Chapter 9
Dugo sa Ilalim ng Pinto
"Justine! Uyy! Gising na!" Nagising ako sa ingay ng boses ni Gel dito sa harap ko. Nakatulog pala ako. Iminulat ko na ang mga mata ko pero papungay-pungay pa din.
Inilibot ko ang mga mata ko. Kaming dalawa na lang pala dito sa classroom. Nagsialisan na yung classmates namin.
"Maleleyt na tayo sa next subject natin! Huyy! Bumangon ka na dyan! Pasalamat ka at hindi si Prof. Ex ang gumising sa'yo! Tumayo ka na dyan!" Kabingi ka Gel ha? Pero oo nga. Buti na lang at hindi yung prof. namin yung gumising sa'kin kundi patay ako dun. Pero, nakita ba niya kong nakatulog dito?
Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko. Lumabas na kami ni Gel ng classroom namin at dumiretso na sa next subject namin. Nakasalubong pa namin sina Ealrich at Stella kanina. Nginitian nila kami ni Gel. Hindi nila kasama si Rhelealyn.
Pagkatapos ng klase namin. Dumiretso kami ni Gel sa canteen. Kumain lang kami ng kumain.
"O Justine! Hinay-hinay lang. Mahina ang kalaban." Ani Gel. Sugod kasi ako ng sugod sa pagdakma ng mga pagkaing inorder namin. Wala kasi akong naintindihan sa subject namin kanina. Dinaan ko na lang sa pagkain.
"Eh sa gutom ako eh." Wika ko sa kanya. Wala siyang magagawa. Ito na nga lang ang pampalipas oras ko eh.
Umiling na lang siya pagkatapos no'n. Hindi na rin siya nagsalita. Buti na lang. Busy ako sa pagnguya.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko, may unfamiliar girl na lumapit sa amin ni Gel.
"Hi! Ahm. Can I have this seat?" Ani niya sa amin ni Gel nang nakangiti. May hitsura siya. Morena. May nunal sa bandang leeg. Nagpadagdag sa ganda niya ang nunal niya. Mahaba ang mga buhok niya. Medyo wavy pero bumagay sa kaniya.
Nagkatinginan muna kami ni Gel bago sumagot.
"Ahh Oh Sure!" Ani Gel. Nginitian niya ulit kami saka inilapag na ang pagkain niya sa table at umupo.
"Ako nga pala si Arianney. COED ako. 2nd Year." Aniya. Arianney pala ang pangalan niya. Palangiti talaga siya kasi ngumiti na naman siya sa amin.
"Hi! Justine. BSA, 1st Year." Sabi ko sa kanya bilang tugon. Well, she's not awkward to be with at all. I can freely have a deep breath. Haaaaay.
"And I'm Gel. We're classmates ni Justine." Simpleng pakilala sa sarili ni Gel. Well, syempre first meeting and, owkey.
Konting katahimikan ang naghari sa hapag kainan. Pero agad din itong nabasag ni Arianney.
"Ahhm. Nabalitaan niyo na ba yung tungkol sa Welcome Party natin?" Sabay ngiti ulit! Hayssst. But it's okay.
"Yep. Actually, bago sa 'min 'yan pero sasali pa rin kami." Sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya at tumango-tango na rin si Gel.
Nabalot ulit kami ng katahimikan. Mga kalahating oras pa ang itinagal namin doon. Pagkatapos kasi namin kumain ay nagpahinga pa kami at nag-advance study na din para sa susunod na subject namin.
"Ahh excuse me. Ahmm. Mauna na 'ko?" Sabi ni Arianney na nakangiti pa rin. Tumango na lang kami ni Gel.
"Ahhm sasabay na kami." Nagulat ako sa biglaang pagsingit ni Gel. Akala ko magpapaka pipi siya buong magdamag na magkakasama kami nina Arianney eh.
"Oh Great!" Masayang sabi ni Arianney. Naglakad na kami palabas ng kantina at dumiretso sa kanya-kanyang kwarto.
Agad akong umuwi pagkatapos ng klase. Nag-aya pa si Gel na gumimik muna kami bago umuwi dahil may na-meet daw siyang mga bagong ka-tropa niya. Pero hindi na talaga ako nagpapigil. Umuwi na ako. Okay lang sa akin na hindi niya ako ihatid pauwi sa bahay. I know I can handle myself naman. Naiwan sila ng mga bagong kaibigan niya doon sa university.
"Hello? Kuya?" Ako sa kausap ko.
"Opo. Papunta na po mam." Sabi naman niya. Medyo malalim ang boses niya.
"Okay. Thank you." Sagot ko sabay patay ng cellphone ko.
Nandito ako ngayon sa labas ng university. At kumakain ng DB1 kung tawagin sa Burger Shop nila. 'DB1' is just a short term of 'DMCCDCB' which is also the short term of Double Mad Cheese Coleslaw Dark Craver Burger. Ito inorder ko kasi alam kong 20 minutes pa naman bago dumating yung driver namin.
$79 ang presyo niyan dito sa labas ng Phantom Astute School of Collegers namin. Exclusive lang ito sa amin. Ang kaisa-isang branch ng 'The One and Only Burger Branch'.
Pagkatapos kong kainin 'yon ay naupo na lang ako sa bench. Maya-maya ay dumating na ang Family Driver namin lulan ng amin ding kotse.
"Ma'am sorry po medyo na-late ako ng dating." Pagpapaumanhin ng aming driver.
"Okay lang po. Hindi naman po ganoon katagal." Hindi naman kasi talaga ganoon katagal. At napunta naman ang buong atensyon ko sa pagkain.
"Salamat po ma'am." Nginitian at tinanguan ko na lang ang driver namin. Masyadong mabait si Kuya. Ilang taon na rin naming siyang Family Driver. Nakapagtapos na siya ng dalawang anak niya sa pagtatrabaho sa amin. At malaki na rin ang tiwala namin sa kanya.
Pagkadating namin sa bahay. Nakita ko sa sala si mama. Nagmano ako sa kanya at umakyat na sa kwarto ko sa taas.
Pag-akyat ko sa taas. Naglakad na ako papunta doon sa dulong kwarto. Nasa tapat pa lang ako ng pintuan ko ay tumambad na kaagad sa akin ang dumadaloy na dugo na nagmumula sa loob ng aking kwarto.
WHAT THE?!
WHAT'S THIS?!
WHERE IS THIS CAME FROM?!
WHAT'S INSIDE MY ROOM?!
WHAT?!!
BLOOOOOOOOOD?! ○.○
* * *
Hi Guys!
Sorry sa lame update guys. Ang dami ko kasing gustong ilagay na mangyayari sa story na 'to. Naguguluhan na 'ko. So better to suggest para mas madalian akong makapag decide sa mangyayari. TT
Just vote and comment down below if you have something to tell. Don't be shy. Please also follow me! Just go to my account and hit the 'follow' button. Thanks! Treat me as your friend and I'll treat you too. Feel freeeeeee! Lavyaaa♡
•.•
BINABASA MO ANG
The Possessive Murderer
Mystery / Thriller"Hindi ko ho magagawa ang pumatay ng tao. Lalo na ho't kaibigan ko." -Justine Sevilla I am Justine, isang babaeng palakaibigan. Pero sa kabila nito ay ang pagkamatay ng mga nagiging kaibigan ko. Hindi ko alam kung sino ang pumapatay sa mga kaibigan...