Chapter 9

519 106 2
                                    

Althea's P.O.V

Nang matapos ang mga Movie, naglabas na ng wine, softdrinks at snacks ang mga boys.

Hindi ako umiinom ng alak, so hanggang softdrinks at pulutan lang ako. Ako rin ang magiging saksi ng mga kalokohang gagawin nila mamaya. I'm so excited! I will ready my camera, para may ebidensya ako sa mga kalokohang gagawin nila. Pfft! Lagot kayo bukas. Masaya to!

"Truth or Dare tayo?" pag aaya ni Caliyah.

"Game!" halos sabay sabay naming sabi.

Nagpa ikot kami ng pwesto habang nasa gitna naman namin ang bote na pinaikot ni Caliyah, na unang humarap kay Joseph.

Habang umiikot ang bote sa gitna ay umiikot din ang tagay na saktong nakay Joseph, kaya ininom muna nya ito at saka sinabing "Dare!"

"Pakiligin mo si Nathallia sa harapan namin! Kailangan mamula sya at Hindi ka pwedeng magsalita!" Dare ni Justin kay Joseph.

Ni ready ko na ang camera ko, dahil vi-videohan ko pa ang gagawin ni Joseph para mapakilig si Nathallia.

Bigla namang hinalikan ni Joseph si Nathallia sa pisngi, pero hindi pa rin namumula si Nathallia, obvious naman na pinipigilan nya. If I know nauutot na yan sa sobrang pagpipigil. Pfft!

Hinalikan ni Joseph si Nath sa noo... tapos sa ilong... Tapos sa baba... Tapos sa lips...

Oh my Gosh! Pulang pula si Nathallia, nanlalaki pa ang mga mata nya. Si Joseph ang first kiss nya! Dream come true to sakanya! I should congratulate her tomorrow.

Parang kailan lang, kapag nanonood sya ng mga live concert ni Joseph palagi nyang sinisigaw na...
"Kahit anakan mo lang ako Joseph! Wahh!"
"Basta i kiss lang ako ni Joseph. Magtatatalon ako sa tuwa! Wahhh"

Maya maya ay pinaikot ni Joseph ang bote at tumapat ito sa akin.

"Truth or Dare?"

"Truth" sagot ko.

"Ay Kj! Dare ka dali!" Sabi naman ni Caliyah.

"Nah! Alam ko namang papainumin mo lang ako so... Truth" sabi ko naman.

"Mahal mo pa rin ba si Ian?" Tanong nya, dahilan para matigilan ako. I'm speechless, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Sabi ko naman sayo dare na eh" pag iiba ko sa usapan.

"Oyy! Sumagot ka nga! Ang daya mo eh!" Inis na sabi ni Nath.

"Slight" simpleng sagot ko, dahilan para tignan nila ako nang masama.

What? Anong ginawa ko? Tss!

"Anong slight!" inis na sabi ni Caliyah.

"Mahal? Hindi ko alam eh. Basta mahal ko kayong lahat" sabi ko naman.

"Naku! Play safe" pang aasar pa ni Caliyah.

Pinaikot ko na ang bote at tumapat ito kay Nathallia. Pasimple akong nagdiriwang habang napapansin kong kinakabahan na sya.

"Truth or Dare?" Tanong ko.

"Tru... Dare" nagdadalawang isip na sabi nya, dahilan para matawa kami. Halatang kinakabahan ang gaga.

"Moan a song challenge" sabi ko.

Nagtawanan naman ang mga kasama namin, isang masamang tingin naman ang isinagot ni Nathallia sa'kin.

'Nang dahil sa pag ibig' ang kinanta nya. Tawa kami ng tawa habang pilit syang kumakanta pero moan. Pfft! Laugh trip. Halatang pilit.

Nakailang ikot na ang tagay at ang bote, panay na rin ang pagsagot ng Truth or Dare. Maya maya pa ay nagka tama na ang apat maliban kay Thunder, malakas sa inuman 'to eh! Madalas kasi sa bar dati. Tss. Si Justin at Caliyah naman halatang sobrang lasing na.

The Person You Love Will Never Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon