Chapter 2

681 137 31
                                    

Nathallia's P.O.V

"What are you doing here?" Inis kong salubong sa lalaking nakita ko, pagbabang pagbaba ko sa hagdan.

"Mom, ikaw ba ang nagpapasok sa kanya?" Pasigaw na tawag ko kay Mommy.

"Umayos ka Nathallia, nakakahiya ka! Bisita si Ian dito!" Sermon naman ni Mom.

"Kagigising mo lang, nagagalit ka agad brad, nakakapangit yan. Sige ka!" sabi naman ni Ian.

"Stop calling me brad. Mula nang saktan mo si Thea, hindi ka na namin kaibigan" inis kong sabi at inirapan pa sya.

"Nathallia" suway nanaman ni Mommy sa akin.

"So, ano ngang ginagawa mo dito?" inis kong tanong kay Ian.

"Hinahanap ko si Althea. Pinuntahan ko sya sa bahay nila, pero wala na palang nakatira" sagot naman ni Ian.

He is Thunder Ian Smith, Althea's ex boyfriend.

"Hanapan ba ako ng nawawala!" inis ko nanamang sabi.

"Nathallia! Umayos ka nga!" mahinang sabi ni Mommy.

Aish! Pasalamat sya nandito si Mommy! Kung wala lang si Mommy dito, baka pinadampot ko na sya sa mga tanod. Kaasar!

"Please Nath! Gusto ko syang makita" malungkot na sabi ni Ian.

Hah! Para saan? Pagkatapos nyang lokohin at saktan si Thea, babalik balik sya? Ang kapal naman ng mukha nya!

"At bakit? Pagkatapos ng ginawa mo, sa tingin mo tatanggapin ka pa nya? Sinaktan mo sya Ian! Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa" sabi ko habang nakataas ang isang kilay

"I love her" mahinang sabi nya.

Mahal? Kung mahal nya, hindi nya sasaktan si Thea. Kung mahal nya, hindi nya iiwan. Kung mahal nya, hindi sya titingin sa iba.

"Mahal? 'Yon ang pagmamahal sa'yo? Ang saktan sya ng sobra sobra? Kung ganon pala ang mahal, 'wag nalang magmahal!" inis kong sabi.

"Hindi mo ako naiintindihan Nathallia. Isa pa, kaakibat na ng pagmamahal ang masaktan" sabi nya.

Hah! Hindi ko pa raw naiintindihan! Ang kapal naman talaga ng mukha!

Magsasalita na naman sana ako, pero... nakita ko ang paparating na si Althea.

Althea's P.O.V

Papunta ako ngayon sa bahay nina Nathallia. Nakalimutan ko kasi kahapon ang wallet ko sa bahay nila.

Hindi ko na isinabay si Caliyah, dahil tinatamad pa raw sya at susunod na lang.

"Natha..." napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang kasama nya...

Thunder? Ano namang ginagawa nya dito? Ang kapal talaga ng mukha nya. Talagang nagpakita pa! Hah!

"Althea! I miss..." Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya, at sinabing "What are you doing here?" at tinaasan ko pa sya ng kilay.

"Hinahanap kita kay Nathallia, pero sadyang napaka ganda ng timing mo. I miss you so much Zein." Paliwanag nya.

"May kailangan ka?" Cold na pagtatanong ko sakanya.

Ayokong ipakita ang tunay na emosyon ko, ang tunay na nararamdaman ko. Natatakot ako! Ayokong mag mukha nanamang Tanga sa harapan nya!

The Person You Love Will Never Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon