Chapter 34

434 62 1
                                    

Nathallia's P.O.V

Pumunta ako sa bahay ni Joseph at hinanap sya, pero wala sya don. Tinext at tinawagan ko sya, pero walang ni isang sagot. Busy. Unattended.

"Nasaan ka na ba Joseph?" bulong ko sa hangin.

Hinanap ko sya sa kung saan saan, sa mga lugar na pinupuntahan nya, sa mga lugar na tinatambayan naming barkada, pero wala. Wala sya. Nagtanong tanong din ako, pero hindi daw sya napadaan sa mga yon. Nasaan kaya sya?

Sinubukan ko ring tawagan ang mga kakilala kong kaibigan at kamag anak ni Joseph, pero wala. Hindi raw napadaan si Joseph sa kanila at lalong wala sya don.

Malungkot akong pumunta sa park kung saan nakita ni Joey si Joseph.
Umupo rin ako sa isa sa mga bench dito upang saglit na nagpahinga. Hindi ko na alam kung saan ko sya hahanapin. Pero hindi ako susuko.

Habang palinga linga ako sa Park...
I saw Athena with Joseph. Nag uusap silang dalawa. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don. Dito ko lang pala sya makikita. Lumapit naman ako nang kaunti sa pwesto nila, para marinig ang pinag uusapan nila.

"I'm pregnant Joseph!" sabi ni Athena sakanya.

"And so? Sasabihin mo na ako ang ama? Alam kong hindi ako, okay? Alam ko na lahat ng ginawa mo!" inis na sigaw ni Joseph sa kanya. Paalis na sana si Joseph pero biglang sumigaw si Athena, dahilan para matigilan sya.

"Oo hindi ikaw! Yung pinsan mo. Yung pinsan mo ang ama ng dinadala ko! S-si Ian... s-sya ang ama. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya. Hindi namin ginustong magkaganito. Tulungan mo ako, please" sigaw ni Athena pabalik.

"S-si I-Ian? No! Hindi nya magagawa yon! Wag ka ngang gagawa ng kalokohan jan!" inis pang sigaw ni Joseph.

"Pero yun ang totoo!" sigaw ulit ni Athena.

"No! Hindi magagawa ni Ian kay Althea to! Mahal na mahal nya si Althea" sabi pa ni Joseph

"Hindi ko kayang alagaan mag isa itong bata Joseph... maawa ka naman. Kung hindi mapapanagutan ito ay ipalalaglag ko nalang," sabi nya dahilan para tignan sya ng masama ni Joseph.

"Anak mo yan Athena. Wala ka na ba talagang kwentang tao? Pati bata kaya mong patayin? Sarili mong anak? Ano hanggang pasarap ka lang? Umayos ka nga!" sigaw ni Joseph sa kanya. "Kakausapin ko si Ian, pero hindi pa rin ako maniniwala hangga't hindi ko naririnig sakanya ang katotohanan" sabi pa nya at tinalikuran na si Athena. Tinatawag ni Athena ang pangalan nya pero hindi na ito lumingon man lang. Dire-diretso lamang sya sa paglalakad.

Dali dali ko naman syang hinabol.
Alam kong wrong timing ako pero...
It's now or never! Baka pagsisihan ko kung hindi ko pa sya kakausapin ngayon. Baka maging huli na ang lahat.

"Joseph!" tawag ko sa kanya.

Napalingon naman sya sa direksyon ko dahil don. Tinignan nya lamang ako sandali, pero agad ding tinalikuran. Aalis na sana sya at tutuloy sa paglalakad, pero hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya.

"Joseph... I'm Sorry! I'm really really sorry. Oo galit ako sayo noon. Nagalit ako. Sorry! Sinaktan mo ako eh! Sobra sobra! Sobrang sakit kasi akala ko sinadya mo talaga yon. Pero hindi! Wala ka din palang alam sa mga nangyayari, tulad ko. Sorry kung hindi ako nakinig sayo. Sorry kung iniwan kita na hindi man lang nalalaman ang side mo. Nilamon lang ako ng galit. Pero swear hindi ko sinasadya lahat lahat ng ginawa kong mali! I admit na may pagkakamali rin ako that's why I'm here. I'm really really sorry! Mahal kita Joseph... Mahal na mahal! Sorry talaga. Sana mapatawad mo pa ako. Sana pwede pa tayong bumalik sa dati. Sana..." sabi ko, kasabay non ang paguunahang tumulo ng mga luha mula sa mga mata ko.

