At nagbabalik...
Hi Guys! CHAPTER 13 here!
Dedicated to ApplelyRainbow at TheEnchantedPalace
Yieeeee!😂
***
Chapter 13
Sobreng Pula
Hindi ko alam kung anong meron kay Gel. Hindi naman siya ganoon dati. Idagdag pa na ni hindi ako kayang hindi pansinin no'n kahit na isang minuto pero ngayon, ilang oras na siyang wala. Wala siya sa halos lahat ng subject namin.
Napabuntong-hininga na lang ako. Mamaya ay kakausapin ko siya.
"Justine!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Napakunot ang noo ko nang makita si Gel na may ngiti sa mga mukha niya.
"Sorry na, Gel. Sorry kung ano man ang ikinagalit mo sa akin. Hindi ko alam ang ginawa ko... hindi ko alam kung bakit ka galit kaya sana sabihin mo sa akin para malaman ko. Hindi kasi ako mapanatag-"
"Ano bang sinasabi mo, Just?" Tumawa ito na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
"Anong kasalanan? At anong galit? Hindi naman ako galit sayo ah? Bakit naman ako magagalit sa bestfriend ko?" Nakangiti nitong sinabi at agad akong inakbayan. "Ikain na lang natin 'yan. Nagugutom na rin ako e," Napangiti na lang ako at tumango.
Siguro ayaw niya nang pag-usapan pa ang tungkol doon at siguro ay habang wala siya kanina rito ay nagpapalamig siya. Mabuti na rin 'yon dahil ayaw ko rin namang magkaaway kami.
"Justine! Gel!" Napalingon kami sa tumawag sa amin. Sina Rhelealyn at Pearlianney. Ngumiti ako at kumaway. Napatingin sa akin si Gel nang nakakunot ang kaniyang noo. Magagalit na naman ba siya?
"Gel, ayos ka na ba? Nakakatakot ka pa lang magalit?" Natatawang biro ni Rhelealyn.
"Just...sino sila?" Nakakapagtakang nagtatakang tanong ni Gel. Kulang na lang ay malaglag ang panga naming tatlo.
"Ano ka ba? Noong nakaraang araw ko pa naipakilala si Rhelealyn sa'yo at itong si Pearlianney naman ay kanina lang. Joke time ba 'to?" Natatawang tanong ko rito. Napakunot ang noo ni Gel bago napakamot ng ulo at napatawa na lang rin.
"Ah... sorry, mabilis lang talaga akong makalimot ng mga bagay-bagay." Nakangiti nitong tugon. "Pero, nice to meet you na rin."
Ngiti nito sa dalawa at naglahad pa ng kamay. Excited na inabot ni Pearl ang kamay ni Gel at natatawang tumugon sa sinabi nito. Hinampas naman siya ni Rhelealyn bago tinanggap ang kamay ni Gel.
BINABASA MO ANG
The Possessive Murderer
Mystery / Thriller"Hindi ko ho magagawa ang pumatay ng tao. Lalo na ho't kaibigan ko." -Justine Sevilla I am Justine, isang babaeng palakaibigan. Pero sa kabila nito ay ang pagkamatay ng mga nagiging kaibigan ko. Hindi ko alam kung sino ang pumapatay sa mga kaibigan...