Caliyah's P.O.V
One week! One week na naming hindi nakakausap si Nathallia. Palagi syang naka kulong sa kwarto nya at lalabas lang kung kakain sya.
And worst... One week na syang hindi pumapasok sa school.Alalang alala na kami sakanya. Lalo na ang parents nya. Pero ano nga bang magagawa namin? Pinili nya yan! Pinili nyang magkulong sa kwarto nya nang dahil lang sa love na yan! Kahit anong pag tawag at pag pilit namin sakanya, hindi nya kami pinapansin.
Love is really a bullshit! There's no such thing as love in this fallen world.
Once ko nang nakita 'to, kay Althea noon. Same reason... LOVE!
Nagka boyfriend din naman ako noon, pero hindi katulad ng sakanila na seryosohon at binibigay lahat. Sila kasi ay masyado kung magmahal, masyado kung mag bigay. Kaya grabe din kung masaktan. Hays!
And I hate it! I hate seeing someone na umiiyak nang dahil lang sa bwisit na love na yan. Nang dahil sa mga lalaking hindi kayang panindigan ang salitang yan. At mas lalong ayaw kong nakikitang nagkaka ganyan ang mga kaibigan ko! Naiinis ako! They're too precious para saktan lang ng mga lalaking walang paninindigan!
Nandito kaming apat, sa sala ng bahay nina Nathallia ngayon. Si Ian, Justin at Althea ang kasama ko. Nagbabaka sakaling babaan kami ni Nathallia, kahit sandali lang. Ilang araw na kaming laging tumatambay dito, pero never talaga syang bumaba para kausapin kami. Malungkot ang mga mata nya at walang ibang pinapansin sa tuwing lumalabas sya para kumain.
Laking gulat naman naming lahat ng biglang bumaba si Nathallia na halatang bagong gising.
"Hey guys! Where's Mom?" Bati pa nya.
Shit! Nathallia is back!
Hindi ko maiwasang 'di mapangiti, dahil kinausap na nya kami. And this time, hindi na ganon ang mata nya. Malungkot pa rin pero hindi na tulad ng dati na parang patay.
"Oh my goshh!" React ni Thea.
"Uy! Welcome back Nathallia!" Masayang bati nung unggoy, I mean ni Justin.
Si Nathallia naman, nakataas lang ang isang kilay. Takang taka siguro sa inasta ng dalawang abno.
"Nasa mall ang mommy mo Iyah, kasama si Joey!" Sabi ko nalang
"Where's Dad?" Tanong pa ni Nathallia
"Office" simpleng sagot ko.
"Mhhm! I see!" Sabi naman nya
Si Ian naman ay busy sa paghahanap ng channel. Naka kunot ang noo nya dahil walang mahanap na gustong palabas.
"Channel 25!" Suggest ni Nathallia.
"SPONGEBOB!" sabay naming sabi ni Justin nang mailipat na ni Ian ang channel.
"Gaya gaya talaga!" Bulong ko.
Nakikigaya kasi ng favorite 'tong unggoy na 'to eh. Panay spongebob. Mas kamukha naman si Patrick Star. Kautak pa. Tsk!
Masaya kaming nanood ng Spongebob... I mean, kaming dalawa lang pala ni Justin. Dahil si Nathallia at Ian, busy lang na nakatutok sa mga cellphone nila. Si Althea naman nilalantakan yung potato chips nya. Tss! Ang cute kaya ni Spongebob! Bakit ba ayaw nila?
"Movie Marathon nalang tayo" pag a-aya ni Ian.
"Sige. Patapos na rin naman yang pinapanood nila" sabi naman ni Nath.
Umalis naman saglit sina Ian at Thea para bumili ng snacks, drinks at popcorn. Nagpabili rin si Nath ng bagong DVD kung meron silang mabibili.
Pagkarating nina Ian at Thea ay tatlong plastic ang buhat buhat nila. Napatampal nalang ako sa sariling noo, dahil don. Mauubos kaya namin 'to? Sabagay. Si Thea pa lang, baka pang isang plastic na.