"Mahal na mahal kita Joseph! Kasi kahit sobrang sakit... Sayo pa din tumitibok yung puso ko... Ang corny ko! Tss. P-pero kung ayaw mo na... tatanggapin ko. Basta magiging mag kaibigan pa rin tayo. Malay mo we're better friends than lover pala" dagdag ko pa.

"Shh!" sabi nya sa akin.
"Ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo... ako ang may kasalanan. Ako ang may mali. Hindi ikaw. Kaya huwag mong iisipin yan. Dapat una palang mas pinili na kitang ipaglaban, hindi yung career ko. Dapat noong una pa lang... I'm sorry Nath! I'm really am! I love you. Mahal na mahal kita Nathallia, hindi magbabago yon" dagdag pa nya.

Then He cupped my face and kiss my lips... A passionate Kiss!

Shit! I miss him!

Sobrang saya ko ngayon! No word can describe how I feel. So much Happiness! Sobrang overwhelm yung puso ko. Ang saya ko! Sobra!

How I wish... I can stop the time and stay like this forever, with Joseph.
With My Joseph.

I stopped the kiss, then I looked at his eyes... Umiiyak na din sya tulad ko.

He wiped out my tears using his thumb, then he wiped his.

Bigla ko naman syang niyakap ng mahigpit. Hindi ko ma ipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon! Sobrang saya ko! Daig ko pa nanalo sa lotto!

"I love you!" Sabi nya then he kissed my forehead.

"I love you more!" Sagot ko naman.

Inihiga ko nalamang ang ulo ko sa mga binti nya at ipinikit ang mga mata. Nakakapagod ang araw na'to. Pero sulit naman!

"Watching the stars with you is the best!" Sabi ko kay Joseph.

Nandito pa rin kami sa park, nakaupo sa grass at nakatingin sa langit.

"Right," sabi naman ni Joseph.

Pero nang mapatingin ako sakanya ay hindi naman sya nakatingin sa mga bituin. Sa akin sya nakatingin.

"But watching my one and only star is the best" dagdag pa nya dahilan para mamula ang pisnge ko.

"The moon is beautiful, isn't it?" biglang sabi nya out of nowhere.

"Huh?" nagtatakang tanong ko. Hindi naman kasi ganon kaganda ang moon ngayon. Half moon sya actually.

"Narinig ko kasi dun sa drama ni Lee Jong Suk na Romance is a bonus book 'yon" sagot nya.

"Nanonood ka pala ng mga Korean Drama?" Gulat kong tanong.

"Sus! Patay na patay kaya si Mom dun sa koreanong yon!" Sagot naman ni Joseph.

"Pero sabi nga ni Lee Jong Suk, pag sinabi nya yung "The Moon is Beautiful, isn't it?" ibig sabihin non 'I Love You' kaya... Nath... The moon is beautiful, isn't it?" Sabi pa ni Joseph. "I love you Nathallia. I will always do. At kahit ipagtabuyan mo ako at takbuhan palayo... I will chase you, tulad ng paghabol ng buwan sa araw, hanggang sa dumating ang eclipse at magkita silang muli" dagdag pa nya.

"Hindi ka talaga makapagsalita na hindi ako pinapakilig no! I love you more. Hinding hindi kita tatakbuhan. Hindi mo ako kailangang habulin, kasi nandito lang ako" sabi ko naman, sabay turo sa puso nya "Hindi ako mawawala dito. I love you!" dagdag ko pa.

My breath caught as Joseph stepped towards me. Our eyes locked and I lost myself in his mesmerizing gaze. Then he pulls me into a sweeping kiss. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Para itong nakikipagkarera sa sobrang bilis. 

I press my whole body into Joseph. We kissed like there's no tomorrow.
Walang gustong bumitaw, hanggang sa maging malalim na ang paghahalikan namin. Pero maya maya lang ay inilayo nya ang labi nya sa akin at idinikit ang noo nya sa noo ko, habang sabay kaming naghabol ng hininga.

"I won't go that far" sabi nya pa. Then I smiled.

Ang laki talaga ng respeto sa akin ng lalaking 'to.

The Person You Love Will Never Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon