa pakikinig.

"Wag kang maingay" sita sa kanya ni Jk.

"That's not true bitch! Siya ang nauna! Nanahimik ako sa isang sulok tapos bigla niya nalang ginawa niya sakin yun! Umamin yung totoong gumawa nun sa kanya tapos ako yung pinagbintangan!" Sabi naman nung babaeng mukhang coloring book.

"Wag mong ipaako sa iba ang kasalanan mo! Binubully mo yung babaeng yun!"

"Is that true?" Tanong naman ni Madame Principal.

"Yes Madame Principal. Nakatanaw po ako sa bintana ng room namin nung may makita akong babaeng pinapaso ng sigarilyo. At namukhaan ko po sila. Nung isang araw ko lang po nakita." Paliwanag ni Baby girl.

Palagi nga siyang nakatingin sa may bintana.

"Wala kang pruweba!" Galit na sigaw nung babae.

"Mukhang di ka yata aware sa paligid mo? Every tree has a surveillance cameras. Kahit sa mga classrooms." Nagulat naman kami at nagkatinginan.

Akalain mo yun! Napansin din niya yung pagkaliit-liit na camera?!

Nung una akala namin salagubang yun eh. Tsk, nag-away pa kami ni Yolo nun.

"Thank you Ms. Samonte, you may now leave. At ikaw! Stay here dahil paiimbistigahan pa kita."

Nakarinig kami ng mga yabag kaya kumaripas kami ng takbo at hapong-hapo na naghintay sa may hallway.

"Oh? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Kaizee nung makita niya kami.

"Ah, tumatambay." Palusot ni Leimmanuel.

"Naghahanap ng chix." Simpleng sagot naman ni Jules.

Napa-"aah" nalang siya habang tumatango at nagsimula ng maglakad.

Sumunod naman kami sa kanya.

Pagpasok namin naabutan namin si Sir sa table niya.

"Ang galing niyo naman! Ako pa talaga pinaghintay niyo dito! At dahil diyan palakpakan niyo mga sarili niyo!" Bungad niya samin.

Napangiwi naman siya ng pumalakpak si Yolo.

"May kalapati ba sir?" Natutuwang tanong niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Kaizee.

"Palakpak daw eh." Mahinang sabi niya tsaka nag-iwas ng tingin.

Tanga talaga kahit kailan.

"Ganyan talaga sir pag gwapo! Kailangang hintayin!" Mahanging sabi ni Jules.

May hangin sa utak.

"Sus gwapo daw! Mas hamak na mas gwapo ako sayo ulul! Kaya maraming naghahabol na chix sakin! Mayaman, Sexy, Hot at gwapo!" Isa pa tong si Leimmanuel, sukdulan ng yabang.

"Ang kakapal ng mukha. Palibhasa walang pumapansin kaya't desperadong makakuha ng atensyon." Natawa si Sir sa sinabi ni Kaizee.

Umupo naman na si Kaizee.

CLASS DIAMOND'S TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon