A few days later
"Biglaan naman kasi si Ruben, 'yan tuloy, nabigla rin yung make up kit ko!"sagot ni Jose kay Armani habang abalang abala sila sa pagaayos ng kanyang mga gagamitin sa raket nila mamaya.
Naimbitahan kasi siya ng kaibigan na mag-make up sa isang noontime show. May chance din na maging regular ito. Nakita naman na kasi ng directors ang gawa nila, pero siyempre kailangan nilang i-prove ito on the spot. At dahil sa umaga naman ang gig, umoo naman siya. Gabi nalang siya papasok sa coffee shop. Extra din yun.
Maaga silang nakarating sa ETJ building kung saan gaganapin ang Eat's Showtime (ctto queen bluewanderer!). Na-brief naman sila ng isang manager kung kanino sila magm-make up at napakilala sila sa cast. Na-assign si Jose kay Annie, isa sa mga host ng noontime show. Na-excite naman ang babae, hinila niya ang binata sa dressing room.
"I'm so glad I picked you!" masayang bati ni Annie, "You're basically THE best friend material!"
"Thanks girl!"
At nagsimula na siya. After a long periololically time, narinig nila ang production assistant na sumisigaw sa hallway.
"On air na po in 5 minutes!" Dali-dali namang nilagyan ni Jose ng kaunting blush ang magkabilang pisngi ni Annie. The latter was about to put on her lipstick nang bigla siyang tawagin ng isang babae na nakasilip sa pintong dressing room.
"Annie! I have great news!" panimula niya, nang maaninag ang pamilyar na mukha.
"Jose?!"
"Ana!" sabay na sigaw nila Annie at Jose, leaving the former surprised.
"Dito ba yung work mo, teh?" pagbeso naman ni Jose sa dalaga.
"Yeah, I'm a producer here!" sagot naman ni Ana. "I'm guessing ikaw yung isa sa mga make up artists?"
Habang nagtatawanan ang dalawa, si Annie naman ay gulat na gulat na nag-uusap ang best friend at ang soon-to-be BFF niya. "Wait! You guys know each other?!"
"Yes! He owns a coffee shop sa kabilang street!"
"No way!" na-shook si Annie. "You two are, like, a thing now huh?"
"Nonono, we're really great friends!"defense naman ni Ana.
After laughing their asses off, muli silang tinawag ng prod assistant dahil magss-start na ang show. Agad namang pumunta sa stage ang actress, blowing a kiss sa make up artist. Dahil matagal pa naman before commercial, lumapit sila sa gilid kung saan naroon din sila Jose at Ana.
"Hi madam!" bati naman nila kay Ana.
"Hey, kung gusto niyong manood, you can sit over there naman."
"Hindi na girl. Baka bumalik na rin kami sa dressing rooms."
"Sige, if you change your mind, I'll be over there sa kabila. Kaway lang kayo if you need anything." paalam ni Ana, at pumunta sa loob ng studio.
"Girl, siya ba yung sinasabi mo na nakatulog sa cafe mo?" singit ni Ruben
"Oo nga, yung sinabi mong maganda, tas yung kras m-" may sasabihin pa sana si Armani nang takpan ni Jose ang bibig niya. Napatahimik na lamang sila, ngingiti ngiti habang pinapanood nila ang Eat's Showtime.
After the show, inapproach sila ni Ana na may magandang balita, "Guys! The director said yes! Regular na kayo dito!"
Tumalon at sumigaw sila sa saya, at sabay sabay na sumugod at niyakap ang producer.
---
Kinagabihan ay sumabay si Ana kay Jose papuntang coffee shop. Doon na niya ginawa ang natitirang trabaho.
"Haynako boss, ilang oras na rin siyang nandyan. Parang hindi matapos tapos yung ginagawa" hinaing ng isa sa staff.
"Sige, akong bahala sa kanya." sagot ni Jose at pinuntahan naman si Ana. Nagising naman ang huli at inayos ang sarili.
"I'm really sorry. I keep on falling asleep here." ani ng dalaga.
"Uso din kasi ang pahinga girl!" Jose joked, at inalok ng kape. "Decaf, para mas makatulong sa pagtulog mo."
"Thank you, Jose."
They shared a drink, at nagkwentuhan pa ng saglit.
"I-deliver ko nalang kaya yung mga order mo para sa bahay ka makatulog?" suhestiyon ni Jose.
"That's alright, I mean I enjoy the ambiance."
"Sige na teh, sagot ko na yung delivery fee."
"Pinapalayas mo na ko?" naka-pout sa tanong ni Ana, na ikinatawa naman ni Jose. Na-convince naman ang dalaga, at nagpasama kay Jose papunta sa kanyang bahay.
"Malapit lang pala yung condo mo!" sabi ni Jose.
"Yeah, great price pa." sagot ni Ana. "But it's kinda lonely, and hindi pa ako sanay."
"Hay, sa apartment ko naman, sobrang ingay ng mga kapitbahay ko 'no!" rant ni Jose. "Maganda rin ang kaunting katahimikan."
They both sighed.
Nang makarating ang elevator, nagpaalam na si Jose at iniabot ang mga gamit sa dalaga. Sa hindi malamang rason, napatitig na lamang si Ana sa binata.
Napansin naman ito ni Jose, "Bakit may dumi ba fez ko?"
"No, nothing." sagot naman ni Ana. "Maybe you should visit me sometimes. Or.."
"Sleepover?!" sabay nilang sinabi, and they were convinced na destined talaga sila. To be friends.
"Bukas ulit." pagpaalam ni Ana, saka sumakay sa elevator.
~
Every weekends yung update :)