Chapter 25

434 61 1
                                    

Nathallia's P.O.V

Nagtiwala ako sa kanya. Ang laki ng tiwala ko sakanya. Pero bakit sya nagkakaganito? Bakit nya nagawa 'to? Tiniis ko lahat! Tiniis ko ang ilang buwan nyang pag iwas sa akin. Tiniis ko ang ilang buwang hindi kami nag uusap, ang ilang buwang parang walang kami.

Pero... Yung ganito na, hindi ko na kaya. Sobra na! Ang sakit na! Ang sakit sakit na! Magmumukha na akong tanga at desperada kung pagbibigyan ko pa. Mahal ko sya, oo. Mahal na mahal ko sya. Pero mahal ko rin naman ang sarili ko. Hindi ko na kaya! Sukong suko na ako.

Hah! Susurpresahin ko sana sya ngayong Anniversary namin. Oo, One year na kami. Ang haba rin ng tinagal namin, pero mas mahaba pa yung mga araw na parang hindi naman talaga kami, yung hindi kami nagkikita o nag uusap man lang.

Pagbukas ko sa kwarto nya, imbes na sya ang surpresahin ko, ako ang na surpresa. Ang galing!
Tumambad sa akin ang hubo't hubad na katawan nina Joseph at Athena habang magkayakap sa kama. Wow! Just wow!

Para akong sinasaksak ng paulit ulit dahil sa nakita ko. Gustong gusto kong magwala. Gustong gusto kong pagsisipain silang dalawa. Gusto ko silang sigawan. Gusto ko silang sumbatan. Gusto ko silang murahin. Gusto ko silang saktan na tulad ng sakit na nararamdaman ko. Pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Bigla nalamang nagsipag-unahang lumabas ang mga luha mula sa mga mata ko.

Ang sakit! Ang sakit sakit! Sana... Sana nakipagbreak nalang si Joseph sa akin for good. Sana sinabi nalang nya na hindi na nya ako mahal at mahal na nya si Athena. Sana hindi nalang nya sinabi na dahil lang 'to sa Manager nya. Kasi ang sakit sakit! Nagmukha lang akong tanga.

Siguro kung yun yung sinabi nya, hindi ganito kasakit. Matatanggap ko pa. Baka pinalaya at pinaubaya ko pa sya.

Kasi ngayon... sobrang sakit na! Ang sakit sakit! Hindi ko na nga alam kung kakayanin ko pa. Para akong pinapatay ng paulit ulit sa sobrang sakit. Parang lalo nilang pinamukha sa akin na... hindi talaga kami bagay ng isang Joseph Holder... Na wala talagang pag asa yung "kami." Na I'm just nothing, I'm just a fan.

Saan ba ako nagkulang? Nagkulang ba ako? Anong pagkukulang ko? May ginawa ba akong mali? Kasalanan ko ba? Ano? May mali ba sa'kin? Bakit nya nagawa sa akin 'to? Bakit nya ako niloko? Anong meron sa babaeng yon? Hindi ko ba maibigay yung needs nya, bilang lalaki, kaya hinanap nya sa iba? T*ngina! Ano? Bakit?

Dali dali akong tumakbo palabas ng bahay ni Joseph at sumakay sa unang taxi na nakita ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta gusto ko munang umalis at pumunta sa malayo. Kahit saan basta malayo. I don't wanna go home, maaalala ko lang sya don.

"Miss okay ka lang ba?" biglang tanong nung lalaki sa tabi ko.

"Mukha ba akong okay?" inis kong tanong.

"Sorry," sabi nya. "Zyne nga pala," dagdag pa nya.

Tinignan ko lang sya na parang wala akong pakealam. Bakit naman kasi sa lahat ng pwede kong mapasukang Taxi, yung may nauna pa. Tss! Hindi talaga magandang pumasok sa taxi na may nauna ng nakasakay. Parang relasyon lang yan. Hindi na dapat pinagpilitan ni Athena na ipasok ang sarili nya, dahil ako ang nauna.

"You're the perfect one para sa project! Mukha kang broken. Love life yan no?" masayang sabi nung Zyne, na hindi ko naman alam kung sino ang kausap. Ako ba? Tss! Project project? Mukha ba kong props? Kainis! At parang masaya pa sya na mukha akong broken ah.

"Sir sa Lie Industry nalang po pala kami," biglang sabi nung Zyne sa driver.

Lie Industry? Yun yung pinaka head Industry ng Dip Industry, kung saan nag ta-trabaho si Joseph.

Ibig sabihin... artista ng Lie Industry si Zyne?

"Artista ka ng Lie Industry?" gulat kong tanong sa kanya.

"Sawakas pinansin mo na rin ako.
Yup, artista ako ng Lie," sagot nya.

"So... kilala mo si... nevermind!" mahinang sabi ko.

"Alam kong boyfriend mo si Joseph, alam ko rin na hindi kayo pwede. Hindi kayo gusto ng mga fans at hindi papayag ang manager nya. Sa pagkakakilala ko kay Joseph, he don't want to lose his career" sabi nya naman, dahilan para mapalingon ako sakanya.

"Who are you?" I asked.

"I'm Zyne," sabi nya naman. "I want to offer you to be my partner in one of our projects. Gusto mo bang maging artista ng Lie industry?" dagdag tanong pa nya.

Natigilan ako. Kapag naging artista na ako, mapapatunayan ko kay Joseph na nagkamali sya... nagkamali syang ipagpalit ako. Gusto kong patunayan na walang mali sa sarili ko. Gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi ako nagkulang, na wala akong kasalanan! Gusto kong ipamukha sakanya na mas better ako sa ipinalit nya. Gusto ko syang magsisi. Sabi nga nila, "The greatest revenge is being successful"
I wanna grab this opportunity!

"Sino ka ba? Bakit mo ako tinutulungan?" yanong ko.

"My name is Zyne Lee, nanay ko ang may ari ng Lie Industry at kaibigan ng Mom ko ang Dad mo. Actually they are bestfriend... nung nakita ka ni Mom nakakita daw sya ng potential sayo. May bago kaming palabas ngayon, okay na sana pero nagka sakit yung leading lady, then naisip ka namin ni Mom" paliwanag nya.

"So ano? Tinatanggap mo ba ang offer ko?" tanong pa nya.

"Yes. Tinatanggap ko," sabi ko sakanya.

"Good. Nice decision Nathallia!" masayang sabi nya.

Dinala kami ng Taxi sa Lie industry at ipinakilala ako ni Zyne sa mga staff don. May pinirmahan din akong kontrata at may ibinigay silang sched.

Pagkatapos kong gawin ang mga ginagawa sa Lie Industry ay dumiretso ako sa Parlor. Nagpa manicure at pedicure ako at nag relax habang kinukulot ang bandang ibaba ng buhok ko. Ang sarap lang mag relax. Kahit papaano nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Pagkatapos ko sa Parlor ay dumiretso ako sa mall para mag shopping. Nang medyo pagod na ako kakabili ay nagpa massage naman ako. Nakakarelax grabe.

Nang matapos ako ay nagpasundo ako sa driver ni Daddy, ayoko ng nag commute sa dami ng dinadala ko. Wala pa naman daw pupuntahan si Daddy kaya free yung driver. Buti naman.

Tama nga sila. Kailangan mo lang i distract ang sarili mo sa mga bagay na makakapagpasaya sa'yo, para kahit papano mabawasan ang sakit na dinadala mo.

The Person You Love Will Never Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon