Chapter 1

116 10 0
                                    

Chapter 1
 
First Day
 
 
 
 
Andito ako ngayon sa kwarto ko. Single daughter ako nina mama at papa. Nakabihis na ako ngauon ng uniform ko at bababa na para magbreakfast.
 
 
 
Pagdatin ko sa baba ay nakita ko si Gel sa sofa namin. Bakit andito siya?
 
 
 
"Uy, Gel! Good morning!" Pagbati ko sa kaniya. "Bakit nandito ka?"
 
 
"Good morning din. Bakit? Bawal ba tayong magsabay papasok sa school?" Pang-iinsulto niya.
 
 
"Hindi naman. Nagulat lang ako" Pagdepensa ko.
 
 
"Hay nako! Taon-taon na lang kayo magkasabay sa pagpasok e nagtatalo pa rin kayo." Sabi ni mama para matigil ang kwestyunan sa pagitan namin ni Gel.
 
 
 
Sa bagay, totoo nga naman. Taon-taon na kami ni Gel na nagsasabay sa pagpasok lalong-lalo na kapag unang araw ng taong panuruan. At palagi din kaming magkaklase simula noong nag-aral kami. Hindi ko alam pero hindi siya nakakapangsawa kapag tinitignan.
 
 
 
Sinakyan ko na lang ang gusto ni mama. Iniba ko ang usapan namin.
 
 
 
"Ma! Ano palang agahan natin?" Pag-iiba ko.
 
 
"Heto. Pritong talong atsaka itlog. Ikaw na bahala maglagay ng sinangag para matantya mo kung gaano karami at kung ako ang maglalagay ay baka hindi mo na naman ubusin yan." Sagot ni mama sa akin. Ang hilig talagang mangbuking ni mama lalo na 'pag tungkol sa'kin.
 
 
 
Lumakad na ako sa mesa at kinuha ko na yung pinggan ko. Kumuha ako ng sinangag doon sa kawali at konti lang ang nilagay ko. Ayaw ko kasi ng masyadong marami. Ayoko din ng marami. Gusto ko tama lang o kaya ay konti. Nagdi-diet ako.
 
 
 
"Kumain ka na ba, Gel?" Tanong ko sa kanya.
 
 
"Tapos na sa bahay. Kumain na ako bago ako pumunta dito sa inyo." Sagot niya.
 
 
"Tara dito. Kain ka ulit." Pang-aaya ko.
 
 
"Sige. Salamat. Ayoko na eh. Busog na ko." Pagtatanggi niya. Busog na daw siya. Hindi naman halata. Mukha ngang natatakam pa sa kinakain ko eh. Inggitin ko nga.
 
 
 
Habang sumusubo ako sa kutsara ay nakatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Bawat subo ko ay ipinapakita ko sa mga mata ko na iniinggit ko siya.
 
 
 
"Dalian mo na dyan, Justine. Maleleyt na tayo kung masyado ka pang magpapakabusog dyan." Yes! Gumana yung pag-iinggit ko sa kanya. Pinatigil niya ako. Palusot pa niya yung maleleyt kami. Anong oras na ba?
 
 
 
Hala! Mag-aalas syete na pala. Magsisimula na yung Flag Ceremony. Baka ma-late kami. First day of school pa naman. At strikto sa Phantom Astute School of Collegers na pinapasukan namin ngayon. Kolehiyo na kasi kaya siguro mas nagiging istrikto sila.
 
 
 
"Hala! Oo nga! Tara na baka ma-late pa tayo." Pagsasalita ko. Agad-agad akong tumayo at nagsuot ng sapatos. Ang sakit tuloy ng tiyan ko. Nabigla siguro sa ginawa ko. Pero hayaan na kaysa mag-cr pa ako. Sayang lang sa oras. Umalis na kami ni Gel sa bahay. Hindi na kami nakapag-paalam kay mama.
 
 
 
Pagdating namin sa university na pinapasukan namin, sakto kami at magsisimula pa lang ang seremonya.
 
 
 
Pagkatapos ng Flag Ceremony ay tumungo na kaming mga estudyante sa kaniya-kaniya naming klase. Kasama ko ngayon si Gel. Magkaklase kasi kami. Pareho kaming BSA-1 ang section. Accountancy ang kursong kinuha namin pareho.
 
 
 
Pagpasok ng una naming professor ay nagpakilala na siya. Siya pala si Mrs. Montecillo. Pagkatapos niya ay isa-isa na din kaming nagpakilala.
 
 
 
"Hi everyone! I'm Justine Sevilla, 19 years old. Accountancy ang kursong kinuha ko dahil gusto kong ituloy ang kompanya ng papa ko pagdating ng araw na pinagsikapan niyang maipundar." Pagpapakilala ko sa harap ng mga bagong mukhang mga kaklase ko.
 
 
 
Pagkatapos ng dalawang subject ay break na namin. Nandito ako ngayon kasama si Gel sa damuhan ng school. Dito na kami kumain dahil madaming tao kanina sa canteen. Ayaw naming makisiksik pa. Dito na lang kami sa damuhan nagpahinga. Maya-maya ay tumayo na siya at bumili ng pagkain namin. Ako naman ay naiwan dito.
 
 
 
Ipinalibot ko ang mga mata ko dito sa school. Maganda siya. Malawak. Great Facilities. Airconditioned ang bawat room. Maaayos ang mga estudyante. Habang iginagala ko ang mga mata ko ay nagulat ako ng bigla kong maramdamang may humawak sa balikat ko sa likod. Agad na nagsitaasan ang balahibo ko at napalingon ako kaagad sa likuran ko.
 
 
 
Nakita ko ang isang babaeng nakangiti sa akin. Wala siyang kasama. Mag-isa lang siya. Kumalma naman ang mga balahibo ko at nagpahinga na sila. Mukhang mabait itong babae. Nakangiti siya sa akin ngayon.
 
 
 
"Hi! I'm Rafaella. Bago lang ako din ako dito." Panimula niya habang inalagay sa harap ko ang kamay niya. Makikipagkamay yata.
 
 
"Hello! I'm Justine. Bago lang din ako dito eh. Pareho kami nung kaibigan ko, si Gel." Sabi ko pagkatapos makipagkamay sa kaniya. Mabait siya. Halata sa pananalita at sa tono ng boses niya. Mukhang magiging kaibigan ko siya.
 
 
"Where is he?" Sabi ni Rafaella daw sabi niya.
 
 
"Bumili lang ng pagkain namin dun sa labas." Sagot ko sa kanya.
 
 
"Ahh. Pero bakit hindi na lang siya sa canteen bumili? Meron naman tayo dito sa university eh." Na-curious siguro siya. Sa bagay.
 
 
"Ang dami kasing bumibili eh. Tsaka okay lang naman." Sabay ngiti ko sa kanya.
 
 
 
Natanaw ko si Gel sa hindi kalayuan na pabalik na sa amin. Seryoso siyang nakatingin. Kinikilala siguro kung sino ang kasama ko.
 
 
 
"Ayun siya, si Gel." Sabi ko kay Rafaella sabay turo dun kay Gel habang naglalakad papalapit sa amin.
 
 
"Siya yung kaibigan ko." Hindi ko alam kung bakit hindi na siya nagsalita. Seryoso lang siyang nakatingin kay Gel. Bakit kaya?
 
 
 
 

* * *

 
 
 
Hi Readers! First Chapter done.
Read it until next chapter. Thanks!
 
 
 

•.•

The Possessive MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon