Special Thanks to TheEnchantedPalace, KalilaHonoridez and hhhbbgnb for reading and voting this story. ^.^
* * *Chapter 7
Spray
Nagulat ako sa nabasa ko.
"Surprise!"Anong ibig sabihin nito?
Namulat ang mga mata ko. Nagising ako sa liwanag sa labas. Nakatulog pala ako. Tiningnan ko yung cellphone ko para sana malaman kung may nag-text ba sa akin pero dead bat na ako. Chinarge ko na yung phone ko at bumaba. Wala si mama. Wala din si Gel. Nagpaluto na lang ako sa cook namin ng breakfast ko. Naligo na ako, nagbihis, kumain at umalis.
Pagdating ko sa university namin, tumambad sa akin yung nakangiting si Rhelealyn. May kasama siyang dalawang tao sa likuran niya. Isang babae at isang lalaki. Parehong matangkad. Gwapo yung lalaki at blooming naman yung babae.
"Hi Justine!" Bati sa akin ng nakangiti pa rin na si Rhelealyn. Ang haba ng pangalan niya! Nakangiti rin naman sa akin yung dalawang kasama niya.
"Hello! Sino sila?" Sabi ko bilang tugon kay Rhelealyn.
"Hi! I--I'm Ealrich. Ealrich Castro. And sh-he's Stella. We're both Rhelealyn's new friend." Sabi nung gwapong lalaking Ealrich ang pangalan sabay turo sa magandang babaeng kasama nila. Medyo nauutal pa siya. Na-excite siguro masyado o kaya ay kinabahan. Inilagay niya ang kanang kamay niya sa harap ko para makipagkamay. Agad ko namang tinugon ito bilang respeto.
Nanatili namang nakangiti sa akin si Stella kaya nginitian ko na rin ulit siya.
"Ahh. So, papasok na din ba kayo?" Pangbasag ko sa katahimikan dito sa amin ngayon.
"Yah!" Sabay na nakapagsalita sina Ealrich at Rhelealyn. Nagtawanan naman kami sandali at nagsalita na ulit si Rhelealyn.
"Hahaha. Yeah. Let's go!" Si Rhelealyn.
Nauna naman silang dalawa ni Ealrich naglakad. Tumabi sa akin si Stella. Bigla akong parang kinilabutan? Kinutuban? Anong nangyayari? Pang may mali.
After ng klase. Dumiretso na ako sa canteen.
"Justine!" Narinig kong may tumawag sa akin from somewhere. Inilibot ko ang mga mata ko. Wala naman. Wala sa harap, sa gilid, sa likod, wala.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pagkatapos kong mag-break ay lumabas na ako ng canteen. Dederetso sana ako sa comfort room nang biglang...
"Psst!"
"Justine!"
"Psst!"
Kinabahan ulit ako. I tried to look at my back, my left and right, at my front but still I can't see someone who's calling me. Walang nakatingin sa'kin. Walang nakatigil sa harap ko o kung saan malapit sa'kin. I can't see who's calling my name. Sinong tumatawag?
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.
Hinarap ko na lang ang daan patungong comfort room at tinungo iyon ng mabilis. Ilang hakbang lang ay nakarating na ako doon.
Habang nasa loob ako ng cubicle ay kinakabahan pa rin ako. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Sinong tumatawag sa akin? Guni-guni ko lang ba 'yon? Hindi eh. Hindi ko naman nararanasan yung gano'n.
Oh My God!
Is it my time?
Ito ba yung nararanasan ng mga kaibigan ko? Ito ba ang nararanasan nila Rafaella at Krixia? Ito din ba ang pinagdaanan nila bago sila mamatay?
*phone ringing*
Ikinagulat ko pa lalo ang ring ng cellphone ko. Tumatawag si Gel. Hindi ko siya nakita kanina sa room. Nasaan siya?
"Hello? Gel?" Sabi ko ng sinagot ko ang tawag niya.
"Hello Justine. Nasaan ka ngayon?" Bungad niya.
"Na-nandito. Sa school." Sabi ko sa kanya. Medyo napaisip pa ako kung sasabihin ko bang nandito ako ngayon sa cr.
"Ikaw ba? Nasaan ka? Bakit wala ka dito sa school? Bakit hindi ka pumasok?" Dagdag ko pa.
"I'm here. Sa school. Hindi lang ako pumasok kanina. Na-late kasi ako ng pasok. Nasa library ako ngayon. Papunta ng room natin sa next subject." Sabi ni Gel.
"Ahh. Okay. Bakit ka pala napatawag?" Tinanong ko na siya.
"Ahhm. Wala lang. Gusto ko lang malaman kung nasaan ka ngayon. Obviously kasi hindi rin kita nakita kanina at wala din ako sa bahay niyo kanina para sunduin ka. I'm sorry." Paliwanag niya. Okay lang naman sa'kin. Pero bakit siya nagso-sorry. He don't have to apologize.
"It's okay. Muntikan na rin naman akong ma-late. Buti lang mabilis akong ku--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Naputol yung pag-uusap namin. Ngayon ko lang na-realize. Nasa cr nga pala ako. Buti na lang at nagka-signal pa.
*Kliiiiiiiingg*
Tumunog na ang napakalakas at napakahabang bell. Time na para sa next subject.
Lumabas na ko ng comfort room at nakakailang hakbang pa lang ako ay nakarinig na naman ulit ako ng...
"Pssst!"
Napahinto ako sa paglalakad.
"Justine!"
Ngayon, sigurado na 'ko kung saan nanggagaling yung boses na kanina pang tumatawag sa akin. Unti-unti akong tumalikod para tingnan kung sino yung tumawag ng pangalan ko.
Umamba akong tatakbo na papalayo pero nahawakan niya na agad ang braso ko.
Sobrang lakas niya. Hindi ko na nagawang magpumiglas. May ini-spray siya sa ilong ko.
Alam kong hindi agad-agad ang epekto nito kaya kinagat ko ang braso niya at tunapakan ng napakalakas ang mga paa niya.
Tumakbo ako palabas ng university pero bago pa ako makalabas ng gate ay tumambad sa akin ang isang itim na van na nakabukas ang pinto sakay ang mga naka-itim na lalaking naka-mask. Agad akong umamba na tumakbo patungo ulit sa loob ng university pero pagtalikod ko ay isang spray ulit ang natamo ko.
Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
***
Hi Readers!
If you like this story, I would appreciate if you hit the vote button and feel free.
If you have any concern about my typos and this chapter, just leave a message here. Don't be shy. Hahaha ^_^
Thanks!•.•
BINABASA MO ANG
The Possessive Murderer
Mystery / Thriller"Hindi ko ho magagawa ang pumatay ng tao. Lalo na ho't kaibigan ko." -Justine Sevilla I am Justine, isang babaeng palakaibigan. Pero sa kabila nito ay ang pagkamatay ng mga nagiging kaibigan ko. Hindi ko alam kung sino ang pumapatay sa mga kaibigan...