Nathallia's P.O.V
Napanganga talaga kaming apat sa naging usapan nina Ian at Althea. Palipat lipat lang ang tingin namin sa kanilang dalawa habang nagsasagutan sila, ni hindi nga ata kami kumurap ni Caliyah dahil baka magkasakitan na sila ng pisikalan. Mabuti nalang at itinigil na ni Thea.
Nagyaya naman sina Joseph na pumuntang Amusement Park. Go naman kami, lalo pa't ito palang ang first bonding namin with the boys, wala rin naman kaming gagawin sa bahay ngayong araw.
Pagdating namin sa Amusement Park ay Drop Tower ang una naming pinilahan. Kahit pa napakahaba ng pila ay sulit naman, nakaka enjoy naman kasi talaga ang rides na 'to.
"Uhm Sure na ba kayo dito? DROP TOWER?" tanong ni Ian na halatang kinakabahan.
"Oo naman bro! Bakit? May problema ba?" Tanong ni Justin, habang natatawa. Namumula na kasi itong si Ian.
"W-wala naman" utal utal na sabi naman ni Ian.
Oo nga pala. Naalala ko, takot nga pala sa heights si Ian. Si Althea lang noon ang nakaka pilit sakanya na pumunta sa matataas na lugar. Adventurous naman kasing tao itong si Althea. Gustong gusto nya ang mga challenge sa buhay.
Naiimagine ko na tuloy ang magiging itsura ni Ian mamaya. Huwag lang sana syang maiihi sa kaba. Pfft!
Malakas na hiyawan at sigawan ang narinig ko nang magsimulang umandar ang Drop Tower na sinasakyan namin. Napapatili na rin ako at napapa pikit, lalo na kapag pababa ang Drop Tower. Parang naiiwan ang puso ko sa itaas. Grabe!
Nang matapos sa Drop Tower ay kanya kanyang side comment ang narinig ko mula sa mga kaibigan ko.
"Grabe! Ang saya!" parang batang sabi ni Justin. Akala mo first time eh.
"Tss! Childish!" pang a-asar naman ni Caliyah sakanya, sabay irap pa.
"Parang gusto ko na ata ang Drop Tower," nakangising sabi naman ni Ian, habang naka tingin ng makahulugan kay Althea. Nakita ko pa na kinindatan nya ito.
Si Althea naman, mahahalata mo sa mukha nya ang pagka balisa at pagka inis. Namumula pa nga ang mukha niya eh. Hindi ko alam kung kinikilg ba sya, nahihiya, o naiinis. Pfft!
Mhhhm! Fishy! Ano naman kaya ang nangyari sa dalawang 'to? Bakit ganyan sila maka react?
"Bakit naman? Akala ko ba takot ka sa heights?" pag uusisa ko.
"That... Uhm Secret!" Sabi ni Thunder sabay kindat ulit kay Althea. Inirapan naman sya ni Thea bilang sagot.
Cute! But weird. Ano kayang dahilan at nagkakaganyan silang dalawa?
Sunod naming sinakyan ang Rio Grande. Sobrang haba din ng pila dito, napakarami kasing tao. Mabuti na nga lang at walang masyadong nakakapansin kay Joseph.
Tawa kami ng tawa habang umiikot at umaandar ang sinasakyan namin, lalo na kapag nababasa ang isa sa amin. Masama naman ang tingin ni Althea, dahil kanina pa namin sya tinatawanan. Sya kasi ang puntirya ng tubig mula kanina. Basang basa na tuloy ang gaga.
Pagkatapos ng ride ay nagpatuyo muna kami sa heater at kinuha din ang picture namin na kuha nila kanina habang nakasakay kami sa isang circular rafts. Ang cute nga namin sa Picture, mahahalata mo ang saya sa mga mukha namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/145595380-288-k272066.jpg)
BINABASA MO ANG
The Person You Love Will Never Be Yours
RomansaIt all started with 𝑇ℎ𝑒 𝑃𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛 𝑌𝑜𝑢 𝐿𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑛𝑒𝑣𝑒𝑟 𝑏𝑒 𝑦𝑜𝑢𝑟𝑠, and apparently ended with 𝑇ℎ𝑒 𝑃𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛 𝐼 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑖𝑠 𝑀𝑖𝑛𝑒. What do you think will happen if your idol notices you? May pag asa nga kayang maging...