Romance ang genre ng pinapanood namin ngayon kaya kilig na kilig kaming tatlo nina Nath at Thea. Ang gwapo pa naman ng leading Man. Wahhh! Too good to be true sya. Sya yung tipo ng mga lalaking pinapangarap ng mga babae. Kumbaga perfect. Kaso sa palabas lang yon. Walang ganon sa real life.
"Ang gwapo talaga ni Rex! Ang hot pa!" sigaw ni Thea, nang pinakitang muli sa TV si Rex, ang leading man ng palabas.
"Tss. Mas gwapo pa naman ako jan" inis na sabi ni Ian.
"Ikaw? Ang layo! Talampakan ka nga lang ni Rex duh" pang aasar naman ni Thea.
"Patayin ko yang TV eh" inis pang sabi ni Ian.
"Joke lang. Sabi ko nga gwapo ka eh. Pero mas gwapo pa rin si Rex" sabi pa ni Thea, dumila pa sya para lalong maasar si Ian. Pfft!
Kinabukasan, sumabay ng pumasok sa school si Nathallia sa amin. Nakakatuwa, sana nga ay tuloy tuloy na.
Sana okay na talaga sya!
Sana lang... Maka move on na talaga sya.
I'm really glad na bumalik na si Nathallia. Sana lang magtuloy tuloy na talaga.
Nathallia's P.O.V
Pinag isipan ko talaga ng maigi ang alok ni Dad na mag aral ako sa America, at the same time tumulong sa company...
And I think handa na ako. I'm ready to move on and move forward sa buhay na wala na si Joseph. Tss!Psh! Ang gulo gulo na ng kwarto ko. Pinagtatanggal ko kasi ang mga posters and pictures ni Joseph, kailangan na tuloy nito nang bagong pintura. Sasabihan ko nga si Mommy.
Maya maya'y pumunta ako sa tapat ng pintuan ng kwarto nina Mommy at Daddy. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto, at matapos ang ilang katok ay binuksan ko na ito at tuloy tuloy na pumasok papunta sa office ni Dad, alam ko kasing nandito lang silang dalawa kapag wala sa company or sa labas.
"Mom! Dad! Sasama na po ako sa America" Sabi ko.
"Are you sure Iyah?" Nag aalalang tanong ni Mom.
"Yes Mom! I am" Sagot ko na ikinatuwa nila, lalo na ni Daddy.
Gusto talaga nila akong pumunta sa America noon pa, para mas maintindihan ko raw ang business namin. Maganda din daw ang quality of education don pagdating sa business course ko. Nagdadalawang isip lang naman ako dati, dahil sa mga maiiwan ko dito sa Pilipinas. Pero ngayon, kailangan kong makalimot. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. Babalik naman ako.
Nathallia:
Guys! Pwede ba
kayong pumunta
sa bahay? May
sasabihin lang
akong importante!
I texted Althea and Caliyah as soon as pumayag ako sa balak nina Mom at Dad.Dali dali naman silang pumunta sa bahay at isinama pa sina Jus at Ian.
"Sure ka na ba jan?" Malungkot na tanong ni Althea.
"Sure na sure na ako Althea" Sagot ko naman.
"Then... Sige! Support nalang kami sa decision mo. Basta ba ikabubuti mo yon" Sabi naman ni Caliyah, tapos ay niyakap nya ako ng mahigpit. Sumama namang nakiyakap si Althea at sumunod ang mga boys.
Aystt! Ma mi-miss ko 'tong mga abnoy kong mga kaibigan na 'to.
Ma mi-miss ko mga ka abnoyan nila.
"Sure na talaga yon? Kailangan mo ba talagang umalis?" Pahabol na tanong pa ni Thea.
"Babalik naman ako eh. I really need this Thea" sabi ko nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/145595380-288-k272066.jpg)
BINABASA MO ANG
The Person You Love Will Never Be Yours
RomanceIt all started with 𝑇ℎ𝑒 𝑃𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛 𝑌𝑜𝑢 𝐿𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑛𝑒𝑣𝑒𝑟 𝑏𝑒 𝑦𝑜𝑢𝑟𝑠, and apparently ended with 𝑇ℎ𝑒 𝑃𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛 𝐼 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑖𝑠 𝑀𝑖𝑛𝑒. What do you think will happen if your idol notices you? May pag asa nga kayang maging...