"Hi Bong!" he greeted the person na katabi ni Ana. "I hope we meet soon ha!"
He arrived from the coffee shop after learning na malala na talaga ang ulan, ay pinauwi na ang kanyang mga employees. Kaya tinawagan niya ang dalaga para ipaalam ito. At ngayon, kakarating niya lang sa bahay ng kapatid, at gusto niyang magrelax.
Habang naguusap sina Jose at Ana, lumabas naman ng kwarto ang panganay sa mga kapatid. Nang mapansin na may kausap at medyo maingay ang bunso nilang kapatid, ay dumiretso ito sa kitchen where her others sisters are. Naghahanda sila ng mga fruit shake.
"Kilala niyo ba kung sino yung kausap ni tutoy? Kanina pa halakhak nang halakhak sa sala." tanong ni Esperanza.
"Si Ana, best friend niya. Yung kasama niya sa work." Rachel answered habang naghihiwa ng mangga.
Tumaas naman ang kilay ni Carmen, "Best friend? Baka jowa kamo."
"Oo nga, para ngang magjowa yung dalawa. I always see them together sa mga photos ni Tutoy." Esperanza said habang hinahalungkat ang Instagram ng bunsong kapatid.
"Jusko, halos araw araw ba namang magkasama." Carmen exclaimed."Di kaya may something sila?" sabi ni Rachel, at nilagay ang mga mangga sa blender.
"Parang kayo ni Richard?" pang-aasar naman ni Carmen.
"Hala, eh kayo nga ni Agapito eh" balik ni Rachel.
"Sinong Agapito?" walang kamalay-malay na sabi ni Esperanza.
"Travel kasi ng travel sa ibang bansa, can't relate." Carmen teased. Nagtawanan naman ang mga sisters, until they hear Jose's footsteps."Ayan na si Tutoy." Rachel started the blender, the others pretended to be busy.
"Ay, nasa kitchen din pala mga sisterettes ko. Sige na kurbs, byeee!" paalam ni Jose. Nakita naman niya ang shake sa counter, kaya kumuha siya ng baso sa cabinet. "Pahingi ako ng mango shake."
"Sino si kurbs?" Rachel asked, at inabot ang pitsel ng mango shake.
"Ahh, si Ana yun. Whychi?"
"Mag jowa ba kayo?" tanong ni Rachel, agad din naman tumingin ang dalawa kay Jose.
Carmen leaned sa counter and crossed her arms, "Kailan mo ipapakilala?"
"Bakit hindi mo sinasabi samin ha?" pag-usisa naman ng panganay.
"Gusto ko lang kumuha ng mango shake, miss Q and A pala itey!"sagot ni Jose.
"Eh sino ba kasi si Kurba sa buhay mo?" pagpapatuloy ni Carmen sa investigation.
"Best friend? Katrabaho? Business partner?" Jose answered.
Carmen raised her brow higher. "Bestfriend lang, hindi girlfriend?"
"Katrabaho lang, hindi karelasyon?" Rachel smirked.
"Business partner o partner sa s-" paggatong naman ni Esperanza nang pigilan siya ng mga kapatid.
"Ate!""What? Partner sa show!" pagdefend ng panganay.
"Mga ate kong magaganda pero intrigera, masyado kayong assumera!" Jose started. "Mag-bestfriends kami, okay? And I really enjoy the company kaya ayokong mag-rush into things." pag-assure naman ni Jose, saka naman nag-group hug ang mga kapatid. "Ayabayu mga sisterettes!"
"Eto kasing si Rachel!" pagkahiwalay ni Carmen sa yakapan.
"Ako na naman, eh si Ate kaya yung unang nagtanong!" Rachel shrugged at tumingin kay Esperanza.
"Kayong dalawa talaga! Nako, hayaan niyo na si tutoy!"
Patuloy lang silang tatlo na nagbabangayan, hindi na namalayan ang pagalis ni Jose.
He continued the call kay Ana. "Uy Kurba!"
"I'm inggit! May mango shake ka!" sabi ng dalaga, nang may marinig na malakas na tawanan, "Your sisters arrived na?"
"Yup!" he answered, "So, gusto mong mag-karaoke next week?"
-----
Pero mas ok na yung maulan kesa mainit hahaha