Ian's P.O.V
Nasa mall ako ngayon kasama si Althea. Dapat masaya kaming mag de-date ngayon, pero hindi kami makapag saya.
Sobrang nakakalungkot ang nangyayari sa mga kaibigan namin.I explained everything to her. Lahat ng napag usapan namin nina Joseph, kaya sobrang nalulungkot sya. Shipper kasi talaga si Thea ng love team nina Joseph at Nathallia.
"What can we do para magkaayos sila? Sayang naman yung pinagsamahan nila kung hindi sila magiging ok" sabi ni Zein habang inaalog alog ang braso ko.
"Pero wala naman tayong magagawa kung ayaw kausapin ni Nath si Joseph. Galit na galit sya, at hindi naman natin sya masisisi. Kita naman sa expression nya diba. Ngayon ko lang sya nakitang ganon" sabi ko naman.
"I- blind date kaya natin sila?" Suggest ko.
"Pwede... Pero paano?" tanong ni Zein.
Althea's P.O.V
"Iyah! Manonood kami ni Caliyah ng Movie nyo... sama ka tara" pag aaya ko kay Nathallia.
Nandito kami sa bahay nina Nathallia ngayon, pilit namin syang niyayayang lumabas, pero pagod daw ang gaga.
"Napanood ko na naman yon nung Premier Night, kayo nalang." simpleng sagot nya.
"Ihhh dali na! Parang girls date na din natin diba!" pangungulit ko pa.
"Fine!" pagpayag nya.
Yes! Tuloy ang plano. Wahhh! Na e-excite ako! Sana magkausap na silang dalawa. Sana maging ok na sila. Sana talaga...
Ian's P.O.V
"Panoorin natin yung Movie ni Nath, Tara!" pag aaya ko kina Justin at Joseph.
"G*go! Makikita ko lang syang pa sweet sweet dun sa lalaking yon. Ayoko!" pagtanggi ni Joseph.
"Akala ko ba gusto mong bumawi? Simpleng pag suporta sa kanya hindi mo magawa?" pangongonsensya ko.
"Fine! Let's go!" pagsuko nya.
Ayos!
By number ang seats ng sinehan dito kaya naman nang mai text ni Althea ang number ng upuan ni Nath ay yung bakanteng upuan na katabi non ang pina reserve ko para kay Joseph. Medyo malayo yung seats naming apat sakanila, pero abot tanaw pa din naman namin sila.
Pumayag naman yung nagbibigay ng ticket sa plano namin kaya magiging maayos to panigurado, kung walang hahadlang.
Maya maya lang ay tinext ko na si Zein na nandito na kami at pinag handa ko na siya.
Nathallia's P.O.V
"Nath sorry, magkalayo yung seat na binigay nung cashier" paliwanag ni Thea.
"Sus! Sinama sama nyo pa ako, hindi ko naman pala kayo makakasama. Pagsosolohin nyo lang din pala ako" reklamo ko.
"Sorry talaga!" sabi pa ni Althea at umupo na sila sa pwesto nila, na ilang bangko lang ang pagitan mula sa pwesto ko.
Dapat hindi na lang talaga ako sumama eh.
"Oh NathNath?" dinig kong sabi ng pamilyar na boses. Napalingon naman ako sa boses ng nagsalita, nakita ko sina Haidee at Raider na magkasama.
"Raider? Haidee?" gulat kong tawag sa kanila.
Medyo malapit ang seats nilang dalawa sa akin, isang upuan lang ang bakante.
"Sikat ka na grabe!" komento ni Raider.
"Ayie! Thank you sa support Rai! Thank you Haidee!" masayang sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
The Person You Love Will Never Be Yours
RomanceIt all started with 𝑇ℎ𝑒 𝑃𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛 𝑌𝑜𝑢 𝐿𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑛𝑒𝑣𝑒𝑟 𝑏𝑒 𝑦𝑜𝑢𝑟𝑠, and apparently ended with 𝑇ℎ𝑒 𝑃𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛 𝐼 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑖𝑠 𝑀𝑖𝑛𝑒. What do you think will happen if your idol notices you? May pag asa nga kayang maging...