Chapter 5
Welcome Party
Nandito kami ngayon ni Gel nakaupo sa bench. He's always there for me. Whenever I am sad. I am hopeless and when I needed a friend.
"Ah, Gel." Pagtawag ko sa kanya. "Saan ka galing kanina?"
"Huh? Pumasok. Classmates tayo right? Ikaw. Ikaw ang saan galing at bakit hindi ka pumasok?" Oo nga pala. Classmates kami. At ako pala itong absent sa klase namin. Dahil sa nangyari ay hindi na naman ako nakapasok. Buong araw na akong absent.
"Napuyat kasi ako. Hindi ko kayang pumasok ng walang tulog. Hindi rin naman kasi ako makakapag'focus' niyan eh. Kaya naisipan kong sa matulog muna at magpahinga. Saka na lang ako papasok. Tapos heto, pagdating ko dito sa school nakita ko si Krixia na nakahilata na dun. Namatay siya, Gel. Namatay siya! Napakawalang hiya nung gumawa nito sa kanya! Walang kalaban-laban yung tao at wala siyang ginagawang masama!" Arghh. Naiinis ako! Naiinis ako! Bakit pati si Krixia? Bakit puro kaibigan ko? Wag nilang sa bihin na pati si Gel ay papatayin din nila.
"Gel" pagtawag ko sa kanya. "Wag kang mawawala sa'kin ha?"
"A-no--Anong ibig sabihin mo?" Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Wag kang mamamatay ha? Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw mawala pa." Sabi ko sa malungkot na boses. Napagtanto ko na lang na may namumuno na palang luha sa mga mata ko dahil lumalabo na ang paningin ko.
"Hah?! Bakit?!" Malakas na boses niyang sabi sakin. "Ahh. Oo naman. Syempre." Para siyang natauhan sa ginawa niya." Ano yun? Bakit bigla-bigla na lang siyang nagkakaganon?
Bigla niya akong niyakap ng sinsero. Bigla siyang naging okay. Bakit ganyan siya? Anong nangyayari? Hindi ko siya maintindihan.
Biglang tumunog ang napakalakas na bell. Oras na ng sunod na klase.
"Tara na." Sabi ni Wil sabay alay ng kanyang kamay.
Hindi ko tinanggap iyon at tumayo ako. Tumalikod ako sa kanya ay akmang maglalakad palayo nang biglang hinawakan niya ako sa braso ng mahigpit.
"Aray! Ano ba, Gel?!" Sinigawan ko siya. Ang sakit kasi eh!
"Anong ano ba? Oras na ng klase ohh. Maleleyt tayo kung hindi pa tayo papasok sa klase." Sabi niya. Mataas na naman ang boses niya.
"Ayoko! Hindi ako papasok!" Yung mahinahon ko sanang sarili ay ginawa niyang beastmode. Sinira niya yung mood ko eh. Saka isa pa, hindi na talaga ako papasok. Lalo akong hindi makakapag'focus' sa klase nito. Sariwa pa sa akin yung nakita ko si Krixia noh.
Sabi nga pala nung NBI kanina na makibalita na lang daw ako sa School's Office. Dun daw nila idederetso ang update na makukuha nila sa kaso. Sabi pa nila na mukhang malabo daw na malaman kung sino ang pumatay kay Krixia. Unless, may nakakita sa mismong pagpatay sa kanya. Pero kahit na may nakakita, parang hindi sila willing na magsalita.
"Bitawan mo na ako!" Sinigawan ko na ulit si Gel. Hindi naman kasi ako binibitawan.
"Hindi pwede! Papasok ka Justine! Papasok ka!" Sigaw niya sa'kin. Bakit? Sino ba siya para sigawan ako ng ganyan? At sino siya para pagbawalan akong umabsent?
Hindi na ako nagsalita pa. Lalo lang 'tong mapapatagal. Pinwersa ko yung sarili kong braso na tanggalin mula sa pagkakahawak niya. Natanggal ko naman kaya naglakad na ako palabas ng School Campus. Binilisan ko na rin ang lakad ko dahil sa inis ko at takot na din. Baka ako na yung susunod na papatayin nung killer dito. Pero hindi ko hahayaan na mapatay nila ako. Hustisya muna para sa mga kaibigan ko na namatay.
Tinawagan ko na lang yung driver namin para sunduin ako dito. Ayaw kong magcommute sa ngayon. Baka mapatay pa ako.
Agad naman nakarating yung driver namin na pinapunta ko dito. Sumakay na ako sa kotse namin at pinamadali ko siyang magdrive para makauwi na kami kaagad. Ayoko nang magtagal dito.
Pagdating ko sa bahay, hindi na ako nagbihis at sinunggaban ko na kaagad yung kama ko.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at clinick yung facebook app.
Pagkabukas na pagkabukas ko nung app ay agad na tumambad sakin ang Phantom Astute School of Collegers Page. Argghhh! Naalala ko na naman ang nangyari sa school kanina. Hindi ko alam kung malulungkot ako sa nangyari kay Krixia o maiinis, magagalit sa taong pumapatay sa mga kaibigan ko.
Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa facebook.
Ito ang nakalagay na post ng Admin:
Good Day Collegers!
Our school, Phantom Astute School of Collegers, will have a Welcome Party. This will be hold on May 8, 2018, 7:00 o'clock in the evening at the Venilla Hotel. The attire should be formal.
This is to welcome all the Collegers of our school especially the First Year Students.
We are hoping for your presence!
Thank You!
For more infos. Look for the School Admin or leave a message post.
Agad kong chinat si Gel. Siya na lang kasi ang kaibigan ko at alam niyo na kung bakit. They we're all killed by the mysterious killer. If I would be given a chance to meet him, I'll kill him.
* * *
Hi Guys!
Kung iniisip niyo na lalaki yung killer dahil lang sa ginamit ni Justine ang pronoun na him, wag kayong madadala doon.
The term 'him' was used generally for either a man or a woman. This doesn't mean that you are only talking about a male gender. 'Pag sinabi po kasi na 'him' ay dalawang meaning niya; isang lalaki o di kaya ay lalaki o babae.
Salamat po!
Feeling ko matatagalan ako sa next update haha.
•.•
BINABASA MO ANG
The Possessive Murderer
Mystery / Thriller"Hindi ko ho magagawa ang pumatay ng tao. Lalo na ho't kaibigan ko." -Justine Sevilla I am Justine, isang babaeng palakaibigan. Pero sa kabila nito ay ang pagkamatay ng mga nagiging kaibigan ko. Hindi ko alam kung sino ang pumapatay sa mga kaibigan